004

158 7 1
                                    

Pumasok ako sa loob ng silid nang biglang may humatak sa akin. Bumungad sa akin ang nagtititiling si Shaina. Agad ko naman siyang sinuklian nang nakakunot-noo. Takang-taka sa bungad niya na para bang tanga sa ikinikilos-hindi mas tanga pa siya sa tanga. Inis kong hinawi ang kamay niya.

"Ano na naman bang problema mong tanga ka?" naiirita kong tanong sa kaniya dahilan ng kaniyang pagsimangot.

"Oh, huwag mo akong simangutan diyan. Bakit ka ba kasi tili nang tili, para kang tanga," hirit ko pa.

Ipinagdikit niya ang palad niyang ipinantakip sa labi niyang hindi paawat sa sobrang kilig na nadarama.

"Nag-hi lang naman kasi sa akin si Gilbert at nginitian niya ako," kinikilig niyang sambit nang pabulong na paraan.

Tinaasan ko ito ng kilay saka nginiwian. "Iyon lang?" naiiling kong tanong.

"Oo, bakit?" Namilog ang mata niya sa pagtataka sa aking naging reaksyon.

Tumawa ako nang mahina. "Nag-hi lang sa 'yo para ka ng hiniburan ng panty. Umayos ka, ang landi mo!" Itinulak ko siya nang mahina. "Umakto kang college student, hindi pang-elementary!" saway ko rito.

Namumungay ang mga mata niyang sumimangot nang pirmi. Nagtutubig din ang mata niya, na sa anumang oras ay iiyak ito.

"Ang sakit mo talaga magsalita. Hindi na ako natutuwa!" pasigaw niyang reklamo. "Best friend ba talaga kita?" dagdag pa niya.

"Hindi ka pa nasanay sa tabas ng dila ko, Shaina. Sa bagay, paano ka nga ba masasanay, 'di ba?" kibit-balikat kong tanong. "Palagi ka namang pinapansin ng crush mo pero hindi ka pa rin nasasanay na hanggang doon lang talaga."

Pinunasan niya ang nangingilid niyang luha. Muntik ko ng mapaiyak. Hindi pa kasi nasanay, tila ngayon lang niya ako narinig ng ganito, e, matagal na niya akong kasama.

"Buong taon ka ba kumakain ng ampalaya?"

"Eww. Alam mo kung gaano ko kaayaw ang ampalaya." Umikot ang mga mata kong ngumiwi.

"Ang bitter mo kasi, e," hirit niyang muli kong nginiwian.

"Nako, 2020 na wala bang ibang term of bitter diyan?" nauurat kong tanong. Paulit-ulit ko na lang itong naririnig, nakakaumay.

"Ampoklaya?" hindi siguradong isinatinig niya.

"Ano 'yon, pokpok na bitter?" natatawa kong tanong. Natawa siya sa aking naging sagot.

"Amporkbitter?"

Umismid akong lumisan sa kinakatayuan ko sa hamba ng poste. "Never mind."

Maagap naman itong bumuntot sa aking likuran. Lumingkis siya sa braso ko. "At saka alam mo ba Gilberto ang pangalan na ginagamit niya sa Oh-Mingle."

Mabilis kong nailipat ang mga mata sa kaniya nang nakaawang nang bahagya ang bibig sa gulat. "Ha, anong sinabi mo?"

"Si Gilberto si Gilbert."

Bumilog ang pagkakahulma sa labi ko sa gulat. "Siya 'yon?" mahinang tanong ko sa hindi pagkapaniwala. Hindi ko inaakalang siya iyon dahil alam kong maraming Gilberto sa university na ito, at hindi lang siya ang Gibert na same course sa akin at same university na pinapasukan.

"Bakit kilala mo? Nag-o-oh mingle ka rin? Ka-chat mo siya?" sunod-sunod niyang tanong habang niyuyogyog pa ang braso ko.

Umiling akong sumagot, "Hindi."

Bumitaw ito sa pagkakalingkis nang makaupio kaming dalawa sa aming upuan. Humaba ang nguso kong napahawak sa baba ko. Kaya pala ako napasabi na parang kilala ko siya dahil kilala ko nga.

Oh-Mingle World (CHAT SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon