Ace/Dos' P.O.V
Maaga akong nagising para maghanda para sa gagawin namin ngayon. Dinalaw ko muna ang kapatid ko at mahimbing pa silang natutulog. Pinuntahan ko rin ang kwarto nina Lia at Oddyssa, gising na si Lia at tahimik na tinitignan si Oddyssa. Ano kaya ang iniisip niya? Napansin niya ako kaya ngumiti siya sa akin.
"Ang aga mo ulit ah? Tapos ko na siyang pahiran ng mainit na tubig." Sabi niya.
Ngumiti ako. "Thank you... I want you to be strong later, Lia."
"I will... Para sa kanila," sabi niya. "Para na rin sa kapatid ko."
Tinapik ko nalang ang abaga niya at lumabas na ako. Pinuntahan ko sina Lucas, Mace at Iggy sa itaas. Maingay na doon kaya siguradong gising na din sila. Nadatnan ko silang nag-uusap sa mesa at nagkakape pa. Tinawag nila ako para magkape din.
Nagkukwentuhan pa kami, para lang normal na araw ngayon. Nasa mesa na kaming lahat na pupunta sa eskwelahan, gising na daw ang kapatid ko at binantayan na nila si Oddyssa.
Guide us Gani! Bulong ko sa hangin.
Nasa eskwelahan na kami. Ordinaryong araw para sa mga ordinaryong tao, may naglalaro, nagtatawanan, at nagkukwentuhan lahat ng iyan ay mapapalitan pagdating ng ilang araw. Nasa chaos na kaming lima, naghihintay sa tamang oras. Maya-maya ay nakita kami ni Belle, tinawag niya si Lucas at lumapit ito sa amin. Kasama niya rin si Luminous at tahimik lang siyang nakikinig sa usapan. Nag-isip ako sa gagawin ko para mapaalis sina Luminous at Belle dito sa campus, hindi pwedeng nandito sila mamaya.
"Professor Juneee!" Sigaw ni Lumi at nakita ko si prof na palapit sa amin dito.
Dali-dali siyang pumasok dito sa chaos. Nagtaka ako kung bakit pinapawisan siya, kanina lang ay nanonood siya sa mga naglalaro ng frisbee. Hinarap niya sina Belle at Luminous.
"M-may iuutos lang sana ako sa inyong dalawa Ms. Perez," sabi ni Prof.
"Ano iyon prof?" Tanong ni Luminous.
May ipapagawa siyang paper works na kailangan sa room lang nila gagawin. Kailangan na niyang i-submit ang papers bukas tapos may gagawin siyang importante ngayon kaya hindi niya magawa na mag-isa lang. Sumang-ayon naman silang dalawa at nagpasya na pumunta na sa sinasabi ni Prof na opisina. Nag suggest si prof na pakisamahan sina Belle at Luminous kay Lia papunta sa office at sumama naman si Lia. I don't know kung anong sadya ni Prof, nagtataka ako sa kanya. Tingin ko hindi siya mapagkatiwalaang tao kaya agad kong kinausap si Lia sa isip ko.
Lia? Lia?
Bakit Dos?
Lia, wag ka munang umalis diyan! Bantayan mo sina Belle at Luminous. Baka may masamang balak si Prof.
Okay, sige Dos!
Tinignan ko si prof at nagulat akong nakatingin pala siya sa akin. Tumahimik ang chaos kung saan naroon kami dahil hindi namin alam kung kalaban o kasama namin siya, or may alam ba siya about sa amin. Bakit hindi pa siya umaalis? Wala na sina Lumi ah?
Dos, anong plano mo? Pa'no si Prof?
Relax Diyes! Baka may itatanong lang si Prof sa atin.
Maya-maya ay nagmasid si Prof sa paligid habang busy ang lahat. Parang may binabantayan siyang mga galaw, umiingat siya sa bawat pag galaw niya.
"Alam ko kung sino kayo!" Mahinang sabi niya na sapat na rin para marinig namin.
Kinabahan ako sa sinabi niya at nagkatinginan kaming apat. Huminga ako ng malalim dahil hindi ko inaasahan ang salitang sinabi ni Prof. Ano ang gagawin namin ngayon? Tsaka bakit niya kami kilala? Sino ba siya?
BINABASA MO ANG
ONSE ELEMENTOS
Fantasi(Story Completed) Our universe is composed of different elements. Earth, Air, Water and Fire are the first four elements, but in the world of Bramandah there are twelve elements that the universe is made up of. Every element has its own life and the...