38: ONSE ELEMENTOS

646 37 0
                                    

May dalawang malaking dam akong nakita, may mga tao na naka-hood na nakapaligid sa dam. Maya-maya may narinig akong sigaw sa loob ng dam, ibig sabihin may tao doon. May sinabi ang isang babae sa lalaki, hindi ko makita ang mukha nito dahil may takip ang mukha niya. Umalis ang babae at tanging mga lalaking naka-hood ang natira. Bago umalis ang mga lalaki ay may iniwan silang bag na kulay itim doon. Nilapitan ko iyon at pagtingin ko, laking gulat ko na bomba iyon. Hindi nagtagal ay sumabog iyon. Hindi kahabaan ng oras ay may dumating na mga pulis at ambulansya, nang binuksan nila ang dam doon ay may mga taong umiyak sa loob. Good to know na ang dam na pinasabog nila ay walang tao.

Naglalabasan na ang mga tao doon, medyo pamilyar silang lahat sa akin.
May nakita akong babae na nakahiga at walang malay, nilapitan ko iyon at nilinisan ang mukha. Ang lakas ng pitik ng dibdib ko ng napagtanto kong si Lumi ang batang iyon. Kinuha siya ng mga rescue team at sinakay sa ambulansya. Nawawala ang prinsesa sa Brahmanda!

Napadpad si Lumi sa mundo namin? Ngunit saan siya? Kaya ba ako pinapakita nito dahil kailangan ko hanapin si Lumi dito? Pero pa'no? Saan ko siya hahanapin? Anong itsura niya ngayon?

***

Nasa lugar ako kung saan maraming mga batang naglalaro. May mga madre din sa lugar na ito. Maya-maya ay nakita ko si Lumi na nakaupo lang sa gilid. Walang kibo, nakatulala at hindi pakikipag halubilo. Nilapitan siya ng isang matanda, hindi ko makita ang mukha dahil nakatalikod siya sa akin pero pamilyar ang tindig niya. Ngumiti si Lumi at niyakap ang matanda, nagpaalam siya sa isang madre at tumingin si Lumi sa.... Akin? Nakikita niya ako? P-pero paano? Ako ba talaga tinignan niya?

***

Nasa isang bahay ako, nakita ko ulit si Lumi. Teka? Bahay 'to namin ngayon ah? Posible bang si Lumi at Belle ay iisa? Maya-maya ay lumabas si Tita Mitch, may dala siyang gatas at tumabi siya kay Lumi.

"Baby! Inumin mo na 'to," sabi ni Tita Mitch pero hindi kumibo si Lumi.

Si Lumi at Belle nga ay iisa!

"Please, uminom ka naman kahit ito lang para may laman ang tiyan mo." sabi pa rin ni Tita Mitch.

"Ayoko po!" Sabi ni Lumi.

Bakit nagkaganyan si Lumi? Ganyan pala si Belle noon kaya kami pina hypnotize? Pero bakit pati ako? Ang sabi sa amin noon ay naaksidente kami sa bike kaya pina hypnotize, pero saan ako sa panahong iyon?

***

May dalawang bata ang masayang nagbibisikleta, si Lumi at... Sino ang batang kasama ni Lumi? Ako ba yan? Ba't ang laki ng pagbabago sa mukha ko?

Nang masaya ang dalawa sa pagbibisikleta ay may isang kotse ang biglang bumangga sa kanila. Walang malay si Lumi at umiiyak ang isang bata na nakahawak kay Lumi.

"Belle, Ale! Aleee!" Sigaw ni Tita Mitch.

"Juskooo, Ale, Ale gising!" Sabi naman ni Tito Bernard.

Ibig sabihin si Lumi at Belle ay magkaiba, Iba silang dalawa. Ang umiiyak na bata ay si Belle at ang nahimatay na bata ay si A-ale... Sinong Ale?

***

"Alexyz!"

Nailabas ko sa sariling bibig ko ang salitang 'Alexyz!' Ang batang nahimatay ay si Lumi, Si Ale... Ako ba ang batang iyon? Ako ba si Ale? Ako ba ang... Nawawalang Prinsesa? Ako ba talaga?

Nilapitan ko ang bata at tinignan siya ng mabuti. Doon ko lang naklaro ang mukha niya, magkamukha nga kami! posibleng ako si Lumi? Ako ang nawawalang p-prinsesa!

***

"Alexyz, Belle kain na!"

"Opo Tita, I'm coming!"

Lumabas si Alexyz, dalaga na siya sa panahong iyon. Naka uniform ng Ptolemy at may bag na dala.

"Saan si Belle?" Tanong ni Tita.

"Palabas narin yun Tita!" -Alexyz

"Good morning Mom!" -Belle

***

Bakit pinapakita sa akin ang lahat ng 'to? Dahil ba ako si Lumi? Kaya ba may napupuntahan akong mga lugar na lahat ay pamilyar dahil ako si Lumi. Ako ang Light Element, at prinsesa ng Brahmanda? Ako nga ba?

May nakita akong mga lugar at nakikita ko ang sarili ko.

***

Ikaw!

May narinig akong boses ng babae. Hinanap ko iyon kung saan.

Ikaw ang itinakda!

Ikaw ang nawawalang prinsesa!

Gumising kana!

Kailangan ka nila ngayon!

Sumanib na si Dos sa kasamaan!

Gumising ka Uno!

Unoo!

Bigla nalang nawala ang tinig ng boses. Napahawak ako sa ulo ko at hindi makapaniwala.

Ako ang nawawalang prinsesa sa Brahmanda!

Bigla nalang akong nahulog sa bangin. Walang tumulong sa akin, walang katao-tao dito.

Paano ako makabalik?




Author's Update:

Hi Guys! Sorry dahil napakasimple ng Chapter na ito. But I hope you like it. Sana naliwanag kayo sa takbo ng story kong ito. Thank you so much for reading guys, lavvyahh:^)

And thank you so much for those people na binigyan ako ng inspiration para magpatuloy sa story ko... Thank you Enzylle and 12kyrylle18

Thank you also sa mga votes niyo and especially to ibluellax for reading it online. Thank you so much sis.




Please Vote and Comment below👇
Follow niyo na rin ako guys.
READ AND BE A FAN. Labyuuuu all<3

ONSE ELEMENTOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon