029

119 3 0
                                    

Isang buwan ko ng hindi nakakausap pa si Gilbert sa Oh-Mingle app at tadtad na tadtad ng message ang inbox ko sa app. Binuksan ko ang chat head niya at hindi ko na binasa ang lahat ng 500 messages niya kundi dinaanan lang ng mga mata ko ang iba at tumigil lang nang mapagtanto kong malapit na ako sa dulo ng kaniyang message. Sobrang sipag niya. Nag-effort masyado.

Gilberto

: Hoooy

: Bakit hindi ka na nag-re-reply?

: Ginalit ba kita?

: Hindi mo ako gusto?

: May boyfriend ka na ba kaya ayaw mo sa akin?

: At bakit bawal tayo?

: Hoooooy, madam. Sumagot ka naman.

: Para akong kumakausap ng hangin.

: Hindi ka pala hangin kasi ang hangin may paramdam, e, ikaw wala ng paramdam.

: Hindi mo na ba ako papansinin?

: Just say a word, Hers. I'll stop liking you.

: Wala ka na bang balak pansinin ako?

: Hoooy bahala ka tatadtarin kita ng pm kung hindi mo ako papansinin

: Hindi mo talaga ako gusto, ano?

: Alam mo ba nasasaktan ako *insert sad face.

: Hindi mo kasi talaga ako pinapansin, e. Nakakalungkot nang sobra

: Si Shaina unti-unti ng nagbabago at sinabi niya lang sa akin kahapon na natanggap na niya. Ang bilis naman niyang mag-recover at matanggap ang totoo. Sana all, 'di ba? Humingi rin siya sa akin ng sorry sa mga ginawa niya na almost months niya akong sinakal. Ang sabi ko naman, ayos lang ang mahalaga malaya na kami sa isa't isa at wala na sa aming masasaktan sakaling ipagpapatuloy namin ang gusto niya noon.

: Gusto ko ang pagiging mature niya.

: Ako naman, mas pinagbubutihan ko ang pag-aaral at nakikipag-compete kay Herschelle. Kasama siya sa dean list at gusto ko ring mapasama. Anyway, congrats to her because she really deserves it. Hindi naman sa naiinggit ako sa kaniya. Hinahangaan ko nga siya kahit tahimik siya ay naipapasa niya ang mga subjects namin. Isa siya sa ginagawa kong motivation and I am slowly accepting her as my step-sister kahit ayaw talaga ni daddy sa kaniya. We remained it as a secret. Kaming dalawa lang ni daddy ang may alam, at hindi na pinag-usapan pa pero alam ko namang walang lihim na hindi maibubunyag. Pero siguro balang araw i-a-approach ko siya in a nice way. Matagal ko na rin kasing gusto na magkaroon ng sister at ngayong matagal na palang mayroon akong kapatid.

: Ngayon, pag-aaral ko muna iisipin ko kung paano ko ito maipapasa at kung paano kita maaangkin.

: Sana ma-seen mo lang ito. Ayos na ako roon.

: Matiyaga kong hihintayin ang reply mo kahit abutin pa ulit nang isang buwan.

: Sana sagutin mo ang mga tanong ko.

I shook my head and a small smile escape on my lips. Kung alam lang niya, mandidiri rin siya sa sarili niyang nagkagusto siya sa akin. At wala rin naman akong kasalanan dahil hindi naman ako nagpanggap kundi nagtago lang ng totoong pagkatao. Sana hindi niya ako kasuklaman nang husto.

Pero hindi na bale, hindi naman ako magmamakaawa sa kanilang tanggapin ako dahil una pa lang tanggap ko naman ang sarili ko at may tumanggap naman sa akin.

Pahahalagaan ko na lang iyong mga taong pinapahalagahan din ako at huwag nang ipagduldulan ang sarili sa mga ayaw sa akin.

Oh-Mingle World (CHAT SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon