028

104 3 0
                                    

A sultry air kissed my whole body as we stepped out on her car. I was silent for the whole time since I hopped in. I can't speak any word, a force smile is the only one I can give to her.

Maybe she felt the awkwardness too o baka nahihiya lang kausapin ako dahil ngayon lang kami magkakasama ng ganito?

I heard how she cleared her throat. Humarap ito sa akin nang may pilit na ngiti. “Kumusta ka na?” may bara pa sa lalamunan niyang tanong.

May tatlong dangkal kaming distansya sa isa't isa habang magkasabay kaming naglalakad. Hindi ako nag-abalang magtanong kung saan niya ako dadalhin dahil nahihiya ako.

Sumunod lang ako sa kaniya at bahala na kung saan siya pupunta.

“Ayos lang naman po,” I politely answered.

She beamed, again. I love the way she smile for it is a perfect smile. Her lips are idealistic, a cupid's bow lips.

Pinasadahan niya ako sandali ng tingin at tinitigan niya nang matagal sa mukha.

“Dalagang-dalaga ka na,” she said as she stared in my eyes. I just awkwardly smile, but I didn't show how awkward I am while I am with her right now.

Bahagya akong napakamot sa aking batok habang hindi mawala-wala ang nakapaskil kong ngiti sa labi. Hindi ko alam kung paano mag-react o ni ang magsalita. Tila nalunok ko ang dila ko at naging instant pipi sa mga oras na ito. I'm just glad that I see her, but she can't fill the real happiness inside of my heart.

“Sorry,” aniya dahilan para mapatitig din ako nang diretso sa mga mata niya.

Huminga siya nang malalim at bumuwelo. “Alam kong galit ka sa akin. Kitang-kita ko sa iyong naiilang—”

“I'm sorry kung ganito po ako. I am just—” singit ko pero hindi ko rin natapos nang putulin niya ako sa kalagitnaan ng pagsasalita ko.

“Naiintindihan ko. Alam kong nabibigla ka sa pangyayari at hindi kita masisisi kung bakit malamig ang pakikitungi mo sa akin pero sumama ka pa rin kahit hindi ka sigurado kung anong mangyayari sa atin sa araw na ito. Sinabi rin pala sa akin ng mama mo na pinuntahan mo raw ang papa mo, at gaya nga ng inaasahan ko, hindi ka niya tinanggap. I'm really sorry for being  irresponsible and letting you suffer like this, anak. Hindi ko ginusto. Masyado akong nagpadalos-dalos noong oras na iyon kaya...” Kumurap siya at bago pa niya maituloy ang sinasabi ay kaagad akong sumabat.

“Huwag n'yo na pong sabihin sa akin ang lahat. Past is past, but I am sorry if I can't still forgive you,” I said with a small smile.

Malamlam ang mga mata niyang nakatitig sa akin. “Hihintayin kong mapatawad mo ako, anak at ang tanggapin ako bilang iyong ina.”

“Tanggap ko naman po kayo pero iyon nga lang... mas matimbang sa akin sila mama at daddy dahil sila ang nag-alaga sa akin mula sanggol pa lamang ako hanggang sa...” Napatigil ako sa pagsasalita nang maisip kong tila lumampas na ako sa linya sa mga isinawalat ko. “Hindi ko na dapat sinasabi ito. Sorry.”

Ngumiti lang ito sa akin at pinagbuksan ng pinto papasok sa isang sosyal na restaurant. At ngayon ko lang na-realize na nasa Baguio City pala kaming dalawa.

“Anong gusto mong kainin?” tanong niya nang makaupo kami't ilahad ng waiter sa kaniya ang menu.

“Anything,” maikli kong sagot na iniangat ko pa ang dalawang palad ko sa ere.

“Wala ka bang gana?” malungkot niyang tanong dahil medyo matabang nga ang naging sagot ko.

I shook my head. “Gusto kong ikaw ang pumili ng kakainin natin. Wala naman akong allergy sa anong pagkain,” paglilinaw kong sabi dahilan para makita ko ang malapad niyang ngiti.

Iyon lang ang sinabi ko, natuwa na. Maliit lang na bagay natutuwa na siya.

Tahimik ko siyang tinitigan habang nagsasalita ito sa harap ng waiter. She has a small and baby face. Her small and wolf-like eyes are one of her the best asset, but her real asset is her glossy cupid bow lips. Sana naman ko rin sa kaniya ang labi niya. Her beauty is natural. Napaka-light pa ng make-up niya. Her body is not thin, medyo mataba kasi siya. Tantya ko nasa 38 waistline niya pero ayos lang, bawing-bawi naman sa mukha kahit pakupas na ang gandang ipinapasikat sa akin ni mama na napakaganda raw ng ina ko, at dahil tumatanda na rin siya kaya tumataba.

Napalabi ako sa naisip. Kumukupas talaga ang ganda katulad ng mga damit. Beauty isn't permanent, but the beauty of the heart is permanent one.

Kahit nasusungitan ko siya ay pinakikitaan niya pa rin ako ng kabutihan. Sa pag-o-obserba ko sa kaniya ngayon, ay masasabi kong mabuti siyang tao kaya nga lang nagkamali siya. Sa bagay, lahat naman tayo nagkakamali kahit napakabuting tao pa niyan. Nobody's perfect.

Mabilis kong inilihis ang mata ko sa labas nang lingunin niya ako. Naramdaman ko rin ang mga yapak ng waiter paalis para ihanda ang mga in-order niyang nasa apat na putahe.

Ngayon ko lang namalayang gabi na pala. Sa katahimikan ko't pag-o-obserba'y nakalimutan ko ng pansinin ang paligid. Aaminin kong nag-enjoy ako sa araw na ito even we are filled in silence for the whole day. However, I won't forget this day because it's our first day for being together. Our first bonding.

"Thank you anak. Nag-enjoy akong kasama ka," she said with a hint of joy in her voice.

I nod. "You're welcome and thank you rin po, ma'am," sagot kong hindi nakatingin sa kaniya.

Ayaw ko kasing tingnan kung paano mabawasan ang lapad ng kaniyang pagngiti.

Malalim akong bumuga ng hangin sabay tukod ng braso ko sa ibabaw ng mesa't inabala na lamang ang sariling panoorin ang pag-andar ng mga sasakyan  sa kalsada.

One day, I will have the courage and confidence to call you "mother". Just give me some time to accept everything because I'm still in the middle of the process for the word acceptance.

Oh-Mingle World (CHAT SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon