Dahil sa sobrang curiosity na nadarama ko ay hindi ko napigilan ang sarili kong tanungin kanila mama at daddy kung sino at kung ano ang pangalan ng hinayupak kong ama.Mariin na nakakuyom ang kamao ko na nasa aking likuran habang masamang tinititigan ang bahay na nasa harap ko.
“Eduardo Doria,” ayan ang sinabi ni mama at daddy na paulit-ulit nagpantig sa aking tainga. Hindi na ako nagdalawang-isip pa nang hingiin ko ang address ni Eduardo. Pagkatuntong ko rito ay halos nanginig ang buong pagkatao ko nang malamang bahay nila Gilbert.
I do not know his exact address pero isang beses na akong nakapunta rito dahilan para maging pamilyar sa akin ang bahay sapagkat sinundan ko si Gilbert hanggang makauwi dahil nga gusto ko siya. Pero may nais lang akong klaruhin kahit malinaw na sa aking tila iisa nga ang ama naming dalawa ng lalaking inaasam-asam kong mapasa-akin.
Buntong-hininga kong pinagmasdan ang bahay. Papadyak-padyak ako sa sementadong kalsada at nakasuot pa ako ng aming university uniform. Palakas nang palakas ang kabog ng aking puso habang patagal ako nang patagal sa pagtayo sa tapat ng malaking gate.
Puting-puti ang pintura ng dalawang palapag na bahay na nasa harapan ko. Walang kadise-disensyo ang bakuran nila maliban na lamang sa bermuda grass sa buong bakuran. Para sa akin, maihahalintulad ko ito bilang “the mansion” house sapagkat kagayang-kagaya siya ng the mansion sa Baguio, na napaka-boring sa mga mata.
Apat na beses akong nagpakawala nang malalim na buntong-hininga bago ko ihakbang ang mga paa ko palapit sa mismong gate.
Hahakbang pa sana ko nang isang beses nang maestatwa ako sa boses na narinig ko.
“What are you doing here?”
May ilang minuto akong nawalan ng hininga at hindi makagalaw.
“What are you doing here?” malalim at bakas sa boses niya ang pagkadigustong makita akong pag-uulit nito ng tanong.
Hindi ako humarap bagkus napakurap ako. Bakit ba natatameme ako pagdating sa kaniya? Nagagawa kong magtaray at magsalita nang hindi maganda sa iba, pero pagdating sa kaniya tiklop ako?
Naramdaman ko ang yapak niyang lumapit pa sa akin hanggang sa makita ko siyang nasa harapan ko.
Akmang uulitin niya ulit ang kaniyang tanong nang bigla akong sumagot. “Nandito ako dahil may gusto akong makita,” malamig kong saad. Pinilit kong maging malamig ang ekspresyon ko dahil gusto kong iparamdam sa kaniya kung gaano kasakit ang ipinaparamdam niya sa akin.
Hindi naman niya ako gaanong kilala, pero pakiramdam ko ayaw na ayaw niya akong makita. Tila ba may nagawa akong kasalanan sa kaniya kahit wala naman. At hindi ko siya maintindihan sa bagay na iyon.
“Who is it?” umarko ang kilay niyang tanong.
Kukurap akong tumingin sa kaniya ang diretso. Iniiwasan kong mabulol o hindi kaya'y mautal.
“What's your father's name?”
Mas lalong tumaas ang dalawang kilay niya at naiirita na ang ekspresyong nakapinta sa kaniyang napakaguwapong mukha. Gusto ko siyang titigan pero hindi ko magawa.
“Why would I tell you my father's name?” he coldly asked.
“Gusto ko lang malaman,” I answered.
His forehead creased and his squinting eyes laid on me. “Bakit nga? Aanhin mo?” mataas ang boses niyang tanong.
“What's happening here?”
Parehas na bumaling ang tingin namin sa may-ari ng boses.
Hindi na ako umayos ng tindig dahil nanatili akong nakatayo nang bagsak-balikat ngunit mas pinili ko munang gumalang. “Good afternoon, sir.”
BINABASA MO ANG
Oh-Mingle World (CHAT SERIES #6)
RomanceHerschelle is an introvert who joined the "Oh-Mingle World" online dating site, where everyone is looking for something. She had signed up for a reason: to find people who could understand fully her stories, not to find a partner. She ran across a g...