017

98 4 1
                                    


Tawang-tawa ako habang nakikipag-usap sa mga kaklase ko. Making new friends is hard for me, knowing that I am an introvert person. Nasanay na akong si Shaina lang ang kasa-kasama ko sa buong araw at pinipiling ignorahin ang mga taong gustong makipag-kaibigan sa akin, ngunit ngayon... nagbago na ako.

Gusto kong lumabas sa nakasanayan ko, at ito ako ngayon. Nagugustuhan ko ang pagbabago ko. Hindi na ako iyong dating si Herschelle na hihintayin ko si Shaina dumating para makipagdaldalan ako. Shaina is still a friend to me, but she isn't my best friend anymore.

Bakit ko pa kailangang ituring na matalik ko siyang kaibigan kung hindi pala ako matalik na kaibigan para sa kaniya.

I am just wasting my effort to the worthless friend who abuses my kindness.

I look at her as she looked at me, pitiful. I just gave her a small smile. Sana aware siya kung ano ang pagkakamali niya. Itinuring ko siya bilang kapatid, pero hinfi ako ganoon para sa kaniya.

"Nakakatuwa ka palang kausap, Herschelle," nakangiting sabi ni Bea.

"Palagi ka kasing tahimik at nakakabigla lang na may ganito ka palang side." Tumawa lang ako nang mahina sa sinabi ni May Ann.

Hindi ko namamalayan na sa simpleng pag-uusap lang namin ay pakiramdam ko ay makapagpapalagayan kami ng loob. Nag-usap kami ng kung ano-ano, mostly random facts about what we had read in internet, tapos sa mga natutuhan namin at kung gaano kahirap ang kurso namin.

Habang tuwang-tuwa ako sa mga bagong kasama ko ay dumako ang tingin ko nang lumitaw ang isang notification sa phone screen ko, galing sa Oh-Mingle World.

"Excuse me lang," paalam ko sa kanila at kinuha ang cellphone kong nasa ibabaw ng mesa.

"Sige lang, Herschelle. May bibilihin lang din naman kami Bea sandali," paalam ni May Ann at saka sila umalis. Magiliw akong kumaway sa kanila.

"Bumalik kayo, ha? Huwag n'yo akong iwan," paalalang saad ko sa kanila. The two nodded energetically and with a smile escape on their lips.

"Of course, kaibigan ka na namin." I overheard from them.

05-25-2020

Gilberto

: Ang sakit ng ulo ko!

Hers

: Malamang sasakit dahil lasing ka kagabi.

Gilberto

: Shookt! Ka-chat kita?

Hers

: Mag-back read ka kaya nang malaman mong nagkausap tayo

Gilberto

: Sandali, magba-back read ako at aalalahanin ko ang lahat

Hers

: Alalahanin mo kung may maalala ka.

Gilberto

: I'm sorry.

: Ginulo pa kita kagabi at baka sumakit ulo mo sa kakaintindi sa mga sinabi ko

: Sorry

: Tumawag din ako sa 'yo? Ano pinag-usapan natin at ano-ano mga pinagsasabi ko?

Hers

: Ganiyan ka pala kapag nalasing, hindi alam kung ano ang ginagawa.

: Kaya kung malalasing ka ulit, matulog ka na lang. Pinasakit mo ang ulo ko kagabi. Nakakainis! Madaling araw pa 'yon, a. Pasalamat ka't naalimpungatan ako kaya may nakausap ka.

: Well, nagsumbong ka lang naman tungkol sa future bebe mo na nasasakal ka na.

Gilberto

: At ano pa? May nasabi ba akong hindi maganda sa 'yo?

Hers

: Sabi mo magpapakamatay ka na lang dahil nasasakal ka na kay Shaina mo

: Saka umiyak ka pa

Gilberto

: Hindi siya akin

: At ayaw ko talaga sa kaniya.

: Tae, kabaklaan ko. Pasensya na nadala lang kaya umiyak

: Ano pa sinabi ko?

Hers

: Ang cute mong umiyak. Haha.

: At nag-"I love you" ka sa akin.

Gilberto

: Talaga sinabi ko iyon sa 'yo?

Hers

: Mukha bang nagsisinungaling ako?

Gilberto

: Naniniwala ako at sa sinabi kong iyan, I love you as a friend. No other meaning, only friend.

Hers

: Alam ko naman kaya don't ya worry

: Peste kang animal ka! Pa-fall ang putek | Delete

Gilberto

: At saka hindi lang kita basta kaibigan dahil para na rin kitang kapatid.

: Lil' sister in virtual world.

: Kaya kapag may nanliligaw sa 'yo, pakilala mo muna sa akin a, nang makilatis ko.

Muntik ko nang mahulog ang cellphone ko mula sa pagkakahawak. Amputek! Friendzoned na nga ako, Sisterzoned pa.

Oh-Mingle World (CHAT SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon