Roses 32

322 6 0
                                    

Dance with the devil
Chapter 32

3rd person's

"Bakit kaya hindi pa lumalabas yung Hari? Kamusta na kaya si Blessing? Miss ko na siya" nakangusong wika ni Deeona kay Aldois. Kasalukuyang nasa taas si Deeona bilang kapalit ni Iris dahil umalis ito saglit. Habang ang kababalik lamang na si Kill mula sa misyon ang pumalit kay Deeona sa pagroronda sa labas ng kwarto ni Blessing.

"Miss ka ba?" Pambabara ni Aldois na siyang agad na kinanguso ni Deeona na napipikon nanaman sa mga pangaasar ni Aldois.

"Oo miss niya ko! Ikaw nga di makaamin amin kay Blessing eh.." nangaasar na wika ni Deeona na agad kinasama ng tingin ni Aldois sakaniya. Napabuntong hininga nalamang si Aldois saka tumingin ng deretsyo mula sa pinakamataas na bahagi ng palasyo kung saan kitang kita ang buong isla.

"She's out of bounds. Sa tingin mo kakalabanin ko ang Hari dahil lang sa simpleng gusto ko siya? Ayoko pang mamatay" walang emosyon na wika ni Aldois na agad ikinasalubong ng kilay ni Deeona. Naiinis ito dahil napakaduwag ni Aldois. Kung wala itong balak na gumawa ng galaw kay Blessing ay sisimulan na ni Deeona na agawin ang puso ni Aldois mula kay Blessing.

"Duwag ka. Sinasayang mo lahat Aldois. Bakit.. porket Hari ang kaagaw mo wala ka nang tsansa? Tayong tatlo ang laging magkasama, lagi ko siyang nakikitang ngumingiti dahil sayo. Bakit ba kasi sinusuko mo na agad? Duwag ka. Napakaduwag mo. Wala ka na ngang puso duwag ka pa" inis na wika ni Deeona ngunit sa kaloob looban nito ay minumura na nito ang sarili.

Selos na selos na ito dahil mas matagal na silang partner ni Aldois ngunit siya lang magisa ang nahulog sakanila. Bakit napakadamot ni Aldois? Pero bakit pagdating kay Blessing ay halos ibigay na nito ang lahat?

"Hindi ba't duwag ka rin, Deeona? Akala mo ba hindi ko alam?" Dahil sa sinabi ni Aldois ay agad na napalunok si Deeona. Nanlamig ang kamay nito. Agad na bumilis ang kabog ng dibdib nito.

'Hala gagi! Teka teka naitago ko to ng ilang taon ah? Paano niya nalaman?! Nako nako paano na ang dignidad ko! Paano pag lalayuan ako ni Aldois? Di ko keri!' Wika nito sa isip nito. Sobra sobra na itong nagpapanic pero tulad ng lagi nitong ginagawa ay tinago nito muli ang nararamdaman na kaba sa pamamagitan ng pagtawa.

"Hahahaha! Anong ibig mong sabihin? Sige sige, sino ba?" Natatawang wika ni Deeona kahit kabadong kabado na ito.

"Akala mo hindi ko alam na may gusto ka sa Hari ha?" Tila nanigas sa pwesto si Deeona. Unti unti nalaglag ang ngiti nito kanina. Agad agad nitong sinapak si Aldois saka nagtatatakbo pababa ng palasyo.

Nung naiwan na itong magisa ay di na nito napigilan ang sarili at agad na napasigaw.

"Di ka lang pala duwag, tanga ka rin! Aaaa! Nakakainis ka! Buti nalang tanga ka kundi patay na ko ngayon! Shet shet shet!" Malakas na sigaw ni Deeona na ngayon ay nafrufrustrate na sa katangahan ni Aldois. Samantalang ang naguguluhang si Aldois ay naiwan magisa sa taas.

"Tama pala ako..? Hula ko lang yun eh.. eh ako lang naman palaging kasama nun pati ang Hari. Imposible namang ako.. edi yung Hari nga?" Naguguluhang wika ni Aldois na napakamot nalang sa ulo dahil sa inis.

"Ah, ah bahala na. Kamusta na kaya si Blessing?" Tanong ni Aldois sa sarili habang nakatanaw sa paligid. Amoy na amoy nito ang dugo mula sa hanging humahampas sa mukha nito dahil oras nanaman ng patayan.

The Blood Above The Roses (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon