023

113 5 0
                                    

BIYERNES at pulang-pula ang nakabilog na 17 sa aking kalendaryo. Nakasanayan ko ng tingnan kung anong araw tatapat ang birthday ko kada taon. Na-e-excite ako kapag nalalapit na ang aking kaarawan, pero ngayong kaarawan ko na... parang hindi ako masaya.

Marahil sa nangyari. Hindi gaya noong nakaraang taon na normal lang din ang selebrasyon ng birthday ko ay may malapad pa rin akong ngiti sa labi. Subalit ngayon, hindi ko magawang ngumiti at gustong-gusto ng katawan ko ang matulog pero kailangan kong pumasok.

Mula paggising ko kanina ay marami na ang sumiksik na "pero" sa isip ko. Mga gusto kong gawin ngunit may pero.

Pumikit ako nang sampung segundo bago dumilat din agad. I'm already 20 years old yet my existence is still unanswered.

Napaigtad ako sa aking pagkakaupo sa kama nang tumunog ang cellphone ko.

Binuksan ko iyon at wala ng ibang nag-message sa akin, kundi si Gilbert lang naman. Siya lang yata ang nakakaalalang birthday ko ngayon- no. Facebook and Oh-Mingle World remember it and Gilbert is just reminded by this app that today is my day.

Sa panahon ngayon, iilan na lang talaga nakaalala sa birthday mo dahil ang mga social media accounts mo na lang ang nakaaalala't magpapaalala sa 'yong birthday mo pala.

07-17-2020

Gilberto

: Hooooy! Sa tingin ko hindi na naman kita makakausap dahil kailangan mong i-enjoy ang birthday mo.

: Happy birthday, little sister! More candles to blow. Luv u.

Hers

: Thank you so much big bro.

Gilberto

: Nice endearment for me.

Hers

: Lol.

Isang malungkot na "Lol" ang nai-reply ko at hindi ko na sinundan pa dahil hahaba lamang ang aming usapan saka isa pa, wala rin kaming mapag-uusapan dahil wala ako sa mood ngayon alamin ang sitwasyon nila ng ex-best friend ko.

Isang mahinhing pagkatok ang narinig ko kasabay n'on ang pagsiwang ng pinto.

"Chelle... anak," tinig ni mama. Hindi ako nag-angat ng tingin, hinayaan ko siyang lumapit sa akin.

Kahit iwasan ko sila ay hindi ko magagawa dahil kailangan kong malaman ang totoo. Hindi ako sobrang galit sa ginawa nila, pero sana naman naisip nilang deserve ko rin malaman ang totoo. Mas matanda man sila sa akin pero totoong buhay ko ang involve rito.

Naramdaman ko ang pag-upo ni mama sa tabi ko.

"Chelle..." she called to get my attention, but little did she not know, my attention is with her.

"Po?" mahina kong sagot.

She reached my hand and squeezed it. "Happy birthday!" masiglang pagbati ni mama nang bigla itong pumasok sa kuwarto. He apologetically gritted his teeth as he saw how serious we are.

Naramdaman ko ang bisig nilang dalawang yumakap sa akin nang napakalambing. Suminghap ako at mabilis na nag-iwas ng tingin dahil baka tumulo ang luha ko.

"Sorry kung itinago namin sa 'yo ang totoo," panimula ni mama samantalang nanatili akong nakayuko, nakatitig sa cellphone.

"Ayaw lang naman kasi naming isipin mong ampon ka at isipin mong baka peke ang ipinapakita naming pagmamahal sa 'yo o baka bully-hin ka dahil isa kang ampon, kaya hindi namin nagawang magtapat dahil nandoon din ang takot sa amin ng daddy mo. Natatakot kaming baka magrebelde ka o hanapin mo ang mga magulang mo at iwan mo kami pero alam kong g-"

Oh-Mingle World (CHAT SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon