Special Chapter:
ANG SIKRETO NI UNOAlexyz' P.O.V
Mahirap pa lang magpanggap lalo na sa mahal mo sa buhay, hindi ko alam kung bakit ko iyon natiis. Sa ilang araw na nagpanggap ako ay sakit sa puso ang nararamdaman ko, pero tiniis ko para sa kaligtasan naming lahat. Yes, naalala ko na lahat pero hindi ko alam kung bakit parang may bumubulong sa akin na 'wag ko munang sabihin sa kanila lalo na kay Belle.
Nasa kwarto ako ngayon, naalala ko na naman ang nangyari sa akin pagkatapos ng masquerade ball. Habang tulog ako ay may kung nag flash na mga tao sa akin, isa na doon ang mga Onse Elementos. Naalala ko si Lia na dati ay bestfriend ko at nalala ko rin syempre ang taong minsan kong minahal, si Ace. Alam ko na ang about sa kanila, alam ko rin na isa ako sa tinatawag na Onse Elementos ngunit hindi ko pa totally nalaman ang buong pagkatao ko kaya curious ako sa mga bagay-bagay na nakapaligid sa akin.
Papalapit na ang sports feast nun nang naramdaman ko ang pagbabago sa aking sarili, mas lalo akong nakakaramdam ng kakaiba, pati si tita Mitch ay pinaghihinalaan ko na. At nararamdaman ko ang pagbabago sa kanyang pagkilos, medyo naging istrikta at masungit siya sa akin. Kaya nagkulong ako sa kwarto ko, may kung nag bulong sa tenga ko. Wala sa sarili kong tumayo at may hinahanap sa kwarto, nilock ko muna ang kwarto ko para makasigurado na walang makapasok. Hinalungkat ko ang buong kwarto ko pero wala akong nahanap na kakaiba at isa na lang ang hindi ko pa nahalungkat at sigurado akong may nakatago sa ilalim doon. Ang kama ko!
Lumapit ako sa kama ko, dahan-dahan akong sumilip sa ilalim nito---
"Alexyz, buksan mo ang pinto" sigaw ni tita Mitch sa labas.
Dali-dali kong inayos ang kwarto ko tsaka ko binuksan ang pinto, ngumiti ako kay tita.
"H-hi tita, bakit po?" Tanong ko.
May parang sinilip si Tita sa loob at pumasok siya sa kwarto ko. Nilibot niya ang paningin niya at tsaka ako hinarap.
"Bakit parang may naririnig ako dito sa kwarto mo?" Taas noong tanong ni tita.
"P-po?" Naguluhan ako, "Ako lang pong mag-isa dito tita, maglilinis din po sana ako kanina k-kaso dumating kayo." Sabi ko na medyo nagsisinungaling.
"Akala ko kasi kung ano ang nangyari dito." Sabi niya at umalis na siya.
Dahil dun, hindi ko nalang muna tinignan ang nasa ilalim ng kama ko at binabad muna ang sarili ko sa kama. Hindi ko nalang din muna iniisip ang mga bagay na gusto kong malaman hanggang sa inaantok ako at natulog.
Nagising ako nang uyugin ako ni tita, nagpaalam siya dahil may emergency meeting sila kaya tumango lang ako. Simula kaninang umaga ay hindi ko nakita si Belle, imposible namang nasa kwarto lang siya kaya tinanong ko si tita kung nasaan si Belle.
"Nagpaalam kanina pa, may pupuntahan daw siya. Akala ko alam mo kaya hindi ko na rin sinabi sayo." Sabi niya tsaka umalis.
Nakalabas na sa kwarto ko si tita at sinundan ko siya ng tingin. Ito na yung tamang oras!
Sinuguro kong nakaalis na si tita bago ko ulit tinignan ang ilalim ng kama ko. Nang nasigurado ko na ay nilock ko ang main door at connection door ng kwarto ko. Huminga muna ako ng malalim bago ko tinignan ang nasa ilalim ng kama ko.
Maya-maya...
Lumaki ang mata ko and at the same time na-c'curious ako nang may nakita akong kumikinang. Bilog ito at kulay ginto, inabot ko ito at naging successful naman dahil naabot ko ito. Umupo ako sa kama ko at obserbahan ang nakita ko.
Lubdub! Lubdub!
Ilang minuto ang nagdaan nang naramdaman kong ang pitik ng puso ko at ang pag kinang ng bagay ay na 'to ay pareho lang. Dahil sa kaba ko ay nabitawan ko ito agad at pagkahulog sa sahig ay medyo sumakit ang katawan ko. I knew it!
BINABASA MO ANG
ONSE ELEMENTOS
Fantasy(Story Completed) Our universe is composed of different elements. Earth, Air, Water and Fire are the first four elements, but in the world of Bramandah there are twelve elements that the universe is made up of. Every element has its own life and the...