Furry

6 2 0
                                    

Una kitang nakilala
Binigyan mo ako ng ngiti hanggang tala
Subalit takot akong lumapit
At sa aking inay ako'y nakakapit

Ikaw ang unang pumunta
Ang mukha ko'y hindi maipinta
Sabi nila ikaw ay mabait
Hindi mo daw ako bibigyan ng sakit

Sapagkat takot
Lakas loob kitang nilapitan
Pagkahawak palang ng ating mga kamay
Parang batang matagal ng nalulumbay

Ikaw ay aking kalaro
Kahit mag-usap tayo ay hindi klaro
Ikaw ang aking kaibigan
Walang papalit sayo kahit ano pa man

::: man's bestfriend::

Tipsy PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon