005

133 8 1
                                    


04-07-2020

Gilberto

: Hoy

Hers

: Ano na naman?

Gilberto

: Miss you 

Hers

: Allergic ako sa mga pa-fall kaya tsupe ka!

Gilberto

: Ouch!

: Ang sakit mo naman.

: Hindi ako pa-fall.

Hers

: Oh, ano nasaktan ka?

: Hindi raw, pero kapag na-fall na ako hindi mo ako sasaluhin.

: Bakit ganiyan kayong mga lalaki, pa-fall. Nakakainis

Gilberto

: Palagi ninyo kasing binibigyan ng malisya ang lahat.

: Malinis naman ang intensyon pero para sa inyo masama na.

: Ang assuming ninyo kasing mga babae.

: I miss you lang naman ang sinabi ko, pa-fall na? Hindi naman ako nagtanong ng "kumain ka na?"

Hers

: E, kahit na.

: Masisisi ba ninyo kaming babae na mabilis maniwala sa mga salita ninyong mabulaklak?

Gilberto

: Oh, tama na. Nag-aaway na naman tayong dalawa.

: Nag-chat lang naman ako dahil gusto ko nang makausap

Hers

: Wala ka bang kaibigan diyan para kausapin mo at hindi ako?

Gilberto

: Mayroon din naman

Hers

: E, 'di sila ang kausapin mo. Hindi ako.

: Ang dami-dami mong kaibigan, hindi mo sila kausapin.

Gilberto

: Paano mo alam na marami akong kaibigan?

Hers

: Feel ko lang bakit ba

Gilberto

: Well, totoo ang feeling mo. Marami nga, pero minsan nakaka-boring din silang kasama.

Hers

: Bakit boring? Tawa ka
nga yata nang tawa kapag kasama mo sila.

Gilberto

: Oo, pero boring ka.

: At bakit feeling ko kilala mo ako?

: Kaklase ba kita?

: Pakilala ka naman kapag kilala mo ako

Hers

: Hindi kita kilala

: Hindi mo rin ako kaklase

: Malakas lang talaga
ang gut feel ko

Gilberto

: Iyong tungkol nga sa crush ko

Hers

: Anong mayroon sa crush mo?

Gilberto

: Crush ko kasi siya

Hers

: Sino ba crush mo?

Gilberto

: Nahihiya akong sabihin

Hers

: Para kang bakla

Gilberto

: Nakakahiya kasing sabihin

Hers

: Huwag kang mahihiya. Hindi mo naman ako kilala at sekreto lang natin ito

Gilberto

: Pinky promise?

Hers

: Para kang tanga.
May paganiyan ka pa

Gilberto 

: Iyong crush ko kasi may kaibigan siyang medyo nakakatakot

Hers

: Lalaki ka bakit ka matatakot sa kaibigan niya?

: Saka anong connect ng pagtatanong ko sa crush mo sa kaibigan niya?

Gilberto

: Para kasing mananakit kapag may lalapit sa best friend niya.

: Alam mo 'yon? She's so protective to her best friend.

Hers

: Bakit hindi mo na lang kasi sabihin kung sino ang crush mo? Napakadali lang namang sabihin, e. Ang dami mo pang sinasabi.

Gilberto

: Si Shaina Venterez

"Tangina!" napamura ako nang wala sa oras at naging dahilan ng paglingon sa akin ni Shaina. Mabilis kong inilipat sa mobile legends nang sumilip ito sa cellphone ko.

Nangunot lang ang noo niya sa akin at ibinalik ang sarili sa pagbabasa ng ipinahiram kong libro sa kaniya dahil naiwan nito ang libro niya. Lumingon ako sa gawi ni Gilbert. Abala siyang nakatutok sa cellphone niya habang napapalibutan siya ng mga barkada niyang abala sa pakikipagkuwentuhan.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawa. Kay Shaina na nasa tabi ko at kay Gilbert na napalingon sa aming gawi. Mabilis kong ipinihit ang ulo kong palihim na napakagat sa labi ko.

Crush nila ang isa't isa?!

Oh-Mingle World (CHAT SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon