14: ONSE ELEMENTOS

876 57 25
                                    

Alexyz' P.O.V

Pumasok ako agad nang nabasa ko na ang sticky notes. Pangalawang sticky notes na'to, sino ba ang nagpapadala nito sa'kin. Pagpasok ko sa room ko ay hinanap ko ang unang sticky notes na binigay sa'kin. Inihambing ko ang dalawa, pareho lang ang sulat kamay, parehong may T at RTC sa papel. Sino siya? At sino ang tinutukoy niyang don't trust anyone? Si Lucas ba? Sila bang lahat?

Bumukas ang pintuan sa connection door kaya minadali kong ipasok ang sticky notes sa cabinet ko. Lumuwa si tita Mitch na may dalang isang baso ng gatas.

"Nak, uminom ka muna ng gatas bago ka matulog." Sabi ni tita kaya tinanggap ko iyon.

Ininom ko iyon, tinititigan lang ako ni tita habang iniinom yon. Sinusundan niya ang mga galaw ko, hindi ako komportable sa ginagawa niya.

"Alam mo Xyz, kamukhang-kamukha mo papa mo at hindi sa mama mo." Sabi ni tita Mitch at kinatigil ko.

"Kilala niyo po mama at papa ko?" Tanong ko sa kanya.

"Oo naman! Pero sa mama mo minana ang pagkaiyakin mo." Tumigil si tita, "Wag kang magalit kay Belle ha, sinabi niya kasi sa'kin ang nangyari kanina sa inyo ni Justin." Sabi niya.

Sabi ko na nga bang may alam na siya tungkol kanina eh! Ayoko pa naman dumagdag sa problema niya sa opisina.

"Wag niyo po akong alalahanin tita, kaya ko po sarili ko." Sabi ko at nilagay ko ang baso sa tray na dala ni tita kanina.

"Wag mong itanim sa puso mo na pabigat ka o nakakadagdag ka sa problema namin, obligasyon kita dahil kami na ang legal guardian mo ngayon. Wag kang mahiyang magsabi sa mga problema mo sa'kin, tita mo ako Xyz, hindi malayo sa pagiging ina mo." Sabi ni Tita at hinihimas niya ang buhok ko. "Kung manggugulo pa si Justin sa'yo, kami na ang makakaharap niya. Mabuting boyfriend sana si Justin, pero sa ginawa niya ngayon sa iyo ay pambabastos ng isang babae. Walang katumbas na kabayaran ang magagawa niya, wala sa haba ng panahong pinagsamahan niyo ang makakabayad dun. Kaya ako bilang tita at legal guardian mo, pinagbabawalan na kitang makipagkita at makipag sama pa sa kanya? Okayy?"

"Tita, 'wag niyo lang pong idemanda si Justin please!" Pagmamakaawa ko.

"Kung manggulo pa siya sayo ay gagawin ko talaga iyan... Tandaan mo ang sinabi ko!" Sabi niya.

Umigting bigla ang tenga ko sa sinabi ni tita. Mahal na mahal ko si Justin, pero hindi sapat upang suwayin ko si tita Mitch. Si tita na pinalaki ako ng maayos at minahal na parang totoong anak.

"Opo Tita, salamat po sa concern niyo. Belle is very lucky to have you po, Sana may mama din ako gaya sa inyo." Sabi ko habang nakayakap sa kanya.

"You are lucky Alexyz, you have me right?" Tanong niya.

"Thank you so much tita!"

Mas hinigpitan ko pa ang pagyakap ko sa kanya. Malaking pagpapasalamat ko kay Lord dahil binigyan ako ng taong magmamahal sa'kin. Wala man sina Lolo at Lola pero nandito naman para sa'kin sina Tita Mitch at Tito Bernard, sapat na sa'kin yun. Umalis na si tita kaya nagpasya na akong matulog. May pasok pa bukas at may plano pa ako.

Nagising ako sa liwanag sa labas. Pagtingin ko sa wall clock ay 6:35 na kaya nagmadali akong maligo at magbihis. Nakababa ako ng 7:10, nandun na si Belle pero wala na sina Tita at Tito.

"Hindi na kita ginising, ang sarap ng tulog mo eh," sabi ni Belle. "Sorry pala Xyz dahil nasabi ko ni mommy ang nangyari kahapon." Medyo dismayado niyang sabi.

"Okay lang yun Belle, alam ko kapakanan ko lang ang iniisip mo. Wala kang kasalanan. Kumain kana dahil alam kong late na tayo." Sabi ko.

Hindi ko ikakagalit ang pagsabi ni Belle kay tita sa nangyari, tama ang ginawa niya. Dahil kasi sa sinabi ni Tita kagabi ay na bawas-bawasan ang bigat na naramdaman ko. Nang matapos na kaming kumain ay lumabas na kami. Kinuha ko ang bag ni Belle dahil nilabas niya ng garahe ang kotse niya. Pagdating namin sa school, wala nang Justin na naghihintay sa'kin. Nakakapanibago lang dahil wala na siya. Hindi naman sa umaasa ako pero noon kasi pag may problema kami, hindi niya ako titigilan para lang mapatawad siya. Na realize niya siguro ngayon na mabigat ang ginawa niya kaya wala siya ngayon. Nakita namin si Kiara, kumakaway siya sa amin.

ONSE ELEMENTOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon