003

164 8 2
                                    

04-03-2020

Gilberto

: Bakit sakit sa ulo ang boyfriend?

Hindi ko napansin ang reply niya sa akin kahapon. Siguro noong nag-reply siya nag-offline na ako. Bakit ko nga ba masabing sakit sa ulo ang boyfriend?

Hers

: SLR. Kasi lahat ng lalaki manloloko.

Gilberto

: Is that the reason?

Hers

: Oo, bakit may angal ka?

Gilberto

: Opo, may angal ako

Hers

: E 'di umangal ka lang

Gilberto

: Hindi naman kasi lahat ng lalaki manloloko. Hindi porque niloko ka, manloloko na lahat ang lalaki.

: And based from your statement, you aren't NBSB anymore?

Hers

: Oo, bakit may angal ka na naman?

Gilberto

: Bakit palaging galit ka?

: Nagtatanong lang naman, bakit masama?

Hers

: Lalaki ka ba talaga o nagpapanggap na lalaki?

Gilberto

: Lalaki ako

Hers

: Para ka kasing babae sa kulit

: Mas makulit ka pa sa akin

Gilberto

: Babae lang ba ang makulit?

: Hindi naman, a.

: Nagtatanong lang, makulit na iyon?

Hers

: So, sasagutin ko na ang mga katanungan mo mister 90's.

: Oo, may ex-boyfriend
ako. NBSB ako, no boyfriend since break.

: Hindi naman babae
ang makulit pati rin lalaki

Gilberto

: Kuwento ka pa

Hers

: Ayoko ngang magkuwento. Hindi naman kita kilala in person and this
is too personal so why would I share?

Gilberto

: Ang pagkukuwento kasi ang nagpapahaba ng conversation

: And it is gaining a trust from stranger.

Hers

: E, sa ayoko ngang i-share, e.

Gilberto

: And I won't force you to share something to make our conversation longer and lively

Hers

: Bakit napakabait mo? 

: Unlike sa ibang guys na makakausap mo ay manyak kausap at mapilit sobra. Ang iba rin ay snob at napaka-suplado. Hindi namamansin.

: You are different from them. Kasi 2 days pa lang tayong nagkakausap pero kung makaasta ka close na close mo na ako. 

Gilberto

: Hindi naman kasi lahat ng guys ay pare-parehas. 

: Ganito lang ako sa social media, hindi snob but in person slight lang.

: At saka makakapagkatiwalaan ka naman

Hers

: Gaano ka kasigurado na makakapagkatiwalaan ako?

Gilberto

: Because all people are trustworthy

Hers

: Baluktot naman iyang dahilan mo. Not all people are trustworthy.

Gilberto

: That's what I believe.  Besides we all have different opinions and beliefs, so, don't judge

: Kilala ko man o hindi,  but I have this attitude that I treasure every people I met.

Hers

: You're unbelievable.

: Palagi ka sigurong nasasaktan, ano?

: Masakit kaya ang ganiyan. Palagi mong pinapahalagaan, pero iilan lang ang nagpapahalaga sa 'yo.

Gilberto

: Oo, masakit pero ako ito, e.

: At least my intentions are good.

: At alam ko naman sa sarili kong hindi ako ang nang-iiwan

Hers

: E 'di ikaw na. 

Gilberto

: Bakit parang ang ilap mo sa tao?

Hers

: Hindi ako mailap
pero namimili ako
kung sino ang
papahalagahan ko nang
sobra at pakikisamahan
ko lang ng pansamantala.

: Hindi kasi lahat ay papahalagaan mo dahil sa huli, ikaw rin ang kawawa dahil wala kang itinira sa sarili mo. 

: For me, alagaan mo muna ang sarili mo bago mo gawin sa iba.

And this guy name, Gilberto is interesting. Tila magkakasundo kami nito. First impression ko sa kaniya ay isang gago, pero hindi pala. May something sa kaniya na nagbibigay sa akin ng dahilan para hindi pa tapusin ang pag-uusap namin. At gusto ko ang paraan niya para mapalawak ang aming pag-uusap.

Oh-Mingle World (CHAT SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon