Roses 5

717 18 0
                                    

Felix
Chapter 5

3rd person's

Bumalik ang Hari sa kwarto kung saan nito nakakasama ang mga Holy Guards nito. At kasalukuyan itong nakaupo sa isang eleganteng upuan na nakadisenyo lamang para upuan ng Hari.

Habang ang mga Holy Guards ay naka luhod at nasa sahig ang mga ulo, maliban kay Killàn na tumatawa tawa lamang sa tabi ng Hari na inis na inis na. Ang prinsesang si Haven naman ay bumalik na muli sa Tore kasama ang kaniyang butler na si Layla.

"Bakit hinayaan niyo?!" Malakas na sigaw ng Hari na kasalukuyang nakahawak na sa sintido nito. Habang ang demonyong nasa likod nito ay patawatawa lang na umiinom ng tea na dapat ay para sa Hari. Nakaupo pa ito sa arm chair ng upuan ng Hari habang nakadekwatro pa ang mga paa nito. Halatang nangaasar sa mga kawawang kasalanan na kasalukuyang pinapahirapan ng galit na Hari.

"Pasensya na, kamahalan. H-hindi kami n-nakaimik sapagkat mas matan--" agad naputol sa pagsasalita si Deeona dahil mabilis na inagaw ng Hari ang teacup na hawak ni Kill at ibinato ito sa sahig kaya't nagkapirapiraso ito at natapon ang laman nito na dapat iinumin na ni Kill. Napasimangot nalamang si Killan saka inis na tumayo.

"Feitan naman eh! Sayang yung tsaa no!" Pagmamaktol nito. Binigyan nalamang ito ng masamang tingin ng Hari kaya't ngumuso ito lalo.

"Ano naman kung mas matanda sainyo yun?! Tandaan niyo to Deeona, mas mataas ang rangko niyo kaysa sa mga mauugaling alagad niya! Asaan yung bilanggong sinaktan ni Liliene? Dalhin niyo dito." Wika ng Hari saka pagod na umupo sa upuan nito. Mabilis na nagtayuan ang mga Holy Guards at humingin muli ng paumanhin sa galit na Hari.

"Kaydence" wika ng Hari. Agad namang lumapit ang tahimik at di pa nagsasalita na si Kaydence. Nakasuot ito ng uniporme habang ang mahabang kulay auburn brown na buhok nito ay naka tali ng mataas at paikot kaya maaliwalas ang mukha nitong maraming peklat na mula sa mga sugat na natamo nito noon. Ang mga freckles nito ay halatang halata at litaw na litaw lalo na pag nasisinagan ng araw at ang mga kulay damo nitong mata na sing ganda ng kagubatan.

"Magaling na ba ang sugat mo?" Tanong ng Hari na may pagaalala sa boses nito. Ang batang si Kaydence ay labing limang taon palamang.

Tumango lamang ang batang si Kaydence saka muling yumuko bilang pamamaalam sa Hari.

"Francine, asikasuhin mo ang dadating na Duke mula sa Northland. Magbibigay ito ng shares para sa pagpapagawa ng bagong arena ng Deathland." Wika ng Hari. Yumuko rin si Francine bago umalis upang gawin ang gawain na inatas ng Hari.

"Chain" napalingon ang kaninang tatakas na dapat na si Chain sa Hari at agad na sumaludo. Natawa naman ang katabing demonyo ng Hari na kumakain ng pagkain na dapat para sa Hari.

"Napatay mo ba?" Tanong ng Hari kaya agad na napahawak sa noo si Chain na mukhang nakalimutan ang inuutos ng Hari. "Shit, hindi pa kamahal. Pasensya na po!" wika ni Chain na nagtatago na sa likod ni Kaydence na naglilinis ng riffle nito.

"I'm giving you 30 minutes, Chain. Do it" wika ng Hari kaya mabilis pa sa kabayong tumakbo paalis si Chain para gawin ang inuutos ng Hari.

"Feitan, kukunin ko muna yung mga kailangan mong pirmahan na papeles na mula sa mga gustong mag apruba sayo. Kasama na dito yung mga magtatayo ng mall at tindahan dito sa isla." Wika ni Kill saka yumuko at umalis ng kwarto. Natira dito si Kaydence na nakatulog narin agad.

The Blood Above The Roses (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon