006

132 7 1
                                    

04-08-2020

Hindi pa rin ako makapaniwala na gusto nila ang isa't isa. Mapapahiling ka na lang sa langit na sana lahat ay marunong mag-crush back.

Gilberto

: Hoy

Hers

: Oh, bakit?

Gilberto

: Hintay ako nang hintay sa reply mo, hindi ka na nag-reply.

Hers

: Sinabi ko bang hintayin mo reply ko?

: Bakit mo kasi ako hinintay

: Saka nag-shutdown phone ko.

Umismid ako sa aking kasinungalingan. Hindi naman talaga nag-shutdown ang cellphone ko. Hindi ko rin alam kung bakit pagkatapos noong nabasa kong reply niya ay hindi ko na siya ni-reply-an.

Siguro sa sobrang tuwa ko na gusto nila ang isa't isa, na may feelings sila sa isa't isa at naiinggit dahil hindi ganoon crush ko. Bigla ka na nga lang mapapadasal nang wala sa oras kahit hindi ka naman madasaling tao na sana maging crush ka na rin ng crush mo.

Hindi may iba pa kasi akong rason na hindi ko rin makumpirma.

Gilberto

: She's cute

Hers

: Sinong cute?

Gilberto

: Shaina

Hers

: Iyong best friend, hindi cute?

Tumaas-baba ang kilay ko matapos kong i-send ang reply ko. It's not I'm a snake here, but I just want to know their thoughts about me.

Gilberto

: Cute siya, pero alam mo 'yon maganda at cute si Shaina. Kaya nga lang medyo isip bata siya at iyong kaibigan niya ay matured mag-isip.

: At base sa observation ko rin, iyong best niya ang gumagawa ng lahat.

: Medyo nakakaawa ang sitwasyon noong best friend niyang si Herschelle

So, all this time nakakaawa ako sa paningin niya? Saang banda ako nakakaawa? Am I really cute?

Hers

: Bakit nakakaawa?

Gilberto

: Kasi naging best friend niya ang tulad ni Shaina na parang habambuhay niyang pasan sa balikat para makapasa.

: Hindi ba nakakapagod iyon? Iyong may best friend ka nga, pero iaasa naman sa 'yo lahat para makapasa rin.

At sa nabasa ko ay para akong binuhusan nang malamig na tubig. Oo, ganito ang papel ko kay Shaina as her best friend, pero hindi ako nagrereklamo dahil ginugusto ko naman. Bakit ako magrereklamo kung gusto ko namang gawin, 'di ba?

Hers

: Hindi mo siya bet?

Bakit parang tunog gusto ko siya? Gusto ko lang talaga malaman if may secret admirer ako, pero sa nabasa kong sagot niya ay nanlanta ang balikat ko.

Oh-Mingle World (CHAT SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon