The plain white ceiling in my room became gloomy in my eyes. It's been two days since that bombarding revelation exposed and I still don't know how can I face them without an awkward emotion.
Tahimik lang ako, hindi nagsasalita. Hindi ko pa na-process nang buo ang pangyayari. It's still fresh in my mind that I am an adopted child. Hindi ba't napakasakit sa damdaming malamang ampon ka lang?
Umiling ako at nagmadaling pumanhik sa aking kuwarto bago pa ako maabutan nila mama at daddy. Ayaw ko muna silang kausapin. Wala akong gana... at hindi ko alam kung paano ko sila kakausapin at kung paano ko isisingit ang aking mga sandamakmak na mga katanungan.
Nakasimangot akong humilata sa kama sabay kuha ng cellphone ko sa ibabaw ng aking unan. Binuksan ko ang cellphone at nag-online. Wala pang ilang segundo ay bumungad sa screen ng phone ko ang pangalan niya.
A wide smile painted in my dry lips and giggled.
07-16-2020
Gilberto
: Hoooy! Sa wakas, online ka rin. 2 days na akong naghihintay sa 'yo
Hers
: Sana all hinihintay
Gilberto
: Bakit wala bang naghihintay sa 'yo?
Hers
: Paano kung nalaman mong ampon ka pala, magagalit ka ba?
Gilberto
: Hindi
Hers
: Bakit hindi ka magagalit?
Gilberto
: Bakit ako magagalit, e, kinupkop nila ako at pinalaki ng maayos. Magagalit lang ako kapag hindi nila ako inalagaan ng maayos— kung pinabayaan nila ako ganoon.
: Bakit mo natanong?
Hers
: Wala. Pumasok lang sa isip ko.
: Kasi iyong napanood ko ampon pala siya ta's hindi naman galit iyong batang bida, kaya nga lang she feel awkwardness simula noong malaman niya. Hindi niya alam kung paano kausapin ang itinuturing niyang mga magulang at dalawang araw na niyang iniiwasan ang mga ito. Do you think it is an appropriate way of approaching her "fake" parents?
Gilberto
: Hindi naman masama kasi siguro kaya siya ganoon dahil naninibago siya— nagulat sa nalaman.
: Sino ba ang hindi magugulat, 'di ba?
: Pero she still need to talk to her parents politely. Dahil kung patuloy lang siyang iiwas parang wala naman siyang utang na loob kung ganoon ang gagawin niya. Iyong biglang ang ganda-ganda ng pagsasama ninyo tapos magbabago lang dahil sa isang rebelasyon?
: Hindi din dapat niya sisihin ang kumupkop sa kaniya dahil nagmagandang loob sila. Siguro may pinakamalalim na rason kung bakit inampon siya at kung bakit siya pinaampon. We don't know the story behind so she need to know the truth even though it hurts.
Hers
: Pero paano kung ikaw iyong ampon, magagalit ka ba sa real parents mo?
BINABASA MO ANG
Oh-Mingle World (CHAT SERIES #6)
RomanceHerschelle is an introvert who joined the "Oh-Mingle World" online dating site, where everyone is looking for something. She had signed up for a reason: to find people who could understand fully her stories, not to find a partner. She ran across a g...