3rd Person's P.O.V
Patuloy na naiinis si Alexyz dahil sa sinabi ni Justin, Kaya tahimik siyang naghihintay na magsisimula na ang program. Tumingin-tingin siya sa paligid at hinanap ang mga transferee.
Bakit ko na naman ba sila hinanap? Utal niya sa isip niya.
Buti nalang at nagsimula na ang program kaya nawala sa isip niya ang transferees. Nag bigay ng welcome address ang principal o dean after that Ma'am Shalle give some instructions at nagsimula na ang sayawan.
"Boys, pick your partner at dalhin sa dance floor." Sabi ni Ma'am Shalle, "Place your partner at the center. Gaya ng pina-practice niyo, may rotation na mangyayari. Bibigyan kayo ng three minutes para kilalanin ang nasayaw niyo."
Ginawa ng mga estudyante ang sinabi ni Ma'am Shalle. Kinuha ni Justin ang kamay ni Alexyz at dinala na sa dance floor. Nahalata siguro ni Justin na tahimik at walang gana si Alexyz kaya tinapik niya ito, walang epek ang ginawa ni Justin. Nagsimula na silang mag sayaw kaya doon na kinuha ni Justin ang pagkakataon na kausapin si Alexyz.
"Babs, are you okay?" Tanong ni Justin.
"Yes Babs, Masakit lang ang ulo ko." Pagsisinungaling ni Alexyz.
"Gusto mo bang wag nalang tayo sasali sa sayawan?" Tanong ni Justin.
"Hindi okay lang Babs, kaya ko pa naman." Sabi ni Alexyz.
Hanggang sa nagpalit na ng partner ay hindi pa rin naging okay si Alexyz. Sa totoo lang daw, nainis siya dahil alam naman niyang selosa siya bakit daw ginawa niya pa yun. Pinaka ayaw niya kasi sa lahat ang may ibang kasayaw si Justin na iba lalo na't sikat siya at may nagnanasang mga babae sa kanya. Napaka Selosa diba?
Nang nasa pangatlong pares na ay parehong tahimik ang dalawa. Walang naglakas loob na magsalita una. Nagkatitigan lang sila ng nagtitigan.
Ang ganda mo, princess ka nga! Bulong ng lalaki sa isip niya.
"Okay stop! Kung sino man ang naging pares niyo ay siya muna ang magsasayaw sa inyo before kumain. Enjoy Ptolemy students!" Anunsyo ni Ma'am Shalle. "Please, 'wag na kayong maghanap ng partner... Masasaktan lang kayo." Pahabol na hugot ni Ma'am Shalle.
"H-hi, I'm Alexyz." Lakas loob na sabi niya.
Bumuga ng malalim na hininga ang lalaki. Tinutukan niya muna si Alexyz bago mag salita.
"I'm Ace" Diretso at klaro niyang sabi.
Nabigla si Alexyz, "A-ahh kaklase lang pala Kita."
Isa si Ace sa mga transferee na galing sa Bramandah. Dahil dun ay uminit ang buong katawan niya. Alam nyo namang kinilabutan si Alexyz pagdating sa kanila. Buti nalang at natapos agad ang sayawan at nakahinga siya ng maluwag. Naghiwalay na sila at dali-dali siyang bumalik sa table. Hindi alam pero kinakabahan siya papuntang table nila.
Nandun sa table na sila ay hinanap ni Alexyz si Justin pero wala ito. Nagtanong rin siya ni Jameson pero hindi niya ito nakita. Kahit masama na ang kutob niya ay pinaniwala niya ang sarili niya na walang ginagawang masama ang boyfriend niya. Napakaselosa ko talaga kahit kailan! Sabi niya sa isip niya.
"Good Evening again students, maya-maya lang ay tatawagin na natin ang King and Queen of the night. Binibilang pa sa mga officers ang mga boto niyo. Sino kaya ngayon ang tatanghalin!"
Iba iba ang naging bulungan ng mga estudyante. Ang iba ay sinasabi nilang si Kiara at Jameson o di kaya si Alexyz at Justin, Sam at Andy at marami pang iba. Sikat sa school si Kiara dahil varsity player ang boyfriend niya at maliban dun ay nanalo rin siya bilang Ms. Intramurals. Tsaka sumasali rin si Kiara sa mga tournament kaya famous siya. Matangkad- mga 5'6 ft, Chinita at surfer si Kiara, kilala rin siya bilang matalino sa section nila.
BINABASA MO ANG
ONSE ELEMENTOS
Fantasy(Story Completed) Our universe is composed of different elements. Earth, Air, Water and Fire are the first four elements, but in the world of Bramandah there are twelve elements that the universe is made up of. Every element has its own life and the...