Alexyz' P.O.V
It's Saturday and masquerade ball na namin. Maaga akong nagising at nag ready sa mga susuotin ko. Hindi halata na excited ako, HAHAHA. Pagkatapos kong mag ready sa damit ko ay humiga ako ulit, 9 am pa naman mahaba pa ang oras. Tinawagan ko muna si Kiara para sabay din kaming mag-ayos. Kada may ganitong okasyon ay sabay kaming tatlo mag-aayos.
"Kiara?"
"Yes Xyz?"
"Dating gawi tayo, jan naman sa inyo."
"Sure, sige-sige"
"Mga 4 PM dito tayo sa bahay."
"Sige, sasabihan ko lang si Belle."
"Okay sige, See you later bye!"
Pagkatapos nun ay sinabihan ko agad si Belle. Okay siya sa usapan namin. Maya-maya ay dinalaw ako ng pagka-bored at nag-isip nalang ako kung ano ang gagawin ko.
"Xyz, matutulog ako ha? Wag kang maingay." Sabi niya at pumasok.
"Nanggugulat kaba? Kainis naman ohhh!"
"Edi sorry, Bala ka jannn!" Kumuha siya ng unan at padabog na humiga.
Maya-maya pa ay mahimbing na ang tulog ni Belle kaya hinayaan ko lang siya. Pumasok na naman sa isip ko ang mga transferees. Hindi ko ugali ang mangialam sa may buhay ng iba. Pero pagdating sa kanila, nacucurious talaga ako. Hindi ko alam kung bakit. Dahil hindi familiar sa akin ang Bramanda University, nag search ako tungkol doon. When I was about to search it, I heard something. Parang kaliskis ng tao, Impossible naman na may tao. Nevermind nalang. Nagpatuloy na ako sa pag search. F*ck! Walang lumabas na Bramanda University. Tanging Bramandah lang na part sa Oscillating Universe ang lumalabas. Dahil sa pag-iisip nakatulog ako. Nagising nalang ako dahil sa tawag. Tumawag si Kiara.
"Where are you Xyz?! Nandito na si Belle."
"Shucks! Nakatulog ako. Hindi manlang ako ginising. Anong oras naba?"
"3 pm pa naman, maligo kana para makapunta ka na dito."
"Sige, akala ko naman kung ano na. Bye! Sabihin mo humanda si Belle sa'kin pagdating ko."
Tumawa siya tsaka pinutol ang linya sa phone. Hindi masyado bastos ha? Kaya naligo na ako at nagbihis pero hindi pa gown yung binihis ko. Pagkatapos nun ay tinawagan ko na si Justin, si Justin ang partner ko sa Masquerade syempre baka mag wala siya pag hindi siya ang partner ko at babasagin ko ang gym pag hindi si Justin ang partner ko. Baka yan lang ang rason sa pag-aaway namin. Naghintay ako mga 3 minutes at sa wakas ay dumating na siya.
"Wow! You look stunning Babs." Sabi niya at hinila niya ako papunta sa kanya sabay yakap. "I miss you already."
"Loko kaba? Hindi pa nga ako nag-ayos eh" pagkontra ko sa pambobola niya.
"Kahit naman wala kang make-up, maganda ka parin." Sabi niya.
"Babs, nakakainis yang pambobola mo." Sabi ko sa kanya.
"Eto naman, may amats kaba ngayon?" Sabi niya at tumawa.
"Gago nitooo, kunin mo na lang gown ko sa loob." Kunot noo kong utos sa kanya.
Tumawa parin siya at pumasok na sa bahay. Una na akong pumasok sa Car niya. Nakita ko siyang bitbit ang gown ko pati sandals ko. Ang cute niya :) Pumasok na siya at nakatitig sa akin.
"Bakit ka ngayon natatawa?" Sabi niya na takang-taka sa inaksyon ko.
"Para kang bakla, Nung buhat buhat mo ang gown at sandals ko. Para kang si Ate Therese." Sabi ko sabay tawa.
"May amats talaga 'tong girlfriend ko." Sabi niya at ginulo ang buhok ko.
"Pero mahal mo!" Sabi ko at kinurot siya. "I love you too babs!"
Tumawa nalang siya at nag concentrate sa pag mamaneho. Tinititigan ko siya habang nagmamaneho siya, gwapo naman niya nakaka inlove, makapal ang kilay at mahaba ang pilik mata, manipis ang labi at may pagka Daniel Padilla ang style ng buhok niya. 5'11 siya at ako naman 5'5, Ang tangkad niya talaga. Kaya naman palagi niya akong tinutukuran ng mga kamay niya. Napansin niya sigurong nakatitig ako sa kanya kaya ngumiti siya.
"Bakit?" Curious niyang tanong.
"I love you Babs"
"I love you more kahit may amats ka HAHAHAHA"
Sinamaan ko lang siya ng tingin at lumabas na. Sumunod siya sa akin. This time, ako na ang nagdala ng sandals ko at siya naman sa gown ko. Sinalubong kami sa maid nila Kiara. Pagpasok ko tapos nang mag make-up si Kiara at ngayon naman ay si Belle na.
"Dai, bihisan mo na ang isa pang alaga natin para siya na ang sunod nito." Sabi ni ate Therese.
"Okay Dai." Sabi naman ni ate Yolly.
Sina ate Therese at ate Yolly, mga bakla sila na mga make-up artist. Since then, sila na ang kinukuha ng mga parents namin kung sakaling may ganitong activity. Close kami sa kanila, sinasamahan nila kami sa mga activity para sa retouch. Gaya nang may pageant si Kiara, sila ang umaasikaso. Sila ang nag train kung paano maglakad ng may hills. Kami nga daw ay tuturuan nila para kami na ang susunod na sasali.
Matapos akong binihisan ay sinimulan na ang pag-aayos sa akin. Dumating naman ang boyfriend ni Kiara na may dalang pizza at halo-halo. Nagsigawan ang dalawang baklang sina ate Therese at ate Yolly dahil favorite nila iyon.
It's 6:30 pm at tapos na kaming lahat. Ready na kaming pumunta doon sa school. Mamaya pang seven pm magsisimula kaya hindi kami natataranta. Gamit namin ang van nila Kiara dahil marami kami. Si Jameson ang nag mamaneho at nasa front seat naman si Justin. Sina ate Therese at ate Yolly ay nasa first seat at kaming tatlo ay nasa last seat, bakante ang nasa second seat.
At exactly 7:00 pm ay nakarating na kami sa school, marami-rami nang tao kaya sinuot na namin ang mask namin. I am seeing some gorgeous lady, they are wearing different beautiful dresses.
"You are beautiful of all beautiful ladies Babs." Pabulong na sinabi ni Justin.
"Shut up Babs." Siniko ko siya.
I am wearing an off shoulder blue dress, sa ibabang bahagi ng dress ay pareho ng kay Catriona Gray- may slit sa gilid. six inch blue stilettos, tapos simple ponytail ang buhok ko. Si Justin ay naka tuxedo siya, color navy blue siya at match na match sa akin.
Pagdating namin doon ay namamangha kami dahil sa disenyo ng gym. I can't believe na gym namin 'to, parang nasa pang 80's na time kami. Lalo na ang nasa stage, nandoon ang parang kalesa. Iyon siguro ang upuan sa itinanghal bilang King and Queen of the night. Maya-maya pa ay hinila na ako ni Justin papunta sa table namin. Pati table ay pang 80's, last year ay may skirting ngayon ay plain brown table lang na may salamin sa ibabaw. Hindi pa nagsisimula ang program kaya maghintay muna kami saglit. Sina Ate Therese at ate Yolly pala ay nasa van lang naghintay.
"Babs, okay lang ba makipag sayaw sa iba?" Tanong ni Justin.
Nagulat ako sa sinabi niya, "O-oo naman Babs, w-why not?" Sabi ko na medyo labag sa kalooban ko. Selosa ko talaga!
Ngumiti siya sa'kin at nginitian ko siya ng peke. Sana makisama 'tong sarili ko, baka mag-away pa kami dahil sa pagsayaw niya ng ibang babae. Wag Sana!
Please Vote and Comment below👇
Follow niyo na rin ako guys.
READ AND BE FAN. Labyuuuu all <3
BINABASA MO ANG
ONSE ELEMENTOS
Fantasi(Story Completed) Our universe is composed of different elements. Earth, Air, Water and Fire are the first four elements, but in the world of Bramandah there are twelve elements that the universe is made up of. Every element has its own life and the...