Ace/Dos' P.O.V
Pagkatapos patayin ni Frey si Tara ay may sigaw kaming narinig galing sa sisters building. Maya-maya ay patakbong lumalapit si... Teacher Shalle? Umiiyak siyang kinakarga ang walang buhay na si Tara. Si Frey naman ay bumalik na sa mga kasama niya. Galit ang mga matang nakatutok si Teacher Shalle sa amin, maitim ang mga mata nito.
"Tara, Baby!" Sigaw niya. "Please wag mong iwan si Mama... Taraaa!" dagdag niya pa.
Ibig sabihin anak niya si Tara at sa sinabi niyang kakambal. Nagulat naman ako kung sino ang pumatay sa kakambal niya. Napaisip ako kung sino, wala nang iba kundi si Fourth pero pano? Inutos kong bantayan sina Lumi at Belle, panong pinatay niya ang kakambal ni Tara? Iniwan niya ba sina Lumi? Sumigaw na naman si Teacher Shalle at maya-maya ay kumulog ng napakalakas.
"Nawalan na ako ng isa kong anak, ngayon pati kambal ko ay papatayin niyo?" Sabi niya at tinuon ang paningin sa amin. "Okay na ang ginawa naming sisirain ang mga buhay niyo... You deserve it all... Hindi ako maging ganito kung hindi niyo pinatay anak ko... Simple lang naman ang buhay ko noon, simpleng nanirahan sa simpleng tahanan pero nasira." dagdag niya pa.
This time, tinignan na niya ako. Mas lalong umitim ang gilid sa kanyang mga mata at tinititigan niya ako. Kinabahan ako sa ginawa niya, wala akong ideya bakit ako ang tinitignan niya. Tinuro niya ako.
"Ikaw! Dahil sa mabait mong ama..." Sabi niya at nagulat nalang ako. "Kundi dahil sa ama mo, buhay pa sana ang panganay kong anak. Nandito pa sana siya... At hindi nasira ang simple naming buhay noon." sabi niya habang umiiyak.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.
Tumawa siya. "Wag kang mag bait-baitan... Dahil kayong Darkness Element, wala kayong mga puso. Basta-basta niyo nalang pinapatay ang mga tao sa Brahmanda, porket bobo yung anak ko? Kasalanan ko bang naging bobo siya at hindi siya nagmana sa akin?" Nagpatuloy siyang tumawa. Parang tanga lang, umiiyak tapos tumawa.
"Kaya sumanib ako sa lola mo eh! Para makapag higante ako sa lahat ng tao sa Brahmanda... Mapatay ang namuno doon at syempre patayin ang ama mo!" Patuloy niyang sabi.
Nabigla naman ako sa sinabi niyang Lola. Buhay siya? Nawala ang mama ng mama ko simula nung may sumakop sa Brahmanda na mga witches. Hindi ko alam kung buhay pa siya o patay na. We are very close, very close! Siya yung nagpapasaya sakin kapag malungkot ako, nagbibigay ng advice, at nag-aalaga sa akin nung bata pa lang ako. Nang nawala si Lola ay nawala rin ang mama ko, hindi ko rin alam kung buhay pa siya. Sana ay buhay siya. Simula nung nawala sila, si Papa nalang ang nasa tabi ko pero hindi ko naramdaman ang pagiging ama niya. Gusto kong makita ang lola, kahit kumustahin ko lang siya. Kung buhay pa nga siya.
"Si Lola?... Buhay siya?" Tanong ko.
"Hindi mo alam? Kawawang bata!" Sabi niya.
"Saan ang lola ko!" Galit na sigaw ko sa kanya.
"Dos, wag kang maniwala sa kanya!" sigaw ni Sixth sa likuran ko pero hindi ko siya pinansin.
Kinwelyohan ko si Teacher Shalle at nangingitim na rin ang mga mata ko. Hindi man lang siya natakot sa awra ko. Ngumiti pa siya sa akin at walang sinabi. Tinitigan niya lang ako.
"Where.is.my.lola!" Madiin kong sabi sa kanya.
"Kung sasabihin ko sayo... Baka ikatalo niyong lahat... Sayang ang pinaghirapan niyo. Tsk!" Sabi niya at may malaking ngiti sa kanyang labi.
"Nasaan si Lola!" Sigaw ko sa mukha niya.
Maya-maya ay lumaki ang katawan niya, ang dating teacher Shalle ay naging halimaw na din. Naalerto ako at nawala ang pighati sa puso ko. Lumaki siya ng lumaki at nakaatras ako. Lahat ng kasama ko ay nag handa na. Kinuha ko rin ang weapon ko na kanina pa activated. Ako, si Sixth, Otso, Diyes, Frey at tatlong kasama niya lang ang lalaban sa malaking halimaw na'to. Kahit kinakailangan pa namin ng kasama ay sinimulan na namin ang pakikipaglaban. Nang nakita ko si Frey, naalala ko sa kanya si Seven dahil pareho sila ng weapon na ginagamit. Hindi ko alam bakit binalik niya ang damit sa ulo niya, nakabalot na naman siya ngayon. Kung nandito lang sana sila ay mapadali ang pagpatay namin dito sa malaking halimaw na'to. Hindi ko alam kung saang parte ng katawan niya ang titirahin para mapadali siyang mapabagsak. Hindi ordinaryong halimaw si teacher Shalle, wala sa mga ensayo namin ang ganitong uri ng halimaw kaya mahihirapan kami nito. Nagpatuloy lang kami sa pakikipaglaban ngunit hindi siya napupuruhan.
BINABASA MO ANG
ONSE ELEMENTOS
Fantasy(Story Completed) Our universe is composed of different elements. Earth, Air, Water and Fire are the first four elements, but in the world of Bramandah there are twelve elements that the universe is made up of. Every element has its own life and the...