019

103 5 0
                                    

Two months had passed and I can say that everything has changed between us. I am longing for him, while he's busy with Shaina. At tila ang sinasabi niyang ayaw niya si Shaina ay parang idinura lang nito dahil ngayon gustong-gusto niya ito at unti-unti na niyang pinapapasok sa buhay niya.

Miss na miss ko na siya, pero siya kaya miss niya ako? Naaalala pa ba niya ako? May balak pa ba siyang i-chat ako o baka naka-uninstall na ang oh-mingle world app sa phone niya?

Gustong-gusto ko siyang i-chat pero bakit ko siya icha-chat? Baka ayaw na niyang makita pa pangalan ko kaya hindi na ako nagtangka.

Ilang beses akong nagpakawala nang malalalim na buntong-hininga. Pagod akong humilata sa kama at nag-inat hanggang sa maya-maya ay tumunog ang cellphone ko, a notification ringtone na ni-set up ko sa oh-mingle world app. Hindi ko pa nabubuksan ay tuwang-tuwa akong napabalikwas sa pagkakahiga at kagat-kagat ang dila.

07-11-2020

Gilberto

: Hoooy

"Yes!" sigaw ko nang sa wakas ay nag-message ito sa akin. Nanlalamig ang kamay kong nagtipa ng mga salita. Hindi ko maiwasang magkamali ng pindot at nakailang bura pa ako sa i-re-reply ko bago ko maperpekto, pero naisip ko magsusungit ako.

Hers

: dot

Gilberto

: Grabe dalawang buwan na walang paramdam, a!

Hers

: Ako lang ba ang hindi nagparamdam?

Gilberto

: Sorry.

Hers

: Alam ko na ang sasabihin mo. Busy ka

: At huwag mo na rin sabihin kung kanino ka busy dahil wala naman ng iba kundi sa iisang tao ka lang busy, at kilala ko na.

: Stay strong!

Gilberto

: Hooooy ano iyan bakit parang nagseselos ka na nagtatampo?

Hers

: Do I?

Gilberto

:  Yes.

Hers

: I am not.

Tangina! Marami akong gustong itanong sa kaniya pero naalala ko off limits—hindi ko dapat itanong sa kaniya dahil kaibigan lang niya ako. Teka... kaibigan nga ba ang turing niya sa akin o kakilala lang?

Masakit sa pakiramdam na itinuring mo ang isa bilang kaibigan pero para sa kaniya, kakilala ka lang niya.

Gilberto

: Sorry dahil hindi na ako nagme-message sa 'yo.

: She didn't find out that I am chatting with you dahil nilagyan ko ng password pero dahil nga may password, naghinala siya.

: Palala na siya nang palala and I can't leave her dahil hahabulin ako ng konsensya ko kapag may nangyaring hindi maganda sa kaniya

: Also her parents find out that she's too obsessed and she became suicidal. Hindi na alam ng mga magulang niya ang gagawin kaya nakiusap sila sa akin na pagtiisan ko siya. Hindi nila kayang mawala ang kaisa-isa nilang anak

Hers

: Why do you need to hold on?

: Why do you need to stay?

: Bakit may ganiyang mga tao?

: Hindi ka ba napapagod?

Gilberto

: Matagal na akong pagod pero to save her life, I need to stay.

Hers

: Hindi ba mas masakit iyon? Nags-stay ka dahil napipilitan ka lang?

Gilberto

: Napapadasal na lang ako na sana ma-realize niyang hindi kami para sa isa't isa. Na nasasakal niya ako.

Hers

: Ipagdadasal ko ang kahinahunan ng pag-iisip niya.

Gilberto

: I am really tired.

: Sana palayain niya na ako.

: I don't love her

Hers

: Akala ko mahal mo siya kaya ka hindi nagparamdam

Gilberto

: Noon iyon pero hindi na ngayon

: Awa na lang ang natitira sa akin

: Love is too playful.

Hers

: Love, loves to play everyone's feeling.

Gilberto

: Bawi na lang ako next time sa 'yo

:  I badly want to sleep now.

: I miss you (no joke added)

Hers

: Kinilig bigla puso ko | Delete

: Sleep well.

Gilberto

: Walang "I miss you too"?

Hers

: Too

: I miss you too

Gilberto

: I miss you more

In-off ko ang cellphone ko nang may matamis at malawak na ngiti. Mabilis  pa rin ang pagtibok ng puso ko. Siya pa rin talaga ang nagpapatibok ng aking puso, wala ng iba kundi siya. Bakit ayaw magsawa ng puso natin sa mga taong ayaw naman sa atin?

And about Shaina's condition, malala na siya. Two months na rin akong umiiwas sa kaniya and I didn't expect that she'll be gone as a crazy woman.

Sinubukan kong kausapin si Shaina months ago, sinusubukang ibalik ang closeness dahil hindi ko pa rin mapagkakailang naging  kaibigan ko siya't kaibigan ko pa rin naman siya ngayon ngunit may lamat na. I can feel her coldness pero hindi niya alam na mas nanlalamig ang pakikitungo ko sa kaniya.  Ayaw ko namang bigla-bigla siyang komprontahin dahil wala naman siyang sinabi sa aking mga problema niya— hindi na ito nag-o-open up. Hindi ko na alam ang nangyayari sa kanilang dalawa. Ako ang nahihirapan kay Gilbert.

Suminghap ako't napabuntong-hininga. “Shaina please let him go.” I brushed my hair using my small fingers. “She's not meant for you, he is meant for other woman, my ex-best friend, Shaina.”

Oh-Mingle World (CHAT SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon