(●♡SPECIAL CHAPTER♡●)

802 23 0
                                    

Special Chapter:
ANG TUNAY NA NANGYARI NI CINCO.

Cinco! Cinco!

Sino po kayo?

Kailangan mo nang kunin ang weapon ni Tres, malapit na!

Anong malapit na? Sino po ba kayo?

Maniwala ka sa akin, malapit na. Mauubos kayo, mauubos kayo!

Hindi ko kayo maintindihan.

Mamamatay si Tres bukas makalawa, kaya kailangan mo ng kunin ang weapon niya bukas.

B-bukas? Ngunit hindi ko pa alam kung nasaan ang weapon niya!

Alam ko, Alam ko! Tutulungan kita, maaasahan mo ako, ako ang gagabay sayo.

Sino ka ba? Magpakilala ka, Magpakita ka! Nang sa gayon ay titiwala ako sayo.

Patawad ngunit kausap mo lang ako sa iyong panaginip, hindi mo ako makikita.

P-panaginip? Ibig sabihin tulog ako?

Oo. Kaya kailangan mo ng bumangon diyan at pumunta sa sisters building. Nandun sa sisters building ang weapon ni Tres.

S-sige!

Kaya mo ito mag-isa, hindi mo na kailangan ng kasama. Hindi mo na sila kailangan, gagabayan kita.
.
.
.
Ako'y lilisan na, kung kailangan mo ako ay bumulong ka lang ng 'Terfe' sa isipan man mo at handa kitang tulungan.
.
.
.
.
.
Mag-ingat ka!

Windy/ Cinco's P.O.V

Nagising ako matapos ng mga narinig ko sa aking panaginip. Totoo kaya ang sinabi niya? Mukhang mapagkatiwalaan naman siya, ang boses niya ay maganda at parang nakipag-usap ako sa isang anghel.

Bumangon ako at nag pasyang pumunta sa kwarto kung nasaan si Tres. Gusto ko lang siya makita para mabigyan ako ng lakas ng loob para pumunta mag-isa sa sisters building, hindi pwedeng mamatay si Tres. Mawawalan ako ng kaibigan, hindi pwede. Siya lang naman ang babaeng nakinig sa akin sa panahong nasaktan ako ng lubos ni Dos. Si Tres lang ang nasa tabi ko sa panahong iyon, siya lang. Kaya mahal na mahal ko si Tres bilang best friend, kahit hindi niya ako tinituring na best friend.

I'm still your best friend, Tres!

Handa kong isugal ang sarili ko para kay Tres. Tres taught me how to treasure friendship, that's why she's important to me, Onse Elementos is very important to me. Hinalikan ko muna ang noo niya bago umalis. *sigh!

Kaya ko 'to. Para sayo 'to Tres!

Nang nakapasok ako sa kwarto ay inayos ko ang kama ko at nilagyan ko ng parang tao para hindi nila mahalatang wala ako. Kung sakaling hanapin nila ako dito ay may makikita silang para ako na nakabalot sa kumot.

Tumayo na ako at medyo nahihilo ako kaya napahawak ako sa ulo ko. Madalas ko na 'tong nararamdaman, minsan bigla nalang akong magagalit, minsan naman kakalabanin ko ang mga kasama ko. Hindi ako ganun, matigas lang ang ulo pero never kong kinalaban ang mga kasama ko. Nagsimula 'to nang nabalot ako ng matatalim na wire sa likod ng sisters building. Parang bitag iyon sa akin, napansin siguro nilang madalas na akong pumunta doon. Kailangan ko kasing mapatunayan sa kanilang kalaban sina Sister Fe.

Cinco, ano pa ang hinihintay mo?

T-terfe?

Ako nga! Bilisan mo na, malapit ng sumikat ang araw. Makikita ka nila.

ONSE ELEMENTOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon