18: ONSE ELEMENTOS

817 50 12
                                    

Dos/Ace's P.O.V

Nabigla ako sa tinanong ni Belle. Kilala ko si Belle bilang masayahing tao, but this time she was very serious. Nag dalawang isip pa akong magtanong baka iisipin niyang may gusto ako kay Luminous at interesado ako sa buhay niya. At baka sasabihan niya ito at hindi na kami makakalapit sa kanila. Advance mag-isip, tanga! Sinakyan ko nalang si Belle dahil siya naman ang nag open nito at pagkakataon ko na 'to.

"Ahh, Matagal na kayong magkasama ni A-alexyz?" Tanong ko.

"Ahh Oo, simula bata pa kami ay magkasama na kami. Nung na aksidente nga ay magkasama rin kami, kaya magkasama rin kaming nagpa-hypnotize para hindi na namin maalala ang masamang nangyari samin noon. Yan ang sabi niya, na sinabihan daw siya ni mommy," sagot niya na nakatingin kay Luminous.

"Naaksidente kayo? Kailan?"

"Oo, nung bata pa daw kami. Hindi ko na naalala, tanong nga ni Alexyz kina Mommy bakit wala kaming naalala nung mga bata pa kami pero sagot niya palagi ay pinag hypnotize daw kami ayun."

"Talaga? Saan yung mga magulang niya?"

"Ang sabi sakin ni Mommy, bata pa daw siya ay wala na ang mommy at daddy niya, sa Lolo at Lola lumaki si Alexyz at nung mga eight years old kami ay namatay sila kaya napunta samin si Alexyz. Tsaka masaya nga eh, may kasama na ako sa bahay, may tatakbuhan ako pag may problema ako." This time nakatingin na siya sakin, "Yung sabi mo kanina? Hindi mo pa ba nakikita ang pinakamamahal mong babae?" Tanong niya sakin kaya napa buntong hininga ako.

"Actually, nakita ko na siya... I am just scared na baka ma-reject ako. W-what if hindi niya na ako kilala? Ang tagal na naming hindi nagkita. Masakit yun diba? Pero time will come, sasabihin ko rin sa kanya." Sagot ko at tumingin sa bintana.

"Naku Ace, ang sakit mariject, I swear!" Sabi niya at napa kamot sa ulo.

"Kaya nga ehh! At matagal-tagal na rin. Naghihintay lang ako sa tamang oras." Sabi ko at inalala ang nakaraan.

"Alam mo Ace, para sakin lang ha? Kapag mahal ka ng isang tao, kahit matagal na kayong hindi nagkita, maaalala at maaalala ka nun. Kasi magiging magaan ang pakiramdam niya pag kasama ka niya, tsaka ang hirap kalimutan ng love. Tsaka maghahanap at maghahanap ng paraan si kupido para mapana ulit ang mga puso ninyo at maibalik kayo sa dati. Kaya tiwala lang!" Sabi ni Belle sa'kin at napagaan niya ang pakiramdam ko.

Kahit kailan talaga stress reliever 'tong babaeng 'to.

 "Bihira na lang kung may mahal na siyang iba kaya patay malisya siya sayo ngayon." Pahabol niya. Na tahimik naman ako dahil sa sinabi niya.

Naghintay lang kami ng ilang minuto upang magising si Luminous. Kinuhanan namin siya ng tubig baka sakaling magising siya at ipapainom namin sa kanya agad. Kailangan niya uminom ng tubig para manumbalik ang enerhiya niya. Tumahimik ang kwarto matapos ng ilang minuto.

"Ace, salamat nga pala sa ginawa mo kanina ha? Nang 'di dahil sayo baka mabigat pa rin ang damdamin ni Alexyz ngayon. Bago pa naman namin kayo nakilala parang ang dami niyo nang naitulong samin. Sa katunayan, na weweirduhan kami ni Alexyz sa grupo ninyo at first, pero nang nakilala namin kayo ay hindi naman pala kayo weird. Sorry sa inyo ha? Tsaka salamat ng marami!" Sincere na sabi ni Belle.

Ngumiti ako, "No problem!"

Maya-maya pa ay nagising na si Luminous. Kinuha ko agad ang tubig na hinanda namin kanina at binigay sa kanya. Napahawak siya sa kanyang ulo, sunod-sunod ang naging problema niya kaya masakit ang ulo niya. Ininom niya ang tubig pero konti lang ang ininom niya kaya pinilit ko siyang ubusin ito. Matapos niyang uminom ng tubig ay sumandal siya sa headboard ng kama. May narinig kaming kalaskas sa labas kaya napatayo ako agad. Bumukas ang pinto at bumungad samin sina Tres at Fourth, hingal na hingal silang dalawa halata na tumatakbo papunta dito.

ONSE ELEMENTOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon