009

105 6 1
                                    

Namalikmata lang ako sa pagngiti niyang iyon dahil ang ngiting iyon ay hindi para sa akin, kundi sa kaibigan kong nagising na ang diwa.

Sa ilalim ng aking kinauupuan ay napakuyom ako ng kamao. Napahiya ako roon!

Inis akong yumuko. Nagbabasakali lang naman akong ngitian niya, pero sa iba talaga siya ngumingiti.

Mula sa inis na nararamdaman ko ay inilabas ko ang cellphone na nasa bag ko. Mas lalo lamang akong nayamot nang makita ang pangalan niya sa chat head.

04-13-2020

Gilberto

: Hoy

Hers

: Problema mo?

Gilberto

: I miss you

Hers

: Kausap mo lang ako kahapon pero miss mo na agad ako?

Gilberto

: Siyempre. Ang ganda mo kayang kausap, kung puwede nga lang buong araw tayong mag-usap.

: Pero wala rin naman tayong mapag-uusapan. So, I'm happy that I met you here.

Hers

: Siguraduhin mo lang na masaya kang kausap ako, a. Kapag makikita mo ako someday at hindi ka masaya papatayin kita

Gilberto

: Huwag mo akong patayin sa pisikal. Kill me with love

Hers

: Eeenggk!

: Ayan ka na naman sa mga pinagsasabi mo. Dahan-dahan ka naman. Kapag nahulog ako, hindi mo rin lang naman ako sasaluhin.

Gilberto

: I miss you as a friend kasi iyon

: Bakit mo kasi binibigyan ng malisya?

Hers

: Lahat naman kasi ng sinasabi mo nabibigyan ng malisya

: Be specific kasi sa tinutukoy mo or sa mga sasabihin mo

: Baka mamaya isang araw, kilig na kilig na ako pero hindi pala more than a friend ang turing mo

Gilberto

: Bakit nga kasi binibigyan ninyo ng malisya ang lahat? Bawal na ba kaming magsabi ng ganoon kahit miss naman talaga kita as a friend?

Hers

: Ewan ko sa iyo!

Gilberto

: Bawal na ba kaming maging friendly?

: Bawal na ba kaming magsabi ng gusto namin?

: Bawal na ba kaming magsabi ng "I love you" sa isang kaibigan?

: Paano kung mahal kita, bilang kapatid kahit hindi naman tayo magkadugo?

: Bakit ba kasi palagi ninyong binibigyan ng kahulugan ang lahat. Kaya kayo nasasaktan dahil lahat binibigyan ninyo ng kahulugan kahit hindi naman dapat.

Oh-Mingle World (CHAT SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon