Ammelia/Fourth's P.O.V
It's day 2!
Hindi pa rin nagigising si Lumi. Mahimbing pa rin ang tulog niya sa kama. Kailan ka pa ba gigising Lumi? Kailangan ka na namin. Miss ka na namin, gusto na kitang makausap ng masinsinan. Bukas makalawa babalikan na namin si Dos para mabawi namin siya at... Babalik na kami sa Brahmanda. Sana magising ka na para makasama ka namin doon, sabi ni Reyna Mitch... Pupunta lang kayo doon para sa ritwal at babalik din dito. Kakausapin niya sina Reyna Luciana para raw matahimik ang buhay mo. Gumising ka na sana Lumi, para sa huling pagkakataon makasama ka namin.
Yumuko ako sa kanya at napaluha. Hindi naman ako masyadong iyakin pero pag si Lumi na ang pag-usapan, bakit napaiyak ako agad? Maya-maya ay may yapak akong narinig na papunta dito. Agad kong inayos ang sarili ko at tinignan iyon. Pumasok si Prof June sa kwarto, umupo siya sa isang kama at tinignan si Lumi.
"3rd day na bukas... Alam mo na babalikan na natin si Ace." Sabi niya.
"P-prof... Sana bigyan mo pa siya ng isang araw pa." Sabi ko.
Ako lang sa lahat ang naniniwalang si Lumi lang ang makakabalik ni Dos sa amin, lahat sila ay disididong bawiin si Dos at gagamitan ng dahas. Hindi nila ako pinakinggan.
Si Lumi lang naman ang nakikinig sa akin eh?! Napaluha ako sa nasabi ko sa isipan ko.
Umiling siya. "Ammelia, hindi na pwede dahil hindi natin alam ang ginagawa nila ngayon... Baka maisahan tayo ni Fe," sabi niya.
Hindi ko na siya sinagot at binaling ulit ko kay Lumi ang atensyon. Kailangan ka ng gumising Lumi para kasama natin si Dos sa Brahmanda, ikaw lang ang makakagawa don.
"Sana maintindihan mo ang desisyon namin Ammelia... Mauna na ako!" sabi ni Prof June at Lumabas na sa kwarto.
Naghihintay lang ako ng ilang minuto para may pumalit sa aking magbantay kay Lumi. Dumating din si Reyna Mitch kaya tumayo na ako at nagpaalam.
"L-lia... Salamat," sabi niya.
Ngumiti ako. "Walang ano man po, mauna na ako." Sabi ko.
"T-teka..." Pagpigil sa akin ni Reyna Mitch. "Alam kong masama ang loob mo sa amin... Dahil narin sa desisyon, pero sana... Sana maintindihan mo iyon Lia!" Sabi niya.
"Reyna Mitch... Alam ko po at naiintindihan ko po ang desisyon niyo, pero sana pakinggan niyo rin ako... Si Lumi lang ang makakagawa nito, si Lumi at wala ng iba pa." Sabi ko sabay yuko.
Lumabas na ako sa kwarto at ang plano ko ay pupunta sa rooftop. Gusto kong mapag-isa para mabawasan ang bigat sa puso ko. Nakarating ako doon, mapayapa, walang tao at mahangin.
I will be fine, alone!
Sabi ko sa isip ko at dumiretso sa upuan na semento. Umupo ako doon, pinikit ko ang mga mata ko at ni langhap ang preskong hangin. Nag flash ang lahat ng pangyayari sa Brahmanda nang pumikit ako, mga masasayang araw na kasama ko si Lumi.
Sana bumalik ka na!
Alam kong may nalalaman ka na rin!
Miss na miss na kita Lumi...
Ikaw lang kasi ang nakikinig sa akin, ikaw lang ang nagbibigay sa akin ng mga advice...
Gumising ka na please, gusto na kitang yakapin...
Gusto na kitang suntukan dahil may tulog-tulog ka pang nalalaman...
Ewan ko sayo!
"Baka mahulog ka diyan!"
May narinig akong nagsalita sa likod ko kaya dinilat ko ang mga mata ko at tinignan siya. Ngumiti si Belle nang tinignan ko siya.
BINABASA MO ANG
ONSE ELEMENTOS
Fantasy(Story Completed) Our universe is composed of different elements. Earth, Air, Water and Fire are the first four elements, but in the world of Bramandah there are twelve elements that the universe is made up of. Every element has its own life and the...