37: ONSE ELEMENTOS

682 38 0
                                    

Maganda ang paligid, sariwang
hangin, at may masayang tao akong nakita ko. Nasa pamilyar na lugar sila, parang nakapunta na ako dito noon. Naglalakad ako kung saan at napadpad ako sa lugar kung saan natatanaw ko ang matayog na palasyo. Gusto ko iyong puntahan, iyon ang nailabas sa isipan ko. Kahit tanaw koy malayo iyon ay gusto ko pa ring makapunta doon, nakakabighani ang palasyo na nakikita ko dahil tanaw ito kahit sa malayo at kumikinang pa ang mga ito. Nagsimula akong maglakad, lahat ng paligid ay pamilyar sa akin. May nag flush na pangyayari nang may nakita akong blue river.

"Dito tayoo!" Sigaw ng batang lalaki.

"Lia, dito nalang tayo sabi ni Ace." sigaw ng isang bata babae.

"Hintayin mo ako Lumi." Sigaw ni Lia.

Ang batang lalaki na may matangos na ilong, manipis ang labi at maganda ang mga mata ay si Ace. Ang babaeng mataas ang buhok ay maganda, mahaba ang pilik mata at manipis din ang labi niya ay si Lumi. At si Lia ay yung maikli ang buhok, mas maputi kay Lumi at matangkad ng konti kay Lumi. Nasa ilog sila naglalaro, napakaganda ng ilog na iyon dahil may malinaw na tubig, klaro ang mga bagay na nasa ilalim ng tubig. Nakaupo dun si Lumi sa mga bato, habang si Lia ay gumagawa ng bracelet na gawa sa bulaklak at si Ace ay nakatingin kay Lumi sa malayo. Siguro gusto ni Ace si Lumi, bata pa man sila ay nakikita ko na ang chemistry nila. Bagay silang dalawa, perfect couple kung magkatuluyan sila.

"Mahal na prinsesa!"

May narinig akong sumisigaw sa kung saan, hinahanap nila ang prinsesa. Nasan ba ako? Bakit may prinsesa dito? Nang nakita ko na ang sumisigaw ay nakita ko ang dalawang lalaki na nakasuot ng pang kawal na damit. Nakita nila sina Lumi, Lia at Ace sa ilog at tumakbo sila papunta doon. Ibig sabihin isa sa kanila ay may dugong maharlika, pero sino?

Maya-maya ay lumapit ang isang kawal kay Lumi at... Lumuhod. Ibig sabihin si Lumi ang Prinsesa? Ng alin? Ng aling bansa ito? Anong bansa ito, bakit may malaking kahoy dito... Parang wala ako sa mundo ng mga tao, parang nasa Paradise Island lang ako.

"Mahal na prinsesa, hinahanap ka po ng ina at ama mo."

"Lia, Ace, uuwi na tayo... Hinahanap na ako kay Ina." Sigaw niya sa dalawang kaibigan niya.

Nang umalis na sila ay sinundan ko sila. Nagtago ako baka makita nila ako, nang malayo-layo na sila sa akin ay tsaka ako tumakbo sa kanila. Mahaba-haba ang nilakad ko tsaka ko nakita ang lugar kung saan marami ang nakatira. Masayang tao sila dito, hindi nakalimutang ngumiti sa isa't isa. Ngumiti ako sa kanila para hindi nila mahalata na hindi ako taga rito. Ang dami palang nakatira sa lugar na ito.

***

Nasa isang lugar ako kung saan makikita ko na naman si Lumi. Mag-isa siyang nakatunganga sa kwarto niya, nakatingin lamang sa ceiling. Maganda ang furniture ng kwarto na ito, ang ganda ng pagka disenyo. Maya-maya ay tumayo siya at pumunta sa isang kabinet at may kinuhang libro. Lumapit ako ng konti para makita ang librong iyon, ngumiti akong makita iyon dahil may ganyan din ako sa bahay. Binasa niya ito at ngumingiti pa siya habang binabasa iyon. May similarity kami ni Lumi, paborito ko ding basahin ang chapter 45, Iyan na yung kinasal na si Eman at si Hana. Napapangiti ako sa tuwing pupunta na si Hana sa altar, naghihintay naman si Eman doon. Matatamis ang ngiti nilang dalawa kaya naiimagine ko silang dalawa. Maya-maya ay may pumasok na isang babae na nakadamit maharlika, siya siguro ang ina ni Lumi. Lumapit siya kay Lumi at sinamahan siya sa kama.

"Pabalik-balik mo talagang binabasa ang last chapter ah?" Tanong niya.

"Nakakatuwa lang po kasi Ina... Sa lahat ng pagsubok na pinagdaanan nila Eman at Hana ay humantong din sila sa kasalan, nag-iimagine ako Ina kung may Eman din ako pagmalaki na ako." Sabi ni Lumi.

ONSE ELEMENTOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon