20: ONSE ELEMENTOS

757 54 14
                                    

Alexyz' P.O.V

Elementos, did you hear me? I'm tired.

Tumayo ako sa pangatlong beses na narinig ko, sumunod naman si Belle sakin. Tumakbo ako papunta sa likod ng sisters building, hindi ko alam kung sumunod sina Kiara at Jameson basta ang alam ko lang ay tatakbo ako at pupuntahan ko ang sumisigaw sa isip ko. Malayo-layo pa lang ako sa sisters building ay nakita ko na sina Ace, Ammelia, Oddyssa, Lucas at isa pang lalaki, tumatakbo sila at parang papunta din sa likod ng sisters building. Narinig din nila?

Hininaan ko ang pag takbo ko at sinundan sila sa tingin at tama nga akong pupunta rin sila sa pupuntahan ko. Huminto ako sa likod ng tangke ng tubig at hinabol ko ang sariling hininga ko. Maya-maya ay dumating sina Belle, Kiara at Jameson.

"Alexyz, anong ginagawa mo?" Tanong ni Kiara sakin at hinarap ako.

"Shhh! 'Wag kang maingay Kia." Pinatago ko si Kiara sa likod ko. Nakaupo naman sina Belle at Jameson.

"Nakita ko sina Ace papunta sa likod ng sisters building." Tinignan ko si Belle at nanglaki ang mata niya.

"Yung transferees?" Tanong ni Jameson at sumilip.

Tumango ako. "Baka makita ka Jameson, bumalik ka!" Sabi ko sabay hila sa kanya.

"Anong ginagawa n---

Belle, wag kang mag-mention please!

Bakit Xyz? Sina Kiara lang naman 'to.

Basta Belle, mangako ka sa atin lang muna 'to.

Tumango si Belle kaya binalik ko ang paningin ko sa kanila. Maya-maya ay may nakita akong madre, Sister Fe? Pumunta siya sa likod ng sisters building. Tumayo ako at nagpaalam sa kanila. Tinutukoy ko sina Belle, Kiara at Jameson.

"Alexyz, where do you think you're going?" Sabi ni Jameson. Pinigilan niya ako, hinila niya ako pabalik sa kung saan ako.

"May tingnan lang ako saglit!" Hinarap ko siya.

"Xyz please, dito ka na lang, baka mapahamak ka pa!" Sabi naman ni Kiara.

"Students!"

May sumigaw sa likod namin. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Dahan-dahan kong inikot ang paningin ko at nakita ko si Teacher Shalle na palapit sa amin. Kinabahan ako dahil galit na galit ang mukha niya.

Xyz, anong gagawin natin!

Akong bahala Belle.

"Bakit nandito pa kayo? Lunch time is done!" Sigaw niya sa amin.

"Ahh teacher Shalle, may tinitignan lang kami," sabi ko at tinuro ko ang kahoy na may lumilipad.

"For what?!" Kunot noo niyang sa sabi sa amin.

"For our ELS, mamaya na kasi." Sabi ko at tumango-tango siya.

"Tsaka kinunan din namin siya" dagdag ni Jameson.

Tumango-tango si teacher Shalle at pina balik na kami sa classrooms namin. Tumakbo kaming lima pabalik sa canteen at kinuha ang mga gamit namin. Nagpaalam na kami sa isa't-isa at nag diretso na sa classroom namin. Nang nakarating na kami sa room ay may nakasulat sa board.

Where have you been? You're late! Punta kayo sa gym!

Dahil sa sulat ay nag diretso kami ni Belle sa gym. Nahalata kong tahimik siya, hindi ako mapakali dahil may bumabagabag sa kanya kaya tinanong ko siya. Iniisip niya yung maririnig namin ang mga salita sa isipan namin. Gusto niyang hanapan ng rason, magpa-check up daw o ano ba daw dapat gawin. Iniba ko nalang ang istorya para hindi niya iniisip ng masyado. Kaya nagpatuloy na kami sa paglalakad.

ONSE ELEMENTOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon