Epilogue: ONSE ELEMENTOS

951 36 9
                                    

Alexyz' P.O.V

Matapos ang madugong labanan namin ay sa wakas naging maayos ang aming buhay, hindi man namin napatay si Fe ay alam kong may tamang panahon para sa kanya. Unti-unti kaming lahat bumabangon dahil sa pagkawala ng mahal namin sa buhay. Kahit hindi maganda ang hiwalayan namin ni Justin ay hindi ko maitanggi na naging masaya ako sa kanya, pinuno niya noon ang buhay ko ng kanyang matatamis na pagmamahal at hinding-hindi iyon mawawala sa puso ko. Nawalan ako ng isang Justin na bawat segundo ay nandito lang sa tabi ko at pinapasaya lang ako. Nawalan din ako ng Prof June na noon pa pala ay tumutulong na sa akin para maprotektahan ako, maprotektahan ako sa tunay na kalaban.

Nandito kaming lahat sa tabi ng dagat; ang Onse Elementos, Sina Tita Mitch at Tito Bernard, Apat na pinili ng propesiya, Sir Laude at pamilya ni Prof June.

"Prof June, nasaan ka man ngayon gusto ko lang ulit magpasalamat sa lahat-lahat na ginawa mo para sa akin. Mamimiss kita Prof!" malungkot na sabi ko at dinadama ang lamig ng paligid.

"Papa..." Panimula ni Teo. "Salamat po s-sa pagkupkop sa akin. Salamat dahil naging masaya ako dito kapiling kayo, S-sana maging masaya ka kung saan ka man ngayon. Hinding-hindi kita makakalimutan P-papa!" humahagulgol na sabi ni Teo habang yakap ang urn.

Isa-isa ring nagpapasalamat ang onse elementos at ang asawa ni Prof. Habang pinakawalan ang abo ni Prof June ay lumamig lalo ang buong paligid. Nakangiti ako ngayon dahil alam kong nasa tabi lang namin si Prof June. Nang matapos na ay nagpasya na kaming umuwi na para mapag-usapan ang mga bagay na hindi pa tapos.

"Okay ka lang?!" Tanong ni Ace sa'kin. Hinaplos niya ang likuran ko sabay ayos ng nakalugay kong buhok.

Ngumiti ako. "Okay lang ako," mahinang sabi ko. 

Hindi ko maiwasang isipin ang mga nangyari, may mas nagawa pa sana ako. Nang nakarating na kami sa bahay ay agad akong sinalubong ni Lia ng yakap.

"Ito ang unang beses na yakap kiita matapos ang gulong nangyari... Miss na miss kita Lumi," sabi niya at muli akong niyakap.

"Ako din, miss na miss ko ang matalik na kaibigan ko," sabi ko.

Nasa roof top kaming lahat na mga elementos. May importante kasi akong ipagtatapat sa kanila na noon ko pa tinatago.

"Sorry!" Panimula ko. Tila lahat sila ay natahimik at napalingon sa akin ang atensyon na kanina ay abala sa pangungumusta.

"Kanino ka nag so-sorry?" Tanong ni Belle.

"Sayo... Sa inyo, sa lahat," diretso kong sagot. Napa hinga ako ng malalim at nalito kung saan at paano ako magsisimula.

"Bakit Lumi?!" Tanong ni Lia.

"Noon pa man ay nagsisinungaling na ako sa i-inyo!" Sabi ko at tinignan ko si Belle. "Belle sorry at tinago ko ang katotohanan sa iyo." Sabi ko.

"Ano ba ang ibig mong sabihin Luminous?" Nakakunot na sigaw na nitong si Windy.

"Naalala niyo ba ang pangyayari sa masquerade ball?" Tanong ko at iniisa-isa silang tinignan at tumango naman sila. "Pagkatapos ng pangyayaring yun ay may naalala na ako, maybe it's a half of my memory... Nakilala ko na ang sarili pero nung na ay hindi ako naniniwala. Tinago ko iyon dahil nangako ako sa sarili ko na... Sina Tita Mitch lang ang pamilyang pasasalamatan ko buong buhay, dahil sila lang ang meron ako noon. Alam kong napakaselfish ko pero yun ang d-desisyon ko." Sabi ko at yumuko ako.

"Sa panahon bang nagtatanong ako sayo tungkol sa mga nararamdaman ko ay alam mo na lahat iyon?" Tanong ni Belle at tumango ako dahan-dahan. "B-but why?!" Tanong niya.

"Ayokong madamay ka pa Belle... Ayokong may masaktan." Sabi ko at natahimik siya.

"Pero Xyz, may karapatan akong malaman ito." Mahinahong sabi niya.

ONSE ELEMENTOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon