LUMIPAS ang ilang araw ay naging smooth ang daloy ng lahat. Bumalik na sa New Zealand ang mga step-sisters ko kasama ang daddy nila na ngayon ay tinatawag ko ng tito, ngunit nagpaiwan si mommy dito para makilala pa raw niya ako at saka makasama. Yes, mommy na ang tawag ko sa kaniya. Maganda sa pakiramdam na tawagin din siyang mommy at sobrang tuwang-tuwa siya nang marinig niyang banggitin ko ang salitang iyon at naiyak pa nga, e. Masaya pala magkaroon ng dalawang mama.
Maganda rin ang trato sa akin ng dalawa kong nakababatang kapatid kay mommy, at sa puder lang talaga ni papa ang komplikado pa rin at hindi na ako magtatangkang tatapak sa bahay na 'yon at magpakilala muli dahil hinding-hindi na talaga niya ako tatanggapin.
Tinuturuan ko ang mga kapatid ko ng mga simpleng Filipino language, and they're fast learners. Tuwang-tuwa rin ako sa accent nila.
Nagkausap na rin kami ni mommy patungkol sa kalagayan ko; na mananatili ako sa puder nila mama at daddy pero kapag naka-graduate na ako't may passport na ay bibisita rin ko sa New Zealand. Siyempre, libre rin silang bisitahin ako rito. Akala ko ay gugulo ang buhay ko nang husto kapag tatanggapin ko sila sa aking buhay, pero nagkamali ako.
Masaya pala magkaroon ng dalawang pamilya at hindi ko pinagsisisihan ang salitang "ampon" dahil sa tumayong mga magulang ko ay nagkaroon ako ng magandang kinabukasan at hindi sila nagkulang sa pagmamahal. Mas matimbang man ang pagmamahal ko kanila mama at daddy, mahal ko rin naman si mommy. Masasabi kong kuntento na ako sa status sa family ko, pero may isa akong problemang binabagabag ako.
Dilat na dilat ang mga mata ko kahit alas-dos na ng madaling araw. Hindi ako makatulog sa kaiisip. Inabot din ako nang dalawang araw para pag-isipan itong gagawin ko. Gusto kong umiwas na lang gaya ng pag-iwas ko ng isang buwan, pero alam kong hindi magandang gawin ang pag-iwas dahil dapat may kaliwanagan ang lahat.
Nakailang pindot na ako sa tatlong tuldok sa kanang bahagi ng conversation namin ni Gilbert pero ibinabalik ko sa home dahil parang masarap pang basahin ang conversation namin bago ko gawin ang bagay na ito. I will surely missed him a lot. Nasasayangan ako sa memories namin pero ganoon talaga, kailangan ng tapusin para walang umasa pa.
Sa oras na pipindutin ko ang “end chat” ay hindi ko na siya puwedeng makausap pa kahit kailan. Well, maiba-back read mo naman ang mga conversations ninyo pero hanggang doon na lang. Hindi siya parang facebook na kapag blinock mo ay puwede mo pang i-unbkock, dito sa oh-mingle app, wala. Once you mingle with someone here, you can't mingle with him for the second time. Oh-Mingle World app says: “Once is enough, and you can't make it twice."
Ayaw kong lumalim ang nararamdaman niya gaya ng akin dahil nakatitiyak kong pandidirihan nito ang sarili. Tao lang din naman ako, umiibig ngunit sa maling tao talaga ako umibig sapagkat sa kadugo ko pa. Sa bagay, wala naman akong kaalam-alam noong una kaya wala akong kasalanan. Magkakasala lang ako kapag patuloy ko siyang kakausapin at itatago ang totoong pagkatao ko. At baka kapag hinayaan ko... papatusin ko ang incest na relasyon pero hindi ako ganoong babae. Gustong-gusto ko mang magkaroon ng love life, kaso hindi sa nakakadiring paraan.
Bumaba ang tingin ko nang mag-vibrate ang hawak kong cellphone sa aking palad.
Lumitaw ang pangalan niya. Gising pa pala ang tukmol na ito. Talagang hindi na ako makakaiwas pa't kailangan ng tapusin ang lahat.
Gilberto
: Hooooy! How are you? I miss you.
: Sana mag-reply ka na.
Hers
: Magmahal ka na lang ng iba, huwag lang ako.
Gilberto
: Bakit?
I heaved a long sighed. Nag-iinit ang sulok ng aking mga mata. Ayaw ko talagang tapusin ito, e.
Hers
: I am your step-sister.
And after I sent those words, I immediately press the end chat button without hesitation. And one notification popped out.
Your conversation has ended. Thank you for your memories, mingler!
May maliit na ngiting umukit sa aking labi at nanginginig ang palad kong tinitigan ang cellphone. Wala na. Finish na. Pumatak ang butil ng luha sa aking pisngi. Masakit bitiwan ang aming magandang pag-uusap. Nakakapanghinayang ang lahat pero kailangan kong tanggapin ang lahat dahil hinding-hindi magiging kami. Mami-miss ko ang pagtawag niya sa akin ng madam at “hoy”, at wala na rin akong tatawaging “mister 90's”.
“Life is too unfair,” sambit ko sa napakagasgas ng linya ng lahat dahil totoo namang napaka-unfair.
Akala ko ang makikilala ko app na ito ay makakatuluyan ko, pero how ironic dahil dito ko pa nakilala ang step-brother ko. Nakakatawa ang tadhana. Masyadong mapanakit, ayaw akong pagbigyan. Ngunit, sa bagay, hindi dapat minamadali ang pag-ibig. Hindi porque nag-sign in ka sa isang online dating site o may nakausap kang lalaki, online, siya na ang the one mo.
Hindi lahat ng online dating site ay dito nahahanap ang future sweetheart mo dahil minsan, ito pa ang magiging tulay para matuklasan mo ang mga bagay na hindi mo inaakala.
Nagpakawala pa ako nang tatlong beses na malalalim na paghinga bago ko pindutin ang app nang nakapikit-mata. Nanginginig at nanlalamig pa rin ang kamay ko pero buong tapang kong ini-uninstall ang app.
“Thank you, Oh-Mingle World,” I whispered and buried my face on my pillow. Pinadama sa akin ng app na ito ang panandaliang saya at pag-aalala ng isang estranghero. Ngunit hindi ko iaasa ang love life ko sa online dating app. Mas magandang maghintay kaysa magmadali.
“Thank you for the memories.” sabi ko bago ko i-shut down ang phone ko.
Sa ngayon, makukuntento na lang ako sa mayroon ako't pahalagaan ang mga taong pinapahalagaan ako. Just in case na komprontahin niya ako bukas, buong tapang ko siyang kahaharapin.
W A K A S
-
Hello! Kumusta ang story? Maaari ba akong makatanggap ng feedback? Alam kong napakaraming mali at ang boring ng story, pero tingnan ninyo, nandito na kayo sa wakas. Maraming salamat sa pagsama sa akin sa pagsusulat ng buhay ni Herschelle at Gilbert. Nawa'y may napulot kayong aral sa kanilang dalawa kung mayroon mang aral. Maraming salamat po talaga at sana hindi pa dito nagtatapos ang inyong pagsuporta kundi makita ko pa kayo sa iba kong mga akda.
I love you, aces. God bless!
Facebook: Fae Rach Davey (pm for accept)
Twitter: @DreamerearthWp
Facebook page: Dreamerearth
BINABASA MO ANG
Oh-Mingle World (CHAT SERIES #6)
RomanceHerschelle is an introvert who joined the "Oh-Mingle World" online dating site, where everyone is looking for something. She had signed up for a reason: to find people who could understand fully her stories, not to find a partner. She ran across a g...