33: ONSE ELEMENTOS

694 42 0
                                    

Ace/Dos' P.O.V

Naghanda na kami para pasukin ang sisters building. Minabuti ni Siyam na malaman namin ang pasikot-sikot na daan sa loob ng sisters building. Dala-dala niya ang card para makapasok kami doon. Papasok na sana kami ng lumindol ng malakas, napa-tanong ako kay Sixth kung anong nangyayari pero hindi niya alam. Hindi sa kanya nanggaling iyon, kaya napatingin ako sa quadrangle. May unti-unting lumalabas sa ilalim ng lupa, patuloy pa rin ang pagyanig sa paligid kaya ginamit ang shield ko para maka-silong kaming lahat at hindi kami masaktan sa mga nahuhulog na bagay. May tumatawang napakalakas pero hindi nakakasakit sa tenga, may kaboses siya kaya tumingin ako sa quadrangle at nakita si...

"Teacher Shalle?!" Sigaw naming lahat.

Lumaki si Teacher Shalle, tatlo ang ulo niya, apat ang kamay at may dalang axe. Pinaghalong, Draugr, Banshee, Teke-teke, Cerberus, at Tambal ang itsura niya ngayon. Ang ulo niya Cerberus-tatlong ulo ng aso, Draugr naman para sa kanyang dalamg weapon, Banshee dahil ang dibdib niya ay parang kaluluwa lang, Teke-teke dahil sa kanyang apat na kamay at Tambal dahil sa kanyang mga paa. Ibig sabihin mas malakas siya ngayon, doble o triple ang lakas niya.

"Miss niyo na ba ako agad students?" Sabi ng halimaw na si Teacher Shalle.

"Oo, namiss kita... sobra!" Sigaw ni Siyam.

"T-teka? Ikaw ba yan Siyam?" Tanong niya.

Ngumiti si Siyam, "One and Only Telekinesis Element at your service." Sabi ni Siyam.

Sumigaw naman si Teacher Shalle, "B-bakit? Bakit nabuhay kayo?" Nauutal na sabi ni Teacher Shalle.

"It's a long story pero bigyan kita ng hint... Mga bobo ang pinag-utusan niyo. Bakit ko nalaman? Syempre, matalino ako hindi gaya mo... Niyo!" Sabi ni Siyam na lalong kinainis ni Teacher Shalle.

"Diba sabi ko sayo kanina lang?" Sabi naman ni Seven.

"I-ibig sabihin... Buhay din si U-uno ang p-prinsesa?" Lumaki ang mata. "Pati si Onse?"

"Malalaman mo rin... Kung mabubuhay ka pa," sabi ni Siyam.

"Sa tingin niyo matatalo niyo ako? Sa lakas kong 'to?" Nanghahamong sabi ni Teacher Shalle.

Activated na ang lahat na weapon. Sinimulan na namin siyang labanan, nilagyan ni Fourth ng apoy ang sword para mas maging masakit pag nakatapat ito sa katawan niya. Sumisigaw si Seven ng 'freeze' para hindi makagalaw si Teacher Shalle at mapuruhan na siya kaso segundo lang tumatalab iyon. Hindi kami sumusuko at nagpatuloy kami sa pakikipaglaban. Pumapana si Fourth ng mga mata ng Cerberus, nagbabakasakali kahian niya ang mata nito kaso wala pa rin nangyayari. Sa tagal-tagal naming nakikipaglaban sa kanya ay hindi siya nanghihina at ngumingiti pa siya. May naisip ako na paraan, gumamit ako ng night vision para may makita sa katawan ni Teacher Shalle... Tama nga ako, ang pagiging Banshee ng dibdib niya ay tumutulong sa kanya para hindi namin makita ang puso niya. Posibleng kahian niya ang puso niya dahil mahigpit niya itong tinaguan.

Elementos, puso niya ang kahinaan niya.

Dos, hindi ko makikita.

Ako lang siguro ang makakakita ng puso niya kaya sinubukan kong tirikan ang puso niya pero masyado siyang malaki, hindi maabot ng espada ko.

"Pagod na ba kayo?!" Nanghahamong sabi ni Teacher Shalle.

"Natatandaan kong hindi napapagod ang mga elementos, para sa Brahmanda." Sabi ko at tumawa siya.

"Come on Dos, fight me!" Panghahamon niya at tumawa siya ng tumawa.

Elementos, werpadokos tayo at doon natin sa puso niya itatapon.

ONSE ELEMENTOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon