Roses 15

412 14 0
                                    

Fallen Roses
Chapter 15

3rd person's

Matapos ng nangyari ay walang buhay na bumalik ang hari sa kwarto nito. Ni hindi narin nito pinansin ang mga bagay na kailangan nitong gawin o kaya tapusin. Iniwan niya ito sa kamay nila Francine saka ito nagsimulang mag kulong sa kwarto nito.

Sirang sira ang lahat ng gamit sa kwarto ng hari dahil sa di mapigilang pagwawala nito. Galit na galit ito at mas lalong napuno ng galit sa tuwing naalala ang mukha ng babaeng tinutukoy ni Damari.

"Fvk this! Fvk them!" Malakas nitong sigaw saka muling sinuntok ang pader nito. Ang kamao nito ay mas lalong dumugo na maski ang buto nito ay nagcrack narin sa lakas ng suntok nito.

Hanggang sa napaupo nalamang ito sa sahig kasabay ng pagtulo ng luha mula sa madidilim na mata nito.

"R-roseanne..." wika nito sa pagitan ng mga hikbi nito. Tila isang babasaging bagay ang hari dahil sa kasalukuyan nitong kalagayan.

Umuulit ulit na rumerehistro sa isip nito ang itsura ng batang si Roseanne.

Tahimik at walang imik na nakaupo sa fountain ang batang si Feitan. Hawak hawak nito ang isang rosas na maraming tinik habang ang daliri nito ay paulit ulit na natutusok na ngunit nanatili parin itong nakatingin sa rosas na napakaganda sa paningin nito.

Kasalukuyan silang nasa Mainland kasama ang ama nito. Andito rin ang iba pang mga Hari ng iba't ibang nation upang magtipon tipon kasama ang mga susunod na hari.

Nakatakip ang mahabang kulay itim nitong buhok sa kaliwang mata nito na ang kanang mata nito na may nunal sa gilid ang nanatiling nakalabas at nakatingin sa rosas na patuloy na nagpapadugo sa maliliit at mapuputi nitong daliri.

"Bakit nakahawak ka parin kahit nasasaktan ka na?"  Lumingon sa kaliwa si Feitan at dun nito nakita ang isang babaeng nakapigtail ang mahabang kulay light blonde na buhok. May bangs ito na tamang sukat lamang na hindi ito tumatama sa kulay sapphire nitong mata na kumikinang habang nakatingin kay Feitan. May freckles ito sa ilalim ng mata. Hugis puso ang maliit at pula na labi nito. Nakasuot ito ng paborito nitong kulay asul na Victorian dress na simple lamang ang disenyo ngunit kakulay nito ang mismong mata ng bata.

Hindi sumagot si Feitan. Binalik lamang nito ang tingin sa kamay nitong puro dugo na.

"Ako si Roseanne Mc Millan. Pero for you.. tawagin mo akong Rosie!" Wika ni Rosie saka tumayo at nakangiting pumunta sa harapan ni Feitan. Tila walang pakealam ang batang prinsipe at mas piniling wag pansinin si Rosie.

"Wala kang care sakin.. hmp" nagtatampong wika ni Rosie saka umupo muli sa tabi nito. Dahil hindi nito abot ay hirap pa itong umakyat sa gilid ng fountain. Pagkaupo nito ay sinimulan nitong laruan ang mga paa nitong nakasuot ng kulay pulang dollshoes. Baba, taas nito itong nilalaro.

"Ako ang susunod na reyna ng lugar na to.." wika nito sa mahinang boses. Agad na napalingon si Feitan dahil dito. Sa wakas ay naagaw na nito ang atensyon ng batang prinsipe.

"I don't like it.. the idea of being a queen" wika naman nito sa malungkot na boses. Dahil dito ay niluwagan ni Feitan ang pagkakahawak sa hawak nitong rosas ng hindi nito napapansin.

"Gusto ako ni August but i certainly don't like him at all. Una sa lahat, wala siyang kwenta" wika ni Rosie na siyang nakakuha talaga ng atensyon ni Feitan. Nagsimula nang kuminang ang mga mata ni Feitan habang nakatingin kay Rosie dahil sa napakatapang na boses nito. Na para bang handa nitong sulungin ang lahat para lang sa isang bagay.

The Blood Above The Roses (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon