It's been days since I didn't talk to Gilbert on Oh-Mingle app. Para saan pa't kakausapin ko siya? He hates me at kapag nalaman niyang ako ito, malamang kamumuhian din niya ako. Kaya ako na lang iiwas bago pa siya umiwas. Tama na ang sakit na ipinaranas niya at ako naman ang mananakit sa kaniya. If ever na masasaktan nga siya sa pag-iwas kong ito, he deserves it tho.
Blangko kong binalingan ng tingin ang phone screen ko nang sunod-sunod na mag-pop ang notification galing sa Oh-Mingle app na pinapaalalang may new messages daw ako.
Hindi ako nag-abalang pansinin iyon sapagkat alam kong iisang tao lang naman ang magme-message sa akin dahil halos ng ka-oh-mingle ko ay tinapos na ang aming pag-uusap. Sa katunayan, si Gilbert lang ang pinakamatagal kong nakausap at umabot pa nga sa buwan.
Partida, nakakapanghinayang! Bakit ba kasi... ugh! I shook my head from dismay.
Habang mag-isang nakaupo sa study table, dito sa aking silid at habang nakadungaw ako sa palubog ng araw sa bintana ay sumagi sa isip ko si Gilbert. Buong araw siyang tahimik kanina at masasabi kong blangko ang mga mata niya nang magkatinginan kami nang dalawang minuto siguro kanina.
Hindi na rin sila magkatabing dalawa. Napakalayo nga ng agwat nilang dalawa kanina't hindi maipinta ang mukha ni Shaina. I am sure that something happened. Hindi ko na kailangang alamin dahil napaka-obvious naman. He already did what he had said.
Sa wakas, nagawa niya na ring magtapat kay Shaina. Kung hindi lang talaga kami magkadugo ay malamang kanina pa ako nagpagulong-gulong sa kama dahil may chance na ako.
Oo, pirmin ang panghihinayang ko. Iyong tipong nasungkit ko na ang bituin pero bawal kong angkinin.
He can't be mine, never in my life.
Lumipas ang ilang oras at bumalik ako sa tamang wisyo nang marinig ko ang malakas na vibration ng cellphone sa ibabaw ng study table. My eyes laid on my phone.
Mahinhin kong inabot iyon at tamad na binuksan para basahin. In-scroll ko pataas para basahin ang sinabi niya sa akin mula kahapon hanggang ngayon at binalewala ko na ang mga ibang chat niya.
07-25-2020
Gilberto
: I'm really sorry if I upset you, but hey, nagawa ko na.
: Nakausap ko na si Shaina at masaya ako dahil maluwag sa puso niyang pinakinggan ako at tinanggap ang mga sinabi ko. Wala siyang sinabi, hindi siya nagwala na gaya noong dati niyang ginagawa. Maybe she realized that she can't own me because I don't love her.
: I'm really happy, but somehow, I'm sad. I made her cry and I hurt her feelings.
“Sana nalulungkot ka rin sa akin bilang kapatid mo. Sana ganiyan ka sa lahat ng mga babae, pero namimili ka lang, e. Sana naawa ka sa kapatid mo... sana ma-realize nasaktan mo rin ako,” mahina kong bulong habang nag-iinit ang sulok ng aking mga mata. Binilisan ko na ang pag-scroll pababa dahil iyon lang naman ang ikinuwento niya—about kay Shaina na alam ko na ang balitang iyon kahapon pa.
Gilberto
: Pero sinabi ko sa kaniyang makakahanap pa siya ng iba at mamahalin siya nang husto.
: And I hope someday you're ready to see me too.
: You are the one I like, Hers.
: I hope you feel the same way.
: But I respect your decision kung ayaw mong makipagkita.
: Just say a word if you don't feel the same.
: Please, reply.
Literal na napaawang ang bibig ko sa matinding gulat sa nadaanan nang napakalinaw kong mga mata sa phone screen. Bahagya kong kinurot ang palapulsuhan ko dahilan para mapangiwi ako sa sakit at doon ko napagtantong, totoo ang aking nababasa.
Subalit hindi ko magawang puminta ng isang masayang ngiti dahil isang pagsimangot ang nagawa.
Hers
: Bakit mo ako nagustuhan?
: Bakit ako?
: Kaya hindi mo na gusto si Shaina nang dahil ba sa akin?
Gilberto
: No. Wala kang kinalaman doon dahil nararamdaman ko ito at ikaw ang gusto ko.
: Kahit hindi pa tayo nagkikita alam kong napakusuwerte ko sakaling magkaroon ng tayo dahil napakabait mo, maunawain, at palaging nandyan sa tabi ko para pakinggan ako sa mga kuwento ko. May mabuti kang puso.
"Sana masabi mo 'yan kapag nalaman mo ako si Herschelle, pero baka bawiin mo." I sighed.
Hers
: Akala ko ba hindi ka iibig sa nakilala mo lang online? Alalang-alala ko pa ang debate nating dalawa patungkol diyan. You are against but look at you now, kinakain mo lang mga salita mo.
Gilberto
: Hey, are you mad?
: Feelings change and my heart screaming your name.
: Hindi mo naman makokontrol ang puso mo kapag nagkagusto ka sa isang tao.
Hers
: No. Iba na lang ang gustuhin mo, huwag ako.
Gilberto
: Bakit?
Hers
: We can't be together. Bawal tayo.
Gilberto
: Bakit bawal?
: Anong ibig mong sabihin sa bawal? Hindi mo ako gusto?
: Hoy
: Hoooy
: Bakit hindi ka na nag-re-reply?
Kinagat ko ang ibabang labi ko't tahimik na humikbi. Napakadaya ng pag-ibig sa akin, e. Panalo na ako, e. Napanalunan ko na ang puso niya na parang lotto pero nag-traydor ang tadhana.
Iniyukyok ko ang ulo sa ibabaw ng nakapatong kong tuhod sa aking kinauupuan mismo at ang aking kamao ay ipinuwesto ko sa aking dibdib, sa mismong puso. Sumisikip ang aking dibdib.
"Puwede na sana tayo, kaso bawal."
BINABASA MO ANG
Oh-Mingle World (CHAT SERIES #6)
RomanceHerschelle is an introvert who joined the "Oh-Mingle World" online dating site, where everyone is looking for something. She had signed up for a reason: to find people who could understand fully her stories, not to find a partner. She ran across a g...