43: ONSE ELEMENTOS

686 41 0
                                    

Ace/Dos' P.O.V

May narinig akong boses na pamilyar sa labas kaya agad akong lumabas. Si Lola ay nasa loob pa at may ginagawa. Paglabas ko ay nakita ko ang kapatid ko, akala ko bumalik na sila sa Brahmanda para sa ritwal? Bakit pa siya nandito?

"D-dark?! Sino kasama mo dito?!" nabigla kong tanong sa kanya.

"Mag-isa lang ako Kuya, tumakas ako dahil gusto kitang makita... Tara na Kuya umalis na tayo dito!" Sabi niya at parang siya lang ang pumunta talaga dito.

"Hindi pwede Dark, nandito si Lola... Ang Lola natin!" Sabi ko pero kumunot ang noo niya.

Maya-maya ay lumabas si Lola at lumapad ang ngiti niya nang makita ang kapatid ko, nang tinignan ko si Dark ay mas lalong kumunot ang noo niya. Hindi ba siya masayang nakita niya si Lola? Napa tanong ako sa isipan ko.

"Dark apooo!" Salubong ni lola sa kanya pero walang pinalabas na reaksyon si Dark.

"Dark, hindi ka ba masayang makita si Lola?" Tanong ko.

Sarkastikong ngumiti siya sa akin, "Really Kuya?! You will ask me that question?" Tanong niya.

Tinignan ko si Lola tapos si Dark tapos si Lola naman. May hindi ba ako nalalaman dito? Ba't parang ang init ng tinginan nila? Huminga ng malalim si Dark tsaka nagsalita.

Tinuro niya si Lola at lumuluha na ang mga mata niya. "That old btch..."

Hindi ko na siya pina-tapos at sinuntok ko siya agad. Wala siyang respeto sa nakakatanda, lalo na't lola namin ito.

"Wag kang humingi ng tawad pag nalaman mo ang lahat ng ito," seryosong sabi ng kapatid ko.

"Dark, ano bang nangyari sayo?" Tanong ni Lola kay Dark.

Ngumisi lang si Dark, "Kuya, you don't know? Or your just ignoring it?" Tanong niya.

"Ano ba Dark, diretsuhin mo na!" Sigaw ko sa kanya.

Sinuntok niya pa ang dingding at umiyak na. Hindi ko alam ang nangyari sa kapatid ko. Lalapitan ko sana siya kaso ayaw niya. Nakahawak siya sa mga mata niya at pinigilan ang luhang lumalabas sa mga mata niya.

"That old woman... She kills our mother, Kuya!" Umiyak pa rin siya. "Dahil sa kanya nawala si Ina, naging walang silbi si Ama. Hindi mo alam yun? O wala kang pakialam kasi hindi mo mahal si Ina... Tama ba ako Kuya?" Sabi niya at natahimik ako.

Tinignan ko ang Lola ko at nakatingin lang siya sa akin, walang lumalabas na salita sa bibig niya. Buntong hininga ako.

"Ace, wag kang maniwala sa kanya... Siniraan niya lang ako sayo!" Sabi niya at masama ang tingin kay Dark. "Hindi ko pinatay ang Ina niyo, siya ang nagpupumilit na dalhin ko siya dito."

"Kaya pala dinala mo ang patay na katawan dito sa mundo ng mga tao para hindi malaman ni Kuya? Tama ba?" Patuloy na sabi ni Dark.

"H-hindi yan totoo!" Sigaw pabalik ni Lola. "Nandito ang Ina niyo!" Takot na sigaw ni Lola.

"Tama na, Dark!" Sigaw ko dahil dumidilim na ang mga mata ni Dark.

"Kaya pala binantaan mo si Papa na patayin para lang hindi sumunod sa inyo?" Pagpapatuloy niya. Ngumiti ng mapait si Dark.

"Paano mo nalaman?" Tanong ni Lola.

"Nandun ako sa lahat ng kabastusan na ginawa mo!" Sigaw niya.

"Sinungaling ka Dark! Buhay ang ina ninyo, buhay na buhay. Kasama ko nga siya dito... Ace wag kang maniwala sa..."

"Tama na!"

Sumigaw ako. Nag-eecho ang boses sa buong college building dahil sa sigaw ko. Natulala naman silang pareho. Tinignan ko ng mabuti ang lola ko, sa oras na totoo ang sinasabi ng kapatid ko ay mananagot siya. Kahit hindi kami masyadong nag-uusap ni Ina ay minahal ko rin naman siya, at dahil sa kanya maagang nawalan ng ina ang kapatid ko. Kaya siguro ganun nalang ang paninira niya kay Ina sa akin para lumayo ang loob ko sa kanya.

ONSE ELEMENTOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon