Alexyz' P.O.V
Luminous!
Luminous!
Uno!
Anak!
Honey!
Uno!
"Uno, halika sabay tayong lakarin ang palasyo. Gusto ko ikaw lang ang babaeng makasama ko habang buhay. Wag na wag mo akong iwan ha? Promise?"
"Nooooooo! Uno labanan mo siyaaaaaaaa!"
"Stay away to Uno you fucking witch!"
"Unooooooooooooooo!"
Nagising ako dahil sa panaginip kong iyon. Pabalik-balik na lang ang mga panaginip na iyon. Hindi ko nakita ang babaeng si Uno pero nakikita ko ang mukha ng lalaki. Sino kaya ang lalaki na 'yon? Bakit parang kilala ko na siya?
"Happy 17th Birthday Xyz." ani Belle na may dalang cake. "Tulala ka na naman? Napanaginipan mo na naman ba ang armor mo? Hahahaha!"
"Loko ka, anong armor? Hindi ko nga alam kung sino yung babaeng nasa panaginip ko." Pag kontra ko sa kaniya sabay ihip ng kandila sa cake.
"Ano ba? Ang baho ng hininga mo! Tsaka bakit mo hinihipan agad hindi ka pa nga nag-wiwish eh?" Bulaslas ng kaibigan ko.
"Nag toothbrush kaya ako kagabi!" Tumayo ako sa higaan ko at nag-ayos sa kumot at unan ko. "Wala na akong iwi-wish, nakikita ko na kasi na healthy kayo nina tita at tito kaya okay na yun." Sabi ko.
"Ahhhh! Na touch ako dun!" Sabi niya at tinulungan akong itupi ang kumot ko.
Si Belle ay kasama ko na sa paglaki ko. Noong 12 years old palang kami kasama ko na siya, nasa pader na nila ako nakatira dahil wala na si Lola at Lolo ko na kinalakihan ko. Hindi ko na rin nakilala ang Mama at Papa ko. Alam ni Belle lahat ng sikreto at problema ko sa buhay, lahat ng kadramahan ko ay alam niya. Tinuring ko na siyang kapatid dahil siya lang naman ang nakasama ko simula bata pa. We have same school and we are classmates, that's why we are super duper close talaga. We are studying at Ptolemy Academy since Grade 7 and now Grade 11 na kami. And yes Birthday ko ngayon, hindi talaga nakakalimutan ni Belle ang birthday ko.
"At dahil birthday mo, pupunta tayo sa Mall. Magbihis kana bilis!" Excited na sabi niya.
"Belle, 'wag na masasayang lang yang pera mo. Sapat na ang cake na 'to. I really appreciate it. Thank you!" sabay yakap ko sa kanya.
"No Xyz, I insist. Just do it... For me, pleaseeeeeee!" Pangungulit niya.
At dahil nun, naligo at nagbihis nalang ako. I am wearing black t-shirt na may nakalagay na "day dreamer" at short na high waisted tapos nag-insert ako with black shoes. Light makeup lang then tapos na ako.
Bumaba na ako para kumain ng konti. Pagbaba ko nasa sala na sina tito at tita, since Sunday wala silang trabaho ngayon.
"Happy Birthday Darling. I love you so much, may you continue your dreams. 5 years kana sa amin, masaya ako dahil nandito ka na sa pader namin." Sabi ni tita tapos niyakap ako.
"Happy Birthday anak!" Sabi naman ni tito.
Masayang-masaya ako. Super! Niyakap ko sila isa-isa, "Thank you so much tita, tito. You have no idea kung gaano ako kasaya at blessed dahil dumating kayo sa buhay ko."
"Tama na ang drama, dahil pupunta pa tayo sa Mall. Let's go!" Pambasag ni Belle.
Nagpaalam na kami at tuluyan nang nakaalis. Sumakay kami sa black pick-up ni Belle. Tahimik kami sa daan hanggang sa makarating na kami sa Mall.
BINABASA MO ANG
ONSE ELEMENTOS
Fantasy(Story Completed) Our universe is composed of different elements. Earth, Air, Water and Fire are the first four elements, but in the world of Bramandah there are twelve elements that the universe is made up of. Every element has its own life and the...