Naglalakad sa gilid ng kalsada
Inaalala ang ganap sa tinakda
Tinakda sa mga gawa
Kung titignan ay walang tawaProblemado ang mukha
Kabado sa lahat
Mga opinyon nila ay kakalat
Parang pupunta sa dukhaTulala, hindi na malayang may nawala
Nawala na pala ang telepono
Telepono na kanyang hawak
Kaba at gulat ang bumagsakIiyak na sana kaso may panyo
Tinignan kung sino
Ngumiti lang ito at sabing huwag magalala
Hinabol mo ito kahit parang walang mapapalaDumating ka at na sayo na pala
Nagpasalamat, humingi ng pasyensya
At ulit ito ay ngumiti at ako'y nasa tala
Nagpalitan at nagpaalam siyaIlang buwan ang lumipas
Ang puso ko'y kumislap
Ngiti mo'y walang kupas
Tindi ang tama ito ay masarapNagkakamabutihan
Kilig na kilig dahil na tamaan
Tayo ay masaya
Kahit may lungkot tayo ay sasayaw mamayaPinakita mo sa akin ang mundo
Minahal kita ng todo
Sa ganito ay naging kuntento
Ikaw at ako naging kumpletoPero sa isang tagal
Ikaw , pagdating sa akin ika'y mabagal
Hindi na tayo nagkikita
Naghihintay sayo sintaWala na ang ngiti na aking mahal
Nawala na lang ito
Hindi alam dahil pala ay may karibal
Nawalan ng puntoParang isa akong laruan
Ay mali , ikaw nawalang parang bula
Ang pag-ibig ko'y sana hindi tularan
May pumapatak na mga luhaPinipilit na mawala
Sa sakit na dulot niya
Naniwala sa ngiting sisira
Sisira ng lahat kahit siya:: time to move forward::

BINABASA MO ANG
Tipsy Poetry
PuisiProblem? Just Drink,feel the vibe,write what you feel and enjoy the moment..