Special Chapter:
ANG NANGYARI NI UNO SA PAGKAWALA NIYAAlexyz' P.O.V
Malamig na paligid,
Mapuputing buhangin,
Malinaw na tubig,
At tanging ibon lang ang naririnig sa paligid.
Ang ganda!
Ngunit ang gandang ito ay hindi maipagmamalaki kung walang katao-tao dito. Ito ba ay palayso? Paraiso? Nasaan ba ako? P-patay na ba ako?
Hindi maaari!
Marami pa akong gustong gawin, may gusto pa akong patunayan sa aking ina. Kailangan kong makaalis dito.
Tumakbo ako kung saan ngunit wala akong mahanap na daan upang makaalis ako dito. Hindi ito pamilyar sa akin, ang ganda dito ngunit hindi ako magiging masaya dito.
Mag-isa lang ako!
Unooooo!
Bigla kong naalala ang nangyari sakin bago pa man ako nakapunta dito. Gumagawa kami ng ritwal ngunit biglang may boses ng babae kaming narinig. Pagkatapos dun ay may sinabi siya at biglang ko nalang naramdaman na nawawala ang katawan ko. Nakita kong umiyak si Dos at lahat ng Onse Elementos.
I-ibig sabihin p-patay na nga a-ako!
"Buti at naalala mo ang nangyari sayo?"
May kung saan akong narinig na boses, ito yung boses na narinig ko nung nag-riritwal kami. Sino kaya siya? Saan siya?
"S-sino po kayo? Magpakita ka!" Tanging sigaw ko sa kung saan.
"Wag kang mag-alala, nagpapakita talaga ako sayo. Hintayin mo lang!" Sabi niya.
Paikot-ikot ako dahil hinahanap ko ang babaeng nagsasalita sa kung saan. Marami akong gustong itanong sa kanya, maraming katanungan ang nasa isip ko at alam kong siya lamang ang makakasagot nito.
"Boom!"
Napahawak ako sa dibdib ko nang lumuwa siya sa mismong harap ko. Napakaganda niya!
"Maligayang pagdating sa aking munting paraiso!" Pagbati niya sa akin. "Hayaan mo muna akong ipakilala ang aking sarili at ipasyal sa paraisong ito." Dagdag niya.
Tumango lamang ako at naghihintay sa susunod niyang sasabihin. Literal na maganda siya, mahaba ang buhok, maninipis ang mga labi, sakto lang ang katawan, at maganda ang kanyang mga mata. Tila siya ay isang diwata.
"Ako si Diwata Zieriaenna, ako ang diwata na nangangalaga sa kaharian ng Brahmanda. Alam ko lahat-lahat na nangyari sa Brahmanda, at tanging ako at ang Dosepinamba lang ang nakakaalam nito." Sabi niya.
"Ano po ba ang Dosepinamba?" Tanong ko sa kanya.
"Sila ay ang mga mumunting alaga ko. Halika ipapasyal kita at ipapakilala sa kanila." Pag-aya niya sa akin.
"Dosepinamba? Gaya rin ba sila sa amin? Ngunit Dose nga lang!" Tanong ko habang naglalakad kami.
"Tama! Sila ang nangangasiwa sa mga elementos." Sabi niya.
"S-sa amin? Paano?" Tanong ko ulit.
"Alam ng lahat na mauubusan tayong lahat ng enerhiya, ang tungkulin ng Dosepinamba ay ang patibayin ang inyong mga weapon lock. May tig-iisang weapon lock din sila gaya niyo, halika! Nandito lang sila." Sabi ni Diwata Zeiriaenna.
Nasa isang liblib na lugar kami ngayon ngunit hindi nakakatakot. Bawat kanto sa lugar ito ay may sari-saring kulay na gaya sa kulay ng mga elementos. Tumikhim muna ako bago nilapitan ang isang nag-agaw ng atensyon sa akin.
BINABASA MO ANG
ONSE ELEMENTOS
Fantasía(Story Completed) Our universe is composed of different elements. Earth, Air, Water and Fire are the first four elements, but in the world of Bramandah there are twelve elements that the universe is made up of. Every element has its own life and the...