021

107 4 0
                                    

Saturday is my favorite day in the whole week for I can spend more time in my bed, chatting with anyone else, reading books and the bonding time with my parents. Sunday is my favorite too, but I hate it too because of the fact that it is the end of the weekend and tomorrow will be Monday again.

As an introvert person, it is hard for me to be sociable because I am used to be alone most of the times, and surround myself in a small circle of friends that I can mingle with. Sumulyap ako sa wall clock kung saan nakasabit ang LED television sa dingding ding iyon.

It's already nine in the evening at bakit hindi pa rin bumababa sila mama at daddy sa kanilang kuwarto? Hindi ba matutuloy ang movie marathon namin? Mag-isa ko na lang bang panonoorin ang Conjuring 2?

Nakalabing kinunutan ko ng noo ang nakasarang pinto nila sa itaas. Ano na kaya ang nangyari sa kanila? Wala na akong magawa. Na-bored na ako sa pagbabasa at lalong-lalo namang wala akong messages sa any social media platform na naka-install sa phone.

Bumuga ako nang malalim na buntong-hininga bago ko mapagpasiyahang pumanhik sa itaas para kumatok sa pinto nila't magtanong kung itutuloy pa ba ang movie marathon o ipagpapabukas na lang. Ngumiti ako habang inaakyat ko ang labin-limang baitang ng hagdan.

As I reached their room and position my fist to knock, but I eavesdrop instead before knocking.

Naririnig ko ang boses ni mama at tila humihikbi pa ito. Nangunot ang noo ko sa pagtataka. What happened? Nag-away ba sila o baka natanggal na sila sa trabaho pareho? No way! Magsasabi naman sila sa akin kapag ganoon ang nangyari gaya noong matanggal sa trabaho si daddy.

Mas tinalasan ko ang aking pandinig para marinig ang kanilang pinag-uusapan. Alam kong mali ang ginagawa kong pag-eavesdrop pero nakukuryuso ako.

“Ibabalik na ba natin siya?” boses ni daddy. My forehead creased. Sino ang ibabalik? Si Mandy, ang aso naming chihuahua, pero kanino? Hindi naman ipinamigay sa amin si Mandy kundi binili siya sa isang pet shop.

Bumibilis ang tibok ng puso ko gaya ng pagtibok ng puso ko kapag nakikita si Gilbert, pero kakaiba ang ipinapahiwatig ng bilis ngayon. I'm sweating from nervous. Tila hindi maganda ang pinag-uusapan nila. I can feel the heaviness of their atmosphere even I am outside of their room.

“Hindi. Sa atin siya. Pinalaki natin siya at hindi natin gagawin iyon!” Sa narinig ko pa lang kay mama ay malinaw na sa akin ang lahat. Nasa wastong edad na ako para hindi maging tanga sa narinig. Dahil isa lang ang ibig sabihin nito.

I'm an adopted child. Napaawang ang labi sa gulat. Napahawak ako sa aking dibdib.

“Pero anong gagawin natin sa mama niyang nasa New Zealand, at gusto na niya itong kunin sa atin? Mahal ko si Herschelle. I treat her like my own child, but we can't runaway or change the fact that she's our adopted child we are her not real parents.”

“Hon., please do something. Ayaw kong malaman ni Herschelle ang bagay na ito,” pakiusap ni mama.

“Pero walang naitata—”

“Sekreto. I know it,” mabagal kong sambit bilang pagputol sa nais sabihin ni daddy.

Parehas na nalaglag ang panga nila't nanlaki nang husto ang mga mata nila sa gulat. Ang pupungas-pungas na si mama ay agad na napatayo't lumapit sa akin.

“Anak, mali ang na—”

“Ma, bakit ninyo itinago sa akin?” putol kong tanong. Gusto kong umiyak na hindi at gusto kong manumbat pero alam kong wala akong karapatan. Inalagaan nila ako nang maayos at bakit ko sila susumbatan? Hindi sila nagkulang pero ipinagkait nila sa akin ang katotohanan.

Pero napakasakit lamang sa loob na itinago nila sa akin ang katotohanan.

Imbes na manatili akong nakatayo, pakinggan ang isasagot nila ay mabilis akong tumalikod at naglakad palayo sa kanila.

My heart is breaking. I couldn't believe this! Sino talaga ang mga magulang ko? Bakit nila ako ipinaampon at bakit ngayon lang ako babawiin ng totoo kong mama? Nasaan ang totoo kong tatay at sino siya?

Maraming nagsulputang tanong sa aking kaisipan. Nalilito ako. Napasabunot ako sa aking sariling buhok nang makapasok ako sa kuwarto ko at isara ito.

I want to be alone. Naguguluhan ako at hindi pa rin ako nakabawi sa gulat. Maraming sumisiksik na “kaya pala” sa isip ko. Isa na roon ang “kaya pala palaging napupuna ni Shaina na wala akong kahawig kina mama at daddy dahil hindi ko sila totoong mga magulang.”

My life is a big joke. Nabuhay ako sa isang pekeng pamilya.

“Herschelle, anak... mag-usap tayo.” Dinig kong pagtawag ni mama sa pagitan nang mahina niyang pagkatok.

“Hon., hayaan muna natin siyang mapag-isa. She need space. Kausapin na lang natin siya bukas.”

“Anak, huwag ka sanang magalit sa amin. Yes, may kasalanan kami dahil itinago namin ang totoo mong pagkatao— ang mga magulang mo pero hindi peke ang ipinakita naming pagmamahal sa 'yo. We truly love you. Anak ka namin. Ikaw lang ang nag-iisang Herschelle sa aming buhay kahit hindi tayo magkadugo.” Pumikit ako kasabay ng pagtulo ng luha ko nang marinig ko ang sinabi ni mama.

I sob and bit my lower lip. “Kahit na... dahil hindi ninyo matatakpan ang katotohanang isa lang akong ampon.”

Kumikirot masyado ang puso ko. Matindi pa ito sa hindi ako ma-crush back ng taong gusto ko.

Oh-Mingle World (CHAT SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon