Pirmi ang pang-aalo na ginawa nila sa akin nila mama at daddy pagkarating ko sa bahay dahil nagmistula akong batang ayaw paawat sa pag-iyak.
Labis ang sakit na nadarama ng aking puso. Mas bigo pa ako sa heartbroken na iniwan ng kasintahan sa lagay ko.
Para kasi akong nawalan ng magulang kahit alam kong buhay pa silang dalawa. Simple lang talaga ang hangad ko at kahit ayaw ko silang makita noong una, may kaunting parte sa aking gustong-gusto ko silang makilala as my parents dahil nanggaling ako sa kanilang dalawa even they failed their responsibility as a parents' to me.
Nang kumalma ako't makaidlip sandali kanina, umalis na sila mama sa kuwarto. Alam ko ring nasasaktan sila para sa akin at nakararamdam sila ng takot, but I will never leave them and go with my real mother even she wants me to be with her. Ayoko na ang mag-adjust sakaling makikitira pa ako, at isa pang dahilan ay hindi ko alam kung ano ang ugali ng mga kapatid ko sa kaniya.
Ang mga tao, sa una lang maganda ang pakikitungo sa 'yo pero habang tumatagal, lalabas na ang totoong kulay na mas maitim pa sa kulay itim na krayola.
Akala mo mabait pero masama pala. Akala mo masama pero mabait din pala. That's the cycle of humans.
Marahan akong gumilid mula sa pagkakahiga at inabot ang cellphone na nasa bed side table ko. Blur ang paningin kong binalingan ng tingin ang phone screen.
Ang dating saya tuwing nakikita ko ang pangalan niyang lumilitaw sa phone screen ko ay unti-unti ng nauupos.
I can't feel the excitement anymore. A rueful smile escape on my lips as I stared at my phone.
07-19-2020
12:34 A.M.
Gilberto
: Hooooy
: May isha-share ako
: Do you know Herschelle
: Hindi ko aakalaing siya pala ang step-sister ko kay daddy. I was really shock at that time. I couldn't speak any word.
: Aaminin kong ayaw ko na talaga sa kaniya noong una pa lang, pero ngayong nalaman kong magkapatid pala kami sa ama, mas lalong lumala ang pagkaayaw ko sa kaniya.
Nanginginig ang daliri kong nagtipa sa keyboard. Naiinis ako't nakadiin ng bawat pagpindot ko.
Hers
: Bakit mo siya kinasusuklaman kung wala naman siyang ginagawa?
: Frankly speaking, naiinis ako sa 'yo. Wala naman siyang ginagawa sa 'yo— sa inyo pero bakit suklam na suklam kayo sa kaniya? In the first place, wala naman yata siyang naging atraso sa 'yo o sa inyong lahat. Hindi pa naman kayo nag-away 'di ba?
: Do you think she deserves the hate without reason?
: Yes. May mga tao talagang ayaw natin, pero isipin mo muna ang malalim na dahilan kung bakit mo siya ayaw. Dahil pangit lang siya, ayaw mo na? Fvck that mindset!
: Pero totoo nga ang sinasabi nilang may sinasabi ka man o wala, may mga taong palihim na kasusuklaman ka.
: Hindi naman niya kasalanan— wala siyang kasalanan.
: Palaging naakusahan ang mababait na tao. Kaya maraming naloloko dahil mas pinapanigan ninyo iyong santa santita kaysa sa anghel talaga ang puso.
Gilberto
: I'm sorry
: I just can't stop myself hating her.
Hers
: Sana balang araw iyang hatred na nararamdaman mo mawala.
: “Life is short. Spread love, not hatred.” I hope you will always remember that line.
Hindi ko na hinintay pa ang susunod niyang reply dahil in-off ko na ang cellphone ko't hindi pa rin maiwasang manlamig ang kamay ko at manginig nang bahagya.
Iyon ang pinakaayaw ko sa lahat ang kamuhian ako at wala naman akong ginagawang masama sa kanila. Hindi ko naman kasalanang maging ganito, a—ang maging anak nila't maging step-sister ako ng mga kapatid ko sa totoong magulang.
BINABASA MO ANG
Oh-Mingle World (CHAT SERIES #6)
RomanceHerschelle is an introvert who joined the "Oh-Mingle World" online dating site, where everyone is looking for something. She had signed up for a reason: to find people who could understand fully her stories, not to find a partner. She ran across a g...