7: ONSE ELEMENTOS

1K 71 21
                                    

3rd Person's P.O.V

Mabilis na kinarga ni Justin si Alexyz papunta sa van para isugod sa hospital. Madilim kaya kumuha ng cellphone sina Kiara at Jameson. Maya-maya pa ay bumalik na ang kuryente kaya nakahinga sila ng maluwag.

"Students, just relax and continue to eat." Sabi ni Ma'am Shalle.

Hindi naman alam ni Belle ang gagawin kaya napaiyak nalang siya sa sulok na bahagi ng stage. Nanginginig ang mga kamay niya, hindi niya alam kung paano huminahon. Maya-maya ay nakaramdam siya ng tao na tumabi sa kanya. Dahan-dahan niyang tingnan ang lalaki, ngumiti naman ang tao sa kanya.

"Hi! I'm Lucas." Pakilala ng lalaki kay Belle.

Hindi agad naka-imik si Belle kaya binaba nalang ni Lucas ang kamay niya. Medyo napahiya si Lucas nun.

"Malinis 'tong kamay ko! Kaya kunin mo na, pero kung ayaw mo ay okay lang!" Sabi ni Lucas at nagkunwaring hindi napahiya.

"Tsss!" Bulaslas ni Belle.

"Kaibigan mo ba yung nahimatay kanina? Wag kang mag-alala magiging okay din siya. Trust me," patuloy na saad ni Lucas kay Belle, "Kung gusto mong mapag-isa sige aalis nalang ako."

Akma nang aalis si Lucas nang nagsalita na si Belle, "A-ahh hindi okay lang. My name is Belle!" Inilahad niya ang kamay niya.

"Nice name, B-belle!" tinanggap naman ni Lucas. "Sino ba yung babae kanina?" Pag-uulit niya ng tanong.

"Yung babae kanina?... Siya si Alexyz, hindi lang kaibigan ang turing ko sa kanya kundi kapatid na rin. Hindi ko lang kasi alam ang gagawin kanina, takot kasi ako sa ganun." Mahabang sabi ni Belle.

"Magiging okay lang yun si A-alexyz, magagaling doctors niyo dito. They are using some instruments, ang galing dito." Manghang sabi ni Lucas.

Nagtaka si Belle sa sinabi ni Lucas. Wala ba daw ganyan sa kanila, bakit daw parang bago sa kaniya ang ganoong bagay. Nginitian niya lang si Lucas dahil sa sinabi niya.

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

"Doc, Is my friend okay?" Tanong ni Kiara.

"Ahh yes, okay na siya. About sa tanong niyo kanina bakit umiilaw ang katawan niya ay baka may lights lang na nakapaligid sa kanya, mga reflection na mga ilaw sa paligid, mga ganung bahay. Mainit siya kaya sigurado akong nauubusan lang siya ng enerhiya kanina." Paliwanag ng Doctor. "Ano ba ang ginawa nyo para mapagod siya ng ganito?" Tanong ng doctor.

"Sumayaw lang kami kanina Doc, wala naman siyang sakit." Si Kiara.

"Don't worry, i-checheck namin ang pasyente." Doctor assure.

"Thank you so much!" Sabi ni Kiara.

Pumunta na sila sa loob at naghintay lang na gumising si Alexyz. Tahimik na hinahawakan ni Justin si Alexyz. May napansin si Kiara, nawawala sa pananaw niya si Belle.

"By the way, where is Belle?" Takang tanong ni Kiara sa boys.

"Nagpaiwan siya love, takot yun sa disgrasya." Sabi ni Jameson.

"Ba't niyo siya hinayaang magpa-iwan?!" Sigaw ni Kiara sa boyfriend niya.

"Don't worry love, nandun sina ate Therese at ate Yolly." Depensa ni Jameson.

"Tawagan mo nga love! Baka mapano pa yun." Kunot noo na sabi ni Kiara.

Kahit kailan, napaka-concern ni Kiara sa mga kaibigan niya. Lahat naman sila, pero iba si Kiara. Ayaw niyang may masasaktan at mapapahamak sa mga malalapit sa kanya, maswerte ka pag may kaibigan ka tulad ni Kiara.

ONSE ELEMENTOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon