Empty Equity

6 1 0
                                    

Nakakapagod
Nakakawalang gana
Kung pwede itigil muna
Walang namang sahod

Nakakaawa
Gustong umuwi
Walang tawa
Aalis tabi-tabi

Nakakaiyak
Walang galaw at padyak
Gustong isuka
Nakakapagod pala p*ta

Nakakatamad
Maraming oras ang nalakad
Nakatayo
Bagkus di daw susuko

Nakahalik sa upuan
Gusto nila ako na pumigil
Ayaw ko na kabayan
Mahal ko'y titigil

Nakakawalang gana
Tumigil na ito sana
Kaso wala talaga
Kasi daw wala namang halaga

Nakakahiya
Walang ipagmalaki
Nabalutan ng lungkot ang saya
Ang problema ko'y malaki

Nakasabunot
Pinipilit binabaon
Kinakalimut, kaso bumalik ang sagot
Patuloy sa pagpatak ng kahapon

Nakaluhod sa harap
Nagmamakaawa na umalis
Nabigo ng maulit-ulit . Ang bilis
Naging mapait ang noong masarap

Nakakawasto
Tama na, walang namang nag-alala
Nakakapagod din, tao lang ako
Tao lang ako . Tao

::: 1-800-273.... i am sad:::

Tipsy PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon