Ammelia/Fourth's P.O.V
Niyakap ko siya pero hindi niya pa rin ako kinibo. Inuyog ko siya tsaka lang siya gumalaw.
"Akala ko galit ka pa rin sa akin," sabi niya.
Ngumiti ako. "Hindi naman ako galit sayo... Hinding-hindi ako magagalit sayo. Nagtatampo lang naman ako Tres." Sabi ko.
Ngumiti siya at niyakap ako bigla. "Thank you for babysitting mi kahit hindi na ako baby," sabi niya sabay tawa.
Miss ko na 'tong babaeng 'to. Niyakap ko siya ng mahigpit at nagtatawanan. Umalis na kami don at walang iniwan na gamit. Nilagyan na rin ni Siyam ng QC powder ang buong lugar. Nakarating kami doon at halos lahat kami ay pagod na, sinabi ni prof na magpahinga muna kami bago mag tanong. Pumasok na kami sa magiging kwarto namin ni Tres, Leilani at Azura. Nang nakapasok na kami ay hinanda na namin ang kama namin at tuluyan nang humiga. Nakatutok lang ako sa ceiling at hindi makatulog kahit pagod na pagod ang buong katawan ko. Tulog na si Tres nang tinignan ko siya at nang tinignan ko sila ay tulog na si Azura pero gising na gising pa si Francine. Nilapitan ko siya.
"Lei, ano ba ang iniisip mo?" Tanong ko at napatingin siya sa akin.
"Ate Lia, na miss ko lang si Ate Lumi... K-kahit hindi na niya ako nakilala," sabi niya at yumuko.
Niyakap ko siya. "Wag kang mag-alala dadating ang araw na makilala niya tayo ulit... Just trust Gani." Sabi ko.
"Ate Lia, nung una mo siyang nakita, anong naramdaman mo?" Tanong niya.
"Actually, birthday niya nung una ko siyang makita," naalala ko ang mga panahong nagkita kami sa Mall. "Nagkabangga kami nun, syempre hindi ako makapaniwala na buhay siya at nakikita ko siya sa mismong harap ko kaya napatulala ako... Pero hindi niya ako namumukhaan." Kwento ko.
"Pa'no yun, Anong ginawa mo para humantong kayo sa anong meron kayo ngayon?" Tanong niya ulit.
"Ang hirap talaga, kasi may mga kaibigan na rin siyang bago... Ang ginawa ko noon, tinignan ko nalang siya sa malayo at binubulong sa hangin ang mga salitang gusto kong sabihin sa kanya, at laking pasasalamat ko kay Kuya Lucas mo dahil pinakilala niya kami sa kanila. Hanggang sa parati na kaming magkasabay at nag-uusap... Hindi lang ako nawalan ng pag-asa... Kaya ikaw, wag kang mawalan... Maaalala ka rin ng Ate Lumi mo! Okay?" sabi ko at tumango siya.
Nagpasya na akong matulog na kami baka maaga pa kami bukas. Nakatulog agad si Leilani habang hinimas-himas ko ang ulo niya, niyakap niya ako at nakatulog sa bisig ko. Kinabukasan, nauna akong nagising sa aming apat. Nakayakap pa rin si Leilani sa akin kaya dahan-dahan ko itong tinanggal para makaalis at makatayo na.
"Waggggg!" Sigaw ni Azura at hinabol niya ang hininga niya.
Nang nakita niya ako ay kumiripas ang takbo niya papunta sa akin at niyakap ako. Umiiyak siya habang niyayakap ako, hindi ko alam ang gagawin ko para mapatahan siya kaya hinimas ko nalang ang likod niya.
"Ate Lia!" Umiyak pa rin siya.
"Shhh! Nandito lang ako Azura..." Sabi ko. "Anong napanaginipan mo?"
"A-ate Lia, s-si Ate L-lumi" putol-putol niyang saad sa akin kaya hindi ko makuha ang gustong sasabihin niya.
"Huminahon ka muna tsaka ka magsalita... Inhale, Exhale" sabi ko at sinabayan siya. "Sige... Ano ang panaginip mo Az?" Tanong ko.
"Si Ate Lumi, may sumaksak sa p-puso niya... Hindi ko makita ang mukha niya pero alam kong babae iyon," sabi niya.
"Si Sister Fe ba?" Tanong ko at tumingin siya sa akin.
Huminga siya malalim. "Posibleng siya Ate, pero hindi ako sigurado..." Sabi niya.
BINABASA MO ANG
ONSE ELEMENTOS
Fantasy(Story Completed) Our universe is composed of different elements. Earth, Air, Water and Fire are the first four elements, but in the world of Bramandah there are twelve elements that the universe is made up of. Every element has its own life and the...