014

98 5 1
                                    

Madalang na lamang siya mag-message sa akin. Matapos noong araw na iyon, nanahimik ang account ko sa oh-mingle. Sabi na nga ba, pare-parehas lang sila. Maging ako rin naman ay ganoon. Matapos may magpakilala sa akin-nakagaanan ng loob, magpalipas ka lang ng ilang araw... hindi na kayo mag-uusap.

Inaantok akong napahikab habang nakahilata sa sofa bed. Sumulyap ako kay mama na feel na feel ang pagkain sa popcorn na binili niya habang nanonood ng pelikulang hindi ko alam ang pamagat dahil kanina pa natapos ang pinapanood naming Game of Thrones. Nagpunta kaming bayan ni mama kanina para kumain sana, subalit popcorn lamang ang aming nabili. Binalingan ko rin si papa, na komporatbleng nakahilig ang ulo sa balikat ni mama.

They're enjoying the moment and they're unaware that I am too sleepy. I can't go upstairs to sleep and let them watch alone, but I promised that I'll be present on this day-our family bonding-movie marathon every night of Friday.

"Hindi pa ba matatapos iyang pinapanood natin?" I mumbled.

"Malapit ng matapos," sagot ni papa, binalingan ako ng tingin sandali bago siya yumakap kay mama.

Napakamot ako sa aking batok. Inaantok na ako pero mas gusto kong kalikutin ang cellphone ko nang mag-isa sa kuwarto at mag-abang ng mensahe mula sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ganito... kung bakit hindi kumpleto ang araw ko kung hindi ko siya nakakausap. Ganito ba talaga kapag na-attach ka sa nakausap mo sa chat? Palagi mo siyang hahanap-hanapin sa chat inbox mo?

"Matagal namang matapos, inaantok na ako," reklamo ko.

"You better sleep now," sagot naman ni mama.

Awtomatiko akong bumangon at nilapitan si mama't papa. Humalik ako sa kanilang pisngi sabay sabing, "Good night!"

"Good night, our big princess." Ngumiwi ako nang marinig ang sinabi ni papa.

Pagkapasok ko sa aking kuwarto't pagkasara ay agad kong dinukot ang cellphone ko sa bulsa. Umukit ang ngiti sa aking labi nang makitang online siya.

Oh-mingle world is almost like facebook. Same features, ngunit ang pagkakaiba lang ay hindi mo na siya mahahanap pa sa oh-mingle chat lists mo once na in-end chat mo na ito. And I couldn't do it, and I'm hoping that we'll stay like this.

Kahit hindi siya maging akin basta magkausap lang kami. Somehow, I can't stop myself to assume.

05-20-20

Nang makita ko siyang online, my fingers moves faster, typing the words I want to say.

Hers

: Mang-iiwan!

Gilberto

: Nah, hindi.

Hers

: Nanlilimot ng kausap

Gilberto

: Busy lang

Hers

: Busy sa kaniya

Gilberto

: Oo, para maging kami na. Haha!

: Pero iyon nga, busy ako. Bagsak kasi ako sa prelim namin at kailangan kong bumawi. Hindi raw naman ako ganito noong first semester, pero simula noong nanligaw ako kay Shaina, nagbago raw ako.

: And I heard that her best friend, Herschelle is still in the top. At na-award-an pa nga siya as a Dean lister. Congrats to her and I don't doubt her dahil nakikikita ko naman siyang nag-e-effort at seryoso siya sa pag-aaral niya, unlike kay Shaina hindi naman gaanong nag-aaral, but she doubt her best friend.

Oh-Mingle World (CHAT SERIES #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon