Alexyz' P.O.V
"A-ahh! Ano a-ahhh Basic Calculus." utal na sabi ni Belle.
"Salamat Belle! Hi, Lum..."
"Hi Alexyz."
Sh*t they're all weird. Bakit kilala nila kami? Are they stalking us?
Pagkatapos nun ay umalis na kami at dali-dali nang pumasok. Maya-maya pa ay dumating na rin ang tatlong transferee. Tinutukan ko ng tingin ang isa sa kanila, she's so familiar. I can sense it! Parang miss na miss ko na siya. Ewan ko kung bakit at paano ko siya mamimiss, I have no idea.
Natapos ang last subject namin na lutang ang isip ko. Wala pa rin akong kibo, nang napansin kong palapit ang babaeng tinitigan ko kanina.
"Hi, sorry pala kanina. Ang fc namin," mrdyo hiya niyang pagkasabi. "Nakita ko kasi names niyo sa chair kaya namin kayo nakilala, h-hehehe!"
Ahhh kaya naman pala!
Nginitian ko siya at sabay sabing okay. Ang bastos diba? Hahaha. Pagkatapos ng klase ay pumunta kami sa room ni Kiara. Paliko kami sa corridor nang may nakabunggo si Belle. Sabay untog. Ang payat kasi, Hahaha...
"A-aray!" -Belle
"Sorry miss, hindi ko sinasadya. Hindi kasi kita nakita," sabi ng lalaking nakabunggo ni Belle.
"Wow! Ganyan na ba ako kaliit para di makita?" Galit na sabi ni Belle sabay alis. "Akala mo naman ang taas?!" Pahabol niya pa.
"Ang liit mo kasi," sabi niya ulit.
"Wow talaga? Bakit, mataas ka?" Mataray na bungad niya sa lalaki at umalis na siya.
"Next time around, tumingin ka sa dinadaanan mo para di ka makabunggo." Angas na sabi ko sabay alis.
Wow, ang tapang ng boses ko don HAHAHA. Nasa pintuan nag-antay si Belle kay Kiara habang hindi ma-describe mukha niya dahil sa inis. Ako din naman ma iinis kung sasabihan akong hindi makita. Lumabas na si Kiara.
"Ba't ang asim ng mukha mo Belle?" Tanong ni Kiara at tumawa.
"Wow ha! Hindi ka funny," sabi ni Belle at nag rolled eyes.
"Galit agad?! Para namang hindi sanay 'to." Sabi ni Kiara at humarap sa akin.
Kinuwento ko na lang ang nangyari kanina. Papunta na kaming gym para kumain at habang nasa gym kami, hinanap ko ang mga transferee pero hindi ko nakita. Hindi din naman namin sila nakita sa canteen.
Wait?! Ano ka ba Alexyz? Ano bang nangyari sayo at hinahanap mo sila? Diba galit ka?
Tama, galit ako!
Someone's P.O.V.
"Ano na Dos? Anong plano?"
"Nakakawala ng gana!"
"Bakit? Ano bang nangyari?"
Kinuwento ko lahat ng nangyari kanina. Natawa nalang kami dahil sa hindi inaasahan na pangyayari. Nasa library kaming pito ngayon, nag-iisip lang si Dos habang kami nag kukwentuhan lang. Actually lunch time na ngayon pero hindi pa kami dinadalaw ng gutom, madami-dami rin ang nakain namin kanina sa health break, hindi naman namin inakala na lunch agad pagkatapos ng health break.
"Alam mo Lia, gamitin mo nalang pagka-friendly mo. Kaibiganin mo si Luminous."
"Ibang-iba na nga si Luminous ngayon! Hindi na niya ako kilala."
"Kaibiganin mo nga! Ikaw pa man mawala ng 10 years nakakaalala pa?" Tanong ko, "Tsaka bestfriend naman kayo dati, sure akong may konting ala-ala pa si Luminous sayo!" Mahabang pahayag ko.
"I'll try." Matamlay na sabi ng kaibigan ko.
"Mahaba pa naman ang binigay na oras ng Amang hari ehh, kaya pa natin yan!"
"Kakayanin"
Maya-maya pa ay may narinig kaming anunsyo sa parang malaking yellow bell na bulaklak, nakalimutan ko lang ang tawag. Lumabas na kaming lahat sa library at pumunta na sa gym. Pagdating namin dun ay nagkatipon na ang lahat. Nakita ko si Luminous at may umakbay sa kanyang lalaki, yan yun lalaking yumakap sa kanya nang nasa bahay sila nung gabi ng kaarawan niya. Katabi niya si Belle at isa pa niyang kaibigan.
"Good afternoon Ptolemy students, I'm here to announce you that this coming saturday night we have a masquerade ball." Sabi nung nasa 40's na babae.
Sari-sari ang naging reaction ng mga estudyante. Syempre masaya sila, may sumigaw pa nga ng 'I love Ptolemy' at kung ano ano pa. Ang ipinagtataka ko lang, bakit masaya sila? Anong meron sa masquerade ball na yan? Bakit masaya sila? Wala bang pasok niyan? Siguro mamaya na lang nasagot ang mga katanungan ko. Google answers it all. ChOur! HAHAHAHA.
"But students, I have to remind you, especially girls that please... Please wear a corporate dresses. Okay?" Sabi niya.
Pagkatapos ng anunsyo ay pinapasok na rin kami. Tahimik kaming pumasok at nakasunod lang sina Belle at Lumi sa amin. Tinignan ko si Ammelia at tinitigan niya si Luminous, halatang miss na miss na niya bestfriend niya.
Before the tragedy happened in Bramandah, bago pa nawala sa amin ang mga kasama namin, Lia and Lumi were very close. Parati silang magkasama sa lahat ng bagay. Kaya nang napasama si Lumi sa mga witches, sobrang sakit ang naramdaman ni Lia. To the point, pinag-aralan niya ang lahat ng weapons na ginagamit namin para daw mapatay niya lahat ang kalaban.
Maya-maya pa ay bumalik ako sa realidad. General Mathematics na daw ang subject namin, pero never mind hindi ako interesado. Natapos ang araw namin na hindi nakaka-usap si Lumi at Belle about nga sa ritwal. Pero okay lang, first day pa naman namin marami pang oras. Palabas na kami ng gate nang nagtagpo na naman ang landas namin nina Belle at Lumi, kasama ang mga kaibigan niya. Hawak ng lalaki ang bag ni Lumi, napaka-sweet nilang tignan. Napadalaw ang paningin ko kay Dos at nakatingin siya kay Lumi.
Noon, nang nasa Bramandah pa si Lumi ay nangako na silang dalawa na sila habang buhay kahit na bata pa sila. Kilalang masamang lalaki noon si Dos, gusto niya lahat ng gusto niya ay makukuha niya. Kaya nang nawala si Lumi sa amin ay lumabag siya sa kautusan ng palasyo at sinundan ang mga witches na kumuha sa kanya. Umabot sa puntong napunta siya dito sa mundo ng mga tao. Sa katunayan, pangalawang beses na siyang napunta dito. Pag-uwi ni Dos, hindi niya kasama si Lumi. Hindi naman naparusahan si Dos dahil bata pa siya nun.
Umalis na ang grupo ni Lumi at nagpasya na rin kaming umuwi sa inuupahan naming bahay. Pag-uwi namin dun ay tinipon kami ni Dos sa round table para sa importanteng anunsyo.
"I want this mission to be successful. Kaya napagdesisyonan ko na maghahati-hati tayo sa paghahanap ng mga kasama natin. Belle and Luminous are already seen but Teo and Frean were not."
"How can we find Teo and Frean? We don't even sure na nandito sila sa Ptolemy!"
"I'm sure na nandito lang sila sa paligid."
Hinati na ni Dos kung sino-sino ang paghahanap ni Teo at Frean. Kami nina Dos, Lia at Mace ay tutukan namin sina Belle at Lumi.
"I know Luminous can remember me!"
"Trust your friendship Lia."
"Gagawa ako ng paraan."
Pagkatapos nun ay naghanda na kami para sa Masquerade ball. Lia told me everything about Masquerade ball kaya excited na ako.
Please Vote and Comment below👇
Follow niyo na rin ako guys.
READ AND BE FAN. Labyuuuu all <3
BINABASA MO ANG
ONSE ELEMENTOS
Fantasy(Story Completed) Our universe is composed of different elements. Earth, Air, Water and Fire are the first four elements, but in the world of Bramandah there are twelve elements that the universe is made up of. Every element has its own life and the...