Roses 22

382 7 2
                                    

Sisters
Chapter 22

3rd person's

Nakalipas na ang apat na oras na ibinigay ng hari kay Deeona at ngayo'y ito na ay handa na para sa royal dinner na pagsasaluhan ng buong pamilya at ni Blessing.

Agad na pinatawag ng Hari si Francine at Kaydence sa study room kung nasaan ito sa kasalukuyan. Nakangisi ang hari habang nakatingin sa bagay na nasa drawer ng study table nito.

At pagkabukas ng pintuan kung saan pumasok si Francine kasama ang nakababatang kapatid nito na si Kaydence ay agad na sinara ng hari ang drawer at saka ito umayos ng upo.

"Mahal na hari" wika nilang dalawa saka sabay na yumuko bilang paggalang sa hari.

"Kayong dalawa.." panimula ng Hari. Ang madalas na walang ekspresyon na si Kaydence ay biglang nagbago ang ekspresyon at naging mas alerto sa hindi malamang dahilan.

"Kayong dalawa.. ang sasama sa Royal dinner mamaya, bilang bantay ni Blessing" wika ng Hari saka tumayo.

"Mag ayus na kayo" huling wika nito saka lumabas sa pintuan kaya naiwan ang magkapatid. Ang kaninang kinakabahang si Kaydence ay di na nakapagsalita pa. Parang alam na nito ang mangyayari, samantalang ang nakakatandang kapatid ay naiikot nalamang ang mata at inis na napapapadyak.

"Sa dami ng paperworks na inuutos at pinapagawa saakin, pagbabantayin pa ako? Tae naman... pwede naman kasing si Aldois at si Deeona nalang" bulong ni Francine saka naunang naglakad. Ngunit natigilan ito nung napansin na di sumusunod si Kaydence sakaniya.

"Kaye? Ayus ka lang ba? Anong nangyari?" Nag aalalang tanong nito sa nakababatang kapatid na di na makagalaw. Agad na umiling ito at saka inunahan si Francine saka paglalakad. Hindi parin pala nito kayang magsalita at sabihin sa kapatid ang pagkakamali nito.

Nagayus na ang magkapatid at handa nang pumunta sa royal dinner kasama si Blessing.

Habang si Blessing naman ay nakaayus narin at ngayo'y kasama na si Francine at Kaydence na inaalalayan siya papunta sa dining room sa palasyo.

Ang magkakapatid na Zenoir rin ay nakaayus na at handa nang pumunta sa royal dinner upang opisyal na makilala si Blessing na matagal nang pagala gala sa palasyo.

Ang dating reyna na si Amanda ay hindi parin makapaniwala na nakakilala ng isang mahinhin at mukhang mabait na babae ang anak nitong si Feitan. Di nito matanggap na sinalungat ng anak nito ang utos nitong dapat ay isang tulad rin nila ang dapat maging karelasyon ng anak. Alam nitong may nararamdaman ang anak kay Blessing, dahil kung wala ay hindi na ito magaabala pang ipakilala ito sa buong pamilya. Malakas narin ang kutob nitong itong batang ito ang susunod na reyna ng Deathland. At muli.. ay susubukan nitong pumagitna sa anak at sa nararamdaman nito.

At ngayon ay nasa dining room na may napakahaba at napakaeleganteng dining table na sila. Ang kisame ay puno ng iba't ibang klase ng chandelier na naggagandahan at patuloy na nagpapaliwanag sa kwarto. Nakahain sa harapan nila ang iba't ibang klaseng putahe na nagbabanguhan at nagsasarapan.

Huling dumating ang Hari na nakasuot ng gold na tailcoat na bumagay lamang dito. Kasama nito si Killàn na siyang bantay nito sa ngayon.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Blood Above The Roses (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon