King
Chapter 353rd person's
Matapos ng ilang araw na pageensayo para lumakas kasama si Javi ay may hindi magandang nararamdaman si Onda sakaniya. Isa ito sa mga bagay na 'uso' sa La Angèlo; ang pinagmulan ni Onda.
"Dill! Dill! Dill!" Di mapakaling sigaw nito. Natataranta ito dahil sa di maintindihang nararamdaman. Nagsimula ito mula noong may nahuli silang nageespiya sakanila. Mula noong bumalik siya.
"Dill ano to?! Eto ba yung nararamdaman lagi ni Bubbles?" Natataranta nitong sigaw. Kasalukuyan palang na nagpapahinga si Javi dahil sa pagod ng araw araw nitong pag eensayo ng paghawak ng baril at pag aaral ng self defense sa tulong ni Dill. Ilang araw itong nagpapakalulong sa pageensayo para maabot ang goal nito.
Pero kasabay rin ng pageensayo ni Javi ang pagsasakatuparan ng napaka dayang plano nito.
"Huminahon ka Onda.." wika ni Dill na napapatawa nalamang. Sa wakas ay hindi na nagtatago si Onda. Palagi itong nagtatago sa likod ng mga babaeng personalidad nito na siyang hinihiling niya noon na maging siya sana. Pero ngayon, dahil kay Javi, lumabas ito at di na muling nagtago sa likod nila.
"Itutuloy mo pa ba? Ang plano..?" Tanong ni Dill saka umupo sa lamesa na nakaharap sa shooting field nila. Umupo naman sa tabi nito si Onda na nilalasap ang napakasarap na hangin. Umaga ngayon kung kaya't wala pang pagdanak ng dugo na nagaganap.
"Oo naman.. wala akong balak na ilaglag ang pangarap ko. Pero siguro.. baka lang, hindi ko ituloy ang planong pagtapos kay Javi. Iba eh.. iba na tong nararamdaman ko. Oo, natatakot ako. Pero malakas ang pakiramdam ko na worth it naman ang lahat pagdating kay Javi. Ngayon naiintindihan ko na ang nararamdaman ni Bubbles" nakangiting wika ni Onda saka tumingala. Hindi man nito maintindihan pero pakiramdam nito ay nasa cloud 9 siya. Na parang lumilipad ito sa saya tuwing nakakasama si Javi.
"Dill, dalhan ko lang siya ng pagkain. Baka gutom na eh" natatawang wika ni Onda. Bumaba ito ng lamesa at akmang aalis na pero hinabol ni Dill ang braso nito kaya't napatigil siya.
"Magiingat ka. Tandaan mo, hindi siya tinawag na Leon dahil lang sa wala. Nakaakyat siya sa taas kahit sobrang hina niya. Hindi natin alam, baka may binabalak siya" seryosong sabi ni Dill kay Onda. Seryoso ito. Ayaw man nitong pagisipan ng masama si Javi dahil nakasama rin niya ito ng matagal pero isa ito sa mga rason kung bakit naiisip niya ang mga ito. Lumaki si Javi sa isang bar kung saan araw araw nitong binebenta ang sarili. Matalino ito at magaling mag manipula. Iniisip ni Dill na baka hindi nila napapansin na umiikot na pala sila sa palad ni Javi.
"Trust me, Dill. Just trust me" nakangiting wika ni Onda saka pumasok sa loob ng kanilang parang bahay.
"Oi! Oi! Oi!" Malakas na sigawan ng mga myembro ng Mafia nila na nagsisiyahan sa bar nila. Mayroong isang babae sa gitna na pinagkakasiyahan nila. Ito ang bagong dating na galing sa southland na siyang nahuling pumatay.
"Boys! Take a good care of her!" Nakangising sigaw ni Onda kaya nagsilingunan ang lahat ng mga lalaking naghihiyawan at nagsisigawan habang pinaglalaruan ang kawawang babae.
"Yes Ma'am!" Sabay sabay nilang sigaw saka sumaludo at muling pinagkaguluhan ang babaeng walang ibang magawa kundi umiyak at sumigaw nalamang.
Naiikot nalamang ni Onda ang mga mata nito saka naglakad palayo mula sa babaeng humihingi ng tulod.
"Being weak means defeat. Should be suck being weak" wika nito saka taas noong naglakad papunta sa kwarto ni Javi.
BINABASA MO ANG
The Blood Above The Roses (Completed)
General FictionW A R N I N G This story is disturbing and dark. This is not child friendly. This contains violence, sexual abuses, dark mentality and other issues that may offend others. ▪▪▪ --Blessing Potterhood's life is equivalent to a mere bug's life. Doing h...