[This and the following chapters aren't Alexyz' P.O.V. anymore. It focuses more to Ace group. ENJOY READING<3]
Ace/Dos' P.O.V
Umuwi kami dahil may gagawin kaming importante ngayong hapon. Pinauna ko na sina Iggy, Windy, at Mace. May nakuha na kaming impormasyon kaya minabuti naming 'wag muna pumasok. Hinintay lang namin si Lucas dahil may binigay siya kay Belle. Nang nakita na namin siya ay nagpasya na kaming umalis na.
"Dos, wag tayo dito. May CCTV." Sabi ni Lia sa'kin at inikot ko ang paningin ko at may nakita nga ako.
Umalis kami don at naghanap ng ibang lugar na safe at walang makakakita sa amin.
"Ba't ang daming CCTV?" Tanong ni Oddyssa.
Nang nakarating na kami sa bahay na inuupahan namin ay nandoon ang may-ari kaya doble ingat kaming pumasok sa loob. Kinuha niya ang bayad ngayong buwan at binayaran siya agad ni Oddyssa, good for 2 months. Anyways, hindi namin problema ang pera dahil nakakagawa si Oddyssa ng totoong pera. Umalis na rin agad ang may-ari kaya pumunta na kami sa underground. Nagtipon ulit kami sa lugar na pinag-memeetingan namin. Tahimik si Windy na umuupo sa kanyang upuan at hindi makatingin sa'kin.
I know may hindi ka sinabi sakin!
Kanina ay pinuntahan namin siya sa likod ng sisters building dahil sumisigaw siya sa isipan namin. Kaya dali-dali kaming pumunta doon kahit hindi pa kami tapos kumain. Nadatnan namin siyang balot na balot na sa wire at puno ng sugat. Kinuha namin siya agad baka mapuruhan pa. Maya-maya ay may mga yapak na papunta sa amin. Buti nalang at na-cover agad ni Tres ang paligid kaya hindi kami makikita sa kung sino man ang papunta sa amin. Maya-maya ay nakita namin kung sino at kinabahan ako sa nakita ko. Si Sister Fe, siya ang may ari sa school na'to. Tumingin siya sa paligid pero wala na siyang nakikita dahil protektado kami ni Tres. Normal ang makikita nila pag i-cocover ni Tres ang paligid, pero kami na nasa loob ay makikita namin ito. Maya-maya ay umalis rin si Sister Fe at agad kaming tumakbo paalis dun. Ginamot ni Cinco ang sarili niya tsaka ko sila pinauwi dito.
"What just happen Cinco?" Nanginginig ang boses ko dahil sa galit. "Explain!" Sigaw ko sa kanya.
"H-hindi ko sinabi sa inyo na nakukutuban ko ang s-school admin, gusto ko itong mapatunayan kaya araw-araw kong pinupuntahan ang likod ng sisters building para magmasid." Sabi niya at hinarap kami lahat, "Kailan pa tayo kikilos? Pag naunahan na tayo?!"
"Mag-isa kalang Cinco?" Sabi ni Otso.
"Hindi mo ba alam Cinco na pwede kang mapahamak at matunton sa ginagawa mo? Cinco, our school is full of CCTV's!" Galit na sigaw ni Fourth.
"H-hindi ko a-alam!" -Cinco
"Tang inang hindi alam yan o!" Tumayo si Fourth at lumapit kay Cinco. "You have brain to think Cinco, What have you done?! Masisira lahat ng pagsasakripisyo natin."
Pinigilan ni Diyes si Fourth dahil galit na galit na siya kay Cinco. Tumayo ako at nagsalita na...
"Anong nakita mo?!" Sabi ko at tinitigan siya.
"W-wala," malumanay na sagot ni Cinco.
"Sinungaling!" Susugurin sana ni Fourth si Cinco pero napigilan ito agad ni Diyes. "Alam kong may pinoprotektahan ka Cinco, sino? Sino siya?!" Ganyan si Fourth pag naging tanga ka, magagalit at magagalit siya sayo kapag inako mo lahat at nagsisinungaling ka sa kanya.
"Alam kong may kasama ka, sino?!" Galit na sigaw pa rin ni Fourth.
"Pero malakas ang kutob kong kalaban ang pinasukan nating skwelahan. Baka sa susunod na araw..." Natigil siya sa pagsasalita at naluha.
BINABASA MO ANG
ONSE ELEMENTOS
خيال (فانتازيا)(Story Completed) Our universe is composed of different elements. Earth, Air, Water and Fire are the first four elements, but in the world of Bramandah there are twelve elements that the universe is made up of. Every element has its own life and the...