008

114 4 0
                                    

Tinitigan ko ang sarili ko sa malaking salamin na nakadikit sa dingding. Pinasadahan ko nang masusuyong tingin ang bawat parte ng aking mukha. Una kong pinasadahan ng tingin ay ang parte ng mga mata ko. Well-trimmed eye brows. Small, wolf-like eyes and long thick eyelashes are my favorite part of my whole face, and I received many compliments because of my eyes. Pero, kinakatakutan nilang makipagtinginan o makipagtitigan man lang sa akin. I lower my gaze in my nubian nose, and I feel insecure towards Shaina's ideal small nose. I fake a smile when I am starting to compare myself to Shaina's beauty. Ano naman ang maipaglalaban ko sa mala-diyosa niyang ganda, 'di ba?

I sarcastically laugh at myself. Her lips are red as roses and has a perfect heart-shape lips, while I had a dry peanut-shape lips. My face has pimple scars, while Shaina has a clear skin. Shaina has a long wavy hair habang kulot at may pagkabuhaghag ang buhok ko. She's sexy, while I'm look like a walking skeleton at masama pa ang ugali dahil sa nagmumura ako.

Mata ko lang ang maipaglalaban ko, pero kinakatakutan pa ng mga tao kapag napapatingin sila sa mga mata ko. Nanlulumo akong nagbuga ng hangin.

She's beautiful inside and out, at ako? Ano ang laban ko sa kaniya. She's almost perfect pero ang isyu ko lang ay may alam naman siya, kaso... palaging umaasa sa akin ng sagot.

Sa bagay, iyon lang naman ang naiiambag ko sa mga tao. Wala naman akong magandang ugali. Nakakapanlumo. Bakit ba kasi ganito ang mundo?

Bumalik ako sa tamang wisyo nang marinig ko ang marahang katok ni mama sa pinto. Napaayos ako sa pagkakatayo ko at muling pinasadahan ng tingin ang sarili. "Chelle, nasa baba na si daddy mo. Hindi ka pa ba bababa?" tinig ni mama.

"Ma, pakisabi mauna na lang si daddy. Magco-commute na ako," sagot ko nang hindi nililingon ang pinto.

"Sigurado ka?" Bakas ang paniniguro ni mama sa boses niya.

Napaisip ako sandali. Nagtitipid ako at mawawaldas ng bente pesos ang baon ko kung pipiliin ko pang mag-commute. Huminga ako nang malalim at tinalikuran ang repleksyon ko sa salamin. Wala naman akong mapapala, hindi naman ako gaganda kapag makikipagtitigan ako nang buong araw sa salamin.

Tahimik lamang akong nakalulan sa sasakyan, nasa tabi ni daddy at napapansin ko ang pagbaling ng tingin nito sa akin.

"May problema ka ba?" basag niya sa katahimikang sumakop sa amin. Alam kong malapit na kami sa university, pero hindi pa huli para mag-usap kami.

"Wala naman, daddy." Umiling pa ako para patunayang ayos lang ako.

"Sigurado ka? Para kasing may bumabagabag sa 'yo," puna ni daddy sa akin, na hindi ko na itinago pa.

Buntonghiningang humarap ako sa kaniya. Nakapokus siya masyado sa binabagtas naming daan.

Ipinagkrus ko ang nakapatong na palad sa kanang kandungan ko. Kinakabahan sa itatanong.

"Daddy, alam kong walang sense itong itatanong ko, pero maganda ba ako?" Lumingon ako sa bintana saka ngumuso sa hiya.

"Oo naman. We are all beautiful." Hindi ko siya nilingon, bagkus mas humaba ang nguso ko't napakamot sa buhok.

"Sinasabi mo lang 'yan dahil anak mo ako," nakangusong maktol ko.

"Kahit hindi kita anak, sasabihan kitang maganda." Ngumiwi ako sa naulinigan. Totoo ba ang narinig ko?

"Aysus! Bolero ka talaga, daddy," tumatawang saad ko.

"Puwera biro, you're beautiful, Herschelle. May mga tao talagang hindi ka nila maganda, pero may mga taong nagagandahan sila sa 'yo. Hindi mo sila puwedeng pilitin na dapat magandahan sila sa 'yo dahil paningin nila iyon, at wala kang magagawa. And you know what is important?" Lumingon siya sa akin sandali, at nagtama ang aming mga mata.

Oh-Mingle World (CHAT SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon