Mulagat ang mga mata kong nakalingon sa bukana ng pinto. Hinihintay ang pagpasok ni Shaina na nakakapagtaka dahil ngayon lang yata siya na-late. Malapit na ang mag-time, pero wala pa rin siya. Wala akong naaninag na anino nitong aaligid-aligid. So, she's not attending the class today?
Why do I feel sad and happy at the same time? Dahil ba maso-solo ko si Gilbert kahit buong araw ko lang siyang masusulyapan. Tila iyon nga ang rason na nahahanap ko para sa aking sarili. Ang masolong matitigan nang panakaw at palihim si Gilbert nang walang kahati.
04-09-2020
Gilberto
: Hoy
Hers
: Oh, bakit?
Gilberto
: Pahingi ng tips or advice on how to court a girl
Hers
: Bakit ba kasi ako ang pinagtatanungan mo?
Gilberto
: Pakiramdam ko kasi ikaw makakapagsabi nang totoo sa akin
Palihim na ngumiti ako sabay sulyap sa nakatalikod niyang pigura. Hindi athletic si Gilbert, pero kahit hindi malulusog ang braso niya na gaya ng pinagpapantasyahan ng iba na nababasa ko sa facebook fictionated stories, o sa kahit na anumang plataporma na sobrang makikisig, ay sumakto naman sa kaniya ang katamtamang brusko ng kaniyang braso. Hindi ko siya gaanong matitigan sapagkat nakatalikod ito sa akin. Hinihiling ko na sana ay lumingon siya nang masulyapan ko kahit segundo ang mukha niya.
Hers
: Bakit hindi mo lapitan na lang iyong babaeng nasa likod mo kung mayroon man.
Gilberto
: Baka kainin niya ako ng buhay kapag kakausapin ko siya
Hers
: Hindi mo pa nasusubukan, natatakot ka na.
Gilberto
: I don't have a guts to talk to her. Seems like she's busy and she is not in the mood.
: Nasa cellphone tingin niya at baka sungitan niya ako
Gilberto
: Bakla ka pala. Sa best friend ka niya mismo humingi ng tulong para maligawan mo best friend niya
Parang kinurot ang puso ko nang sabihin ito sa kaniya.
Gilberto
: Maybe later, I'll talk to her
Hers
: Kapag marami ng tao, hindi mo siya makakausap.
: Ang mga babae kasi minsan ayaw makipag-usap kapag maraming tao na
Gilberto
: Nakakahiya naman kapag bigla-bigla ay kakausapin ko siya at hihingi agad ng tips para maligawan ko best friend niya
Hers
: Kunin mo muna loob niya. I mean, kaibiganin muna bago mo tanungin iyong balak mo.
Gilberto
BINABASA MO ANG
Oh-Mingle World (CHAT SERIES #6)
Storie d'amoreHerschelle is an introvert who joined the "Oh-Mingle World" online dating site, where everyone is looking for something. She had signed up for a reason: to find people who could understand fully her stories, not to find a partner. She ran across a g...