Tahimik kong pinakiramdman si Shaina sa aking tabi. She greeted me energetically, but I knew it's a fake greeting. At para hindi siya makahalata ay binati ko rin siya nang napakasigla para hindi siya makahalatang hindi na ako komportable.
Napapansin ko ang pagsulyap-sulyap niya sa akin ngunit nanatili akong nakatungo sa binabasa kong libro.
Maya-maya ay hindi ko napigilang mapahikab. “Hoy, ang tahimik mo. May sakit ka ba?” Siko niya sa aking braso.
“Ah..., eh... medyo nilalagnat lang,” sagot ko sabay kamot sa batok. Hindi ko talaga alam kung paano siya pakisamahan. Ayokong makisalamuha sa taong alam kong kaplastikan lang din pala ang nagaganap sa aming dalawa at lihim pala niya akong sinisiraan—kinakamuhian.
“Umuwi ka na lang kaya? Ako na bahala sa mga teachers natin. I-e-excuse kita.”
Kinikilabutan ako sa ngiti niya.
“Hindi. Ayos lang ako,” nakangiting sagot ko.
“Sige.” Tumango siya't luminga-linga. Medyo marami na rin kami sa loob at may one hour vacant pa kami. Mabuti na lang at may nahanap kaming bakanteng silid, walang tao kaya dito kami tatambay.
“Gilbert!” Lumingon ako nang tawagin ni Shaina ang lalaki. Kapapasok niya lang, pawisan ito't nang magtama ang paningin namin ay kaagad akong nag-iwas.
“Aalis tayo?” matinis ang boses niyang tanong.
Naramdaman ko ang presensya ni Gilbert sa tabi ni Shaina. Sumulyap ako sandali at hindi nakatakas ang pagkamot-kamot nito sa braso. “Uhm... yeah,” alanganin niyang wika sabay tingin sa akin.
Kumunot ang noo ko, nagtatanong ang mga mata ko sa kaniya. Tila may ipinapahiwatig ekspresyon niya. Bago pa bumuka ang aking bibig ay mabilis siyang lumingkis sa braso ng lalaki. I watched them go together while they're holding hands. Akala ko ba... sa bagay, gustong-gusto niya, e. Madaling sabihin na ayaw niya na pero hindi niya pala pinag-isipan ang sinabi.
05-22-20
Gilberto
: Hooooy
Hers
: Hoy ka rin
Gilberto
: How's your Monday?
Hers
: As usual, hell day and it's going to be a hell week again.
Gilberto
: Nakakainggit iyong mga estudyanteng bakasyon na nila.
Hers
: August din pala nag-start ang pasok ninyo. Same lang pala.
: Huwag kang mag-alala, magbabakasyon naman na by June. So, this is our last week. At pagkatapos ng two months, by August pasukan na naman.
Gilberto
: Ang bilis ng araw ano?
: Parang kailan lang ay baby pa lang tayo pero ngayon hindi na tayo baby.
Hers
: Hindi, mali.
: Parang kailan lang baby mo pa siya, pero ngayon may iba ka ng baby.
BINABASA MO ANG
Oh-Mingle World (CHAT SERIES #6)
RomansHerschelle is an introvert who joined the "Oh-Mingle World" online dating site, where everyone is looking for something. She had signed up for a reason: to find people who could understand fully her stories, not to find a partner. She ran across a g...