05-12-2020
Gilberto
: Hoooooy madam
Hers
: Yes, mister?
Gilberto
: Kuwento ka naman diyan
Hers
: Ano namang
ikukuwento ko?Gilberto
: Anything
: Tell me about yourself
Hers
: Bakit nauubusan ka
na ba ng topic o sasabihin
kapag kausap ako?Gilberto
: Medyo pero gusto kitang makilala.
Hers
: Huwag mo na akong kilalanin dahil kakalimutan mo lang din ako pagkatapos niyan.
Gilberto
: Gaano ka nakakasiguro na ganoon ang gagawin ko?
Hers
: Alam na alam ko na mga galawan ng mga nakakausap ko sa internet.
: Kikilalanin tapos iiwan.
Gilberto
: Ano 'yon, nakilala lang, mang-iiwan na.
: Ibahin mo ako.
Hers
: Nako, purga na ako diyan.
: Anong ibahin kita, e, katulad ka lang din naman ng iba.
: Hindi marunong
mag-crush back | DeleteGilberto
: Huwag ka ng kumain ng ampalaya, nakakasama sa 'yo.
: May allergy ka sa ampalaya.
Hers
: Duh! Wala akong allergy sa ampalaya
: Pero iyon nga... My real name is confidential so, call me Hers na lang. I'm still young and single and waiting for my crush to crush me back. College student. Same course tayo, first year BSAIS sa sekretong unibersidad dahil baka hanapin mo alo bigla. Lol.
: Unica hija ng pamilya Cayabyab. Maayos na maayos ang pakikitungo sa akin nila mama at papa dahil lahat ng oras nila ay nasa akin kahit busy sila pareho sa trabaho. Masunurin akong bata kaya hindi napapagalitan at dahil masunurin ako, laging may malaki ang allowance ko. Hindi ako maganda at hindi rin cute dahil ako'y normal na tao lamang. 5 flat height ko kaya huwag mo akong i-bully kung matangkad ka. Hindi ako mahilig maglagay ng kolorete sa mukha, tanging pulbo lamang ng johnson's baby powder, iyong kulay white kasi hindi ko gusto iyong amoy, nakakahilo.
: Hindi ako good girl dahil palamura akong babae. Sa bagay, nobody's perfect naman kaya hindi ako exceptional sa pagkakaroon ng pangit na katangian.
: Oh, ayan, siguro naman nakilala mo na ako kahit papaano. Kung hindi ka pa kuntento sa mga ibinigay kong info, sabihin mo lang dahil gagawin kong detailed.
Gilberto
: Tawa ako nang tawa sa 'yo.
: Akala ko ba hindi ka magpapakilala? Pero nagpakilala ka rin pala.
Hers
: Nagpakilala ako ng isang bagsakan para iwan mo na ako kung iyon man ang binabalak mo.
Gilberto
: To be honest, hindi ako nakuntento sa information tungkol sa 'yo, but I do appreciate your effort.
: Same course pala tayo at mahirap ano?
Hers
: Mahirap, pero kakayanin.
: Wala namang madaling kurso, lahat mahirap. Parents choice, friend's influence, or own choice man ang kurso natin dapat pa rin nating tapusin.
Gilberto
: Own choice mo ang BSAIS?
Hers
: BSCE talaga ang own choice ko, kaso iyong best friend ko, gusto ito kaya ito rin kurso ko. Ikaw ba, own choice?
Gilberto
: Parents choice. BSIT ang gusto ko pero call center lang daw palagi ang bagsak ng mga graduate sa IT students kaya ito pinili ko. At saka madalas ang mga IT daw ay International Tambay, walang trabaho. Though, hindi ako naniniwala sa sinasabi nilang iba dahil nasa diskarte mo na iyon kung maghahanap ka ng trabahong related talaga sa kursong kinuha mo sa college.
Hers
: True. Nasa tao na iyon kung paano siya didiskarte para magkaroon ng trabaho.
: Ayaw mo ng BSA?
Gilberto
: Nakakamatay raw iyon.
: At sobrang hirap daw kaya hindi ko na sinubukan.
Hers
: Sinabi mo pa pero wala naman pinagkaiba sa pinag-aaralan ng mga accountancy students sa atin ngayon, pero iyon nga BSAIS tayo hindi BSA students talaga.
: Sana all own choice ang piniling kurso, ano?
Gilberto
: Sana all, pero anong magagawa natin?
: Nandito na tayo at wala na tayong ibang gagawin kundi gaya ng sinabi mo... to survive this course.
: Kailangan nating ipasa ito!
Hers
: Maipapasa natin ang kurso natin. Tiwala lang!
: Oh, kanina pa tayo nag-uusap baka mamaya may lakad na kayo ng nililigawan mo.
: Sabi na nga ba, mang-iiwan ka rin.
My nose crinkle as I sniffed. Pesteng sipon ito. Kung feelings lang ang niya ang nasisinghot ko, matutuwa ako nang husto't baka hilingin ko pang araw-araw na lang akong may sipon hanggang sa maging akin siya. Suminghap ako sabay tingala nang bahagya upang pigilan ang pagtulo ng aking sipon.
Sumasakit ang mata ko habang sinusundan sila ng tingin. Masaya na akong nakikipag-usap sa kaniya subalit nawala agad ang kasiyahang nadarama ko nang lumapit si Shaina.
Sana pala pinigilan ko siyang lumapit para nag-uusap pa rin kami ngayon, na hindi niya pinapansin ang oras at maalalang may lakad pala siya ng napupusuan niya pero... ano nga ba ako ni Gilbert? I'm just nothing.
Hindi niya ako kilala at hindi kailanman papansinin. Si Shaina ang gusto niya, ang aking matalik na kaibigan. Ako, he hates me.
BINABASA MO ANG
Oh-Mingle World (CHAT SERIES #6)
RomanceHerschelle is an introvert who joined the "Oh-Mingle World" online dating site, where everyone is looking for something. She had signed up for a reason: to find people who could understand fully her stories, not to find a partner. She ran across a g...